Chapter 17

2.8K 133 28
                                    


BEAU



Katatapos lang ng meeting ko kasama ang mga shareholders dito sa GGH kaya pumunta na ako sa opisina ko at inayos ang aking mga gamit para makauwi na at makapag-pahinga.

Napatingin naman ako sa aking cellphone at napataas ang aking isang kilay ng makitang wala ni kahit anong message si Rodriguez sa akin ngayong araw.

Himala.

Nagkibit-balikat nalang ako saka lumabas na sa aking opisina. It's quarter to 10pm kaya pagod na pagod na ako dahil buong mag-araw akong busy ngayong araw. Pagkatapos ko kasi kanina sa CU ay pumunta agad ako dito dahil may inoperahan ako, it lasted 3 hours lang naman and after that diretso agad ako sa meeting.

Nang makarating na ako sa parking lot ay naglakad na ako papunta sa sasakyan ko nang makita ko ang napakapamilyar na sasakyan— that's Rodriguez car based on the plate number, nakabukas rin ang headlights nito at makina.

Hinintay ba ako nito dito sa parking lot? Kakarating lang ba niya? Bakit hindi siya nagm-message?

Kunot-noo akong naglakad papunta sa direksyon ng sasakyan niya at ng makalapit na ako sa kanya ay nakita kong bahagya pang nakabukas ang pintuan ng driver seat kung saan siya nakaupo at nakadukdok sa steering wheel ng sasakyan niya.

Is she sleeping?

"Rodriguez?" bigkas ko sa pangalan nito saka binuksan ng malawak ang sasakyan niya. "Rodriguez, wake up." pag-uulit ko pero parang hindi ako nito naririnig kaya marahan kong niyugyog ang balikat nito dahilan upang mapadaing siya na ikintaka ko.

"F-Fuck." I heard her whimpered. "I passed out." she added quietly that I almost can't decipher it.

"Yeah, you fell asleep here in the parking lot." sambit ko. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nanlaki ang mga mata nito ng makita niya ako. Nagtataka ako dahil nabalot ng pangamba ang mga mata nito habang napatitig sa akin, eh sa tuwing nakikita ako nito ay hindi naman ganito ang reaksyon niya.

"P-Prof Griffin..." nauutal na sambit nito saka umayos ng upo, pero hindi lumagpas sa paningin ko ang bahagya nitong pagkagat sa kanyang ibabang labi at paghawak niya sa kanyang tiyan– almost as if she's in a deep pain.

"Are you oka—" natigil ako sa pagsasalita ng mapansin na gusot ang suot nito at may bahid din ng dumi. "Hey, Jade... what's wrong?" di maiwasang tanong ko.

Ngumiti siya ng tipid saka umiling-iling. "I'm fine, f-future wife.." nahihirapang bigkas nito na wari bay naghahabol siya sa kanyang hininga. "Menstruation cramps lang." dagdag niya pa.

Tinaasan ko lamang siya ng tingin bago inilibot ang aking paningin sa loob ng sasakyan niya at nakita ang panyo nitong may bahid ng dugo.

I gulped. "Was that blood?" I asked, eyes on the handkerchief.

Mabilis iyon kinuha ni Rodriguez at inilagay sa bulsa niya kaya mas lalo akong nagtaka.

"B-Bumakas kasi yung period ko kaya y-yung panyo ko m-muna ang ginamit ko." paliwanag nito.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay saka marahan na tumango kahit pa na alam kong nagsisinungaling ito.

"Anyway, let's go home now." aya nito sa mahinang boses habang hawak-hawak parin nito ang kanyang tiyan. "I came here to see you, kasi I miss you na my future wife." ngumiti ito ng malawak pero agad din napangiwi.

Mariin lamang akong tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero alam kong may mali.

"Bukas nalang ako punta sa condo natin, future wife. Makikipagkita daw sa akin ngayon si Shantellemo. M-May problema daw siya."

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon