CHAPTER 1

87 1 0
                                    

8 YEARS AGO.

"Hoy HISTORIA!" bigla akong napatingin sa kanya. "Gumawa kana dyan ng assignments mo, natutulog ka nanaman" reklamo niya, siya yung kaibigan ko si Euclid. Nakilala ko lang sya sa online games, at ngayon kaklase ko na.

"Manahimik ka dyan Euclid, ikaw ang gumawa ng assignment mo dyan. Inaantok ako e!" Reklamo ko pabalik.

"So what kung naantok ka?" Tinignan ko siya ng masama. "Sabi ko nga joke lang, matulog kana dyan mahal na prinsesa" sabay irap nya.

"Mukha kang bading, nawala nalang antok ko sayo Euclid, kasalanan mo to" reklamo ko.

"Edi sorry na po, gumawa kana po ng assignment dahil para may idea ako" ngiting sabi nya, hinampas ko siya sa balikat. "ARAY NAMAN! Di ka nga volleyball player pero ang sakit mo humampas jusko maryosep na babae ka" reklamo nya ulit.

"Ang OA mo! Ikaw na ata yung kaibigan ko na sobrang OA, anong sinasabi mo na para may idea ka? Ulol! Kokopyahin mo lang yung mga sagot ko e!"

"Alam mo naman pala e, ililibre naman kita ng kape mamaya! Bilis naa!"

Tumayo na ako at umupo sa tabi niya, sayang naman yung libre niya diba? Minsan lang yan.

"Heh!" Ginawa ko na ang assignment at syempre kinopya din ng kaibigan ko. Pero madami pang assignment ang ipapasa para bukas, kaya ginagawa na namin ngayon.

"Aba nagdadate nanaman kayong dalawa Historia at Euclid ah" napatingin kami kay Ace.

"Manahimik ka nalang dyan Ace. Baka masapak kita at mapalabas kita dito sa apartment ko."tinignan ko sya ng masama.

"Ano ba yung sinabi ko! Pwede naman kaya magdate yung magkaibigan" reklamo nya.

"Wag mong awayin si Historia, pre. Baka di ako bigyan ng assignment" napatingin ako sa kanya at hinampas sya ng libro.

"E kung tagain kita dyan." Natawa nalang sila, pinagpatuloy ko ginawa ang assignment habang nararamdaman kong tumitingin sakin si Euclid.

Si Euclid, 2 years na kami magkakaibigan. Sa 1 year na magkakaibigan sa online yon, pero di ko alam kung delulu ba ako o hindi. Nagpapakita kasi siya ng motibo na gusto niya ako, pero ayaw ko naman syang tanungin. Mahirap na baka dahil lang doon mawala siya sakin, sayang ang pagkakaibig-.

"Historia okay ka lang?" Napatingin ako sa kanya, at ngumiti.

"Yep bakit?"

"Tulala kana e, okay ka lang ba? Ako na gagawa nyan"sabay turo sa ibang subjects natira.

"Wag na kopyahin mo na lang yan, kaya ko naman" sabay ngiti ko, tumango nalang siya.

Gusto ko si Euclid, pero natatakot ako kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

"Yow yow yow!" Bumukas ang pintuan kaya napatingin ako, si Cedrick. Napatingin siya sakin "Yow historia ang pogi ko diba?"

Napakahangin naman.

"Late ka nanaman? Gumawa ka na ng assignment dyan, si Ace doon oh gumagawa na." Sabay turo ko kay Ace na tutok na tutok sa kanyang ginagawa. "At tsaka wag kana mag joke maaga pa oh,nagbibiro kana agad at ang corny pa naman" biro ko.

Dito kasi kami sa Apartment ko, every sunday gumagawa na kami ng Assignments or mag rereview kami. Ganyan talaga ang buhay, bawal bumagsak ang mga grado.

Napatingin siya kay Euclid. "Naks si Euclid, busy gumagawa ng assignments ah?"

"Tanga Cedrick, kinopya lang nya sakin yan. Pabayaan mo na sya dyan, ikaw gumawa kana" sabi ko.

"Ey muna! Eyyy" 🤙🏻

"Eyyy"🤙🏻

Natawa at napa-iling nalang kami, jusko. Uso na kasi yung ey ey na yan. Kahit napaka seryoso ang usapan, nag ey ey si Cedrick mukhang baliw. EYYABLE.

Pumunta na doon si Cedrick kay Ace, habang ako pinagpatuloy gumawa ng Assignments.

"Historia, diba ang dami mong kaibigan?" Napatingin ako bigla kay Euclid at tumango."Random Question lang, nagkagusto kana ba sa kaibigan mo?"

"Bakit mo naman natanong yan? Ikaw nagkagusto kana ba sa kaibigan mo?" Tanong ko.

"Bat binalik mo naman sakin yan, pero oo matagal na. Ikaw? Nagkagusto kana ba sa kaibigan mo?"mapait niyang ngiti.

"Di ko alam"maikling sagot ko, magsasalita na sana si Euclid.

"HOY HISTORIA AT EUCLID! Anong gusto- gusto na yan?"Nagulat kami sa pagdating ni kim.

"Putangina naman kim, nagulat naman kami sayo" sigaw ni Cedrick.

"Wow mga OA? Sila Euclid at Historia oh, di gumagawa ng assignments. Pero Euclid sino ba yung  nagustuhan mo na yan?" Biro ni Kim sabay upo sa tabi ko.

"Napaka chismosa mo naman, pero kilalang kilala mo siya" seryosong sabi nya at bumalik nalang siya sa paggawa ng assignment.

Sino ba? Baka ako? Self pigilan mo ang pagiging delulu mo.

"AHHHH! Alam ko na, ikaw Euclid ah" biro ni Kim, napatingin si Euclid sa kanya at natawa.

"Manahimik ka nalang, kilala ko naman crush mo"

"Hoy fake friends ko na kayo, di ko kilala kung sino crush niyo" reklamo ko sa kanila. Pero tinawanan lang ako, mga fake friends.

"Okay lang yan, di ko nga alam crush mo kung sino e" sagot naman sakin ni Euclid.

"Syempre dapat secret lang yon! Mahirap na baka malam-"

"ALAM KO KUNG SINO!" napatingin ako kay Ace, yan na nga sinasabi ko e.

"Ace tatagain talaga kita manahimik ka diyan" reklamo ko at tinignan sya ng masama.

"Buti pa si Ace oh, alam kung sino crush mo. Tapos ako 2 years na tayo magkakaibigan, tapos di ko pa alam" reklamo niya sakin.

"Syempre! Mas nauna ko pa naging kaibigan yung pinsan mo kaysa sayo!" Sabay tawa ko.

Yup. Mag pinsan sila, nalaman ko lang din nung pinakilala ko si Euclid kila Ace. Ayos diba?

Eyy muna🤙🏻

"Edi wow Historia!" Yon lang ang nasabi ni Euclid, kaya natawa na lang ako.

"Historia malapit kana pala mag 18 noh? Next month na?" Napatingin ako kay Cedrick.

"Yep bakit?"

"Invited ba ako sa birthday mo?" Ngiting sabi nya.

"Hindi, sino kaba?" Biro ko, bigla nawala ang kanyang ngiti sa kanya labi. Kaya natawa nalang ako. "Syempre baliw kaba?"

"Akala ko hindi e, magtatampo talaga ako kapag di mo na invite" biro nya.

Natawa nalang ako, napatingin ako kay Euclid at nagulat ako tinitignan niya ako. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

"Wala, patingin nga sa sagot mo" ngiting sabi nya.

"Putangina." natawa nalang siya, binigay ko sa kanya ang ginawa ko at tinignan niya iyon.

Akala ko, sasabihin niya 'ang ganda mo' pero di pala. Yan napaka delulu mo historia. Napapaisip pa din ako, sino ba talaga ang nagugustuhan niya. Yung problema kasi, ang daming kaibigan ni Kim at ang dami niyang close. So sino ba Euclid? Ako ba o binibigyan mo lang ako ng mixed signals?.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Have You Ever Fallen Inlove?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon