40

7 4 0
                                    

CHAPTER 40
3 Words, 8 Letters


“Wie, gusto mo ng chismis?”

Napalingon ako kay Pat, nakangisi siya sa'kin. Andito kami ngayon sa Foodies, hinihintay namin si Sean. Trio day daw ngayon dahil hindi pa kami nagkakaroon ng date na tatlo.

“Matutuwa ba ako diyan?” tanong ko at itinaas ang kilay.

Nagpakulay siya ng buhok, golden brown na bumagay sa kutis niya na para sa kanya ay dahil sa 'anemia' pero para sa'kin ay natural 'yon. Nagpa-micro bangs din siya at talagang bumagay sa kanya. Simula noong nag-iba siya ng fit, andami lalong nagkakandarapa sa kanya pero wala naman siyang nagugutuhan.

“Oo... si ano, Kuya Eli at Karmic nakita ko silang magkasama noong isang araw...” kilig na kilig na sabi niya kaya lumaki ang mga mata ko.

“Hindi nga?!” halata ang excitement sa boses ko.

“Feeling ko nga medyo matagal na sila ulit nagkikita, masigla na ulit ang aura ng Kuya Eli ko...” hindi niya maitago ang kinang sa mga mata niya. “Diba kasama mo si Micay sa isang bahay? Wala ka ba napapansin? Akala ko ikaw ng magbabalita sa'kin eh.”

“Minsan lang kami mag-bonding kapag kasama yung mga lalaki. Sabi ko naman sa'yo baliktad kami ng schedule. nagkikita lang kami kapag gabi o kaya kapag umagahan. Pero wala siyang nak-kwento...” sagot ko.

“Sana hindi na maudlot this time 'no?”

Sumang-ayon ako. Natatakot din ako na kapag may mangyari na naman sa side ni Micay, tuluyan na siyang sasama sa Kuya niya sa New Zealand.

Pagdating ni Sean, nagsimula na kaming kumain. Maganda ang panahon ngayon kaya sana maganda rin ang araw ko.

“We're okay, simula noong nalabas ako sa hospital ay bumawi na sa'kin si Kuya. Hindi pa ako lubusang sanay pero, at least diba?” saad ni Sean.

“I’ve always dreamed of having an older brother.” Komento ko.

Parehas kasi sila ni Pat na may Kuya, may Ate naman ako pero nuknukan ng kademomyohan.

“Mas matanda si Akon sa'yo diba? Hindi mo ba siya like... considered as older bro lalo na sabay kayong lumaki?” tanong ni Pat kaya natigilan ako.

“Mag-twenty siya sa katapusan, so yeah... a year older than me.” Sagot ko habang naka-flash sa isip ko ang birthmark namin na parehas. Bigla tuloy ako nanlamig.

“When I first saw you two together, I thought you were actually related. Seriously, you both have such a strong resemblance! Diba Pat?” bumaling si Sean kay Pat na ngayon ay sinusuri ng mabuti ang mukha ko.

“Oo nga 'no? Parehas kayo ng mata na kulay brown.” Banggit ni Pat. “Pero baka dahil sa madalas kayo magkasama, ganoon daw 'yon eh! Kapag laging magkasama nagiging magkamukha.”

Humigpit ang hawak ko sa stick ng corndog. I suddenly feel uneasy, mayroon kung ano sa'kin na hindi ko mapaliwanag.

I'm terrified, because there's still so much I need to say to you, to share with you. May mga hindi ka pa nalalaman, kaya sana... sana 'wag mo nang uulitin. Nakikiusap ako, Nowie.”

Napapikit ako nang maalala ang sinabi sa'kin noon ni Akon sa hospital. Coincidence lang ba?

“I wish I could make you part of our family, na maging isang Poroco.”

“Kaya, nagpapasalamat ako dahil kakampi mo pa rin si Dada mo kahit papaano. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal ka ng Poroco.”

“Kami, proud kami sa'yo. Proud na proud kami sa'yo, anak.”

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon