I'm Inlike With You
written by: SweetyAnn
Like No. 33
"A-a-anong.." Pati ako papatayin ni TJ!
*Booooooooooooog!*
Isang putok ng baril ang pinakawalan niya. Nakita ko'ng dinaplisan ako ng bala sa braso ko. Hindi ko na makilos yung dalawang braso ko. Pareho nang may sugat, yung isa may baon ng bubog ng lampshade, at yung isa naman dinaplisan ng bala. Parang namanhid nalang yung buong katawan ko dahil sa takot. Dahil sa halimaw na nasa harapan ko ngayon.
"B-baby.. I'm sorry! Forgive me.. Laura..Baby.. I'm so sorry.." Lumapit siya sakin.
Para na siyang baliw. Kung kanina para siyang papatay ng tao, ngayon inaamo niya naman ako. Niyakap niya ko ng mahigpit.
"OUCH! OUCH! GO AWAY TJ!" Sita ko sakanya. Sa higpit kasi ng pagkakayakap niya, yung sugat ko sa braso, nadiinan din niya.
Siguro pwede na ko'ng tumakas ngayon kaso natatakot ako baka hindi lang daplis ng bala ang abutin ko. Wala siya sa tamang pag-iisip. Nangingig ako sa takot. Hindi ko alam kung makakalabas pa ko ng buhay dito sa unit na to.
"Baby... I'm sorry. Don't cry.. please.. forgive me Laura baby.. Sorry.." Umiiyak na rin siya..
"Ma'am! Tumawag na po ako ng pulis!"
*Booooooooooooooooooooooog!*
My eyes saw it. My eyes saw how TJ shot Nanay Conchie in the head.
"Nanaaaaaaaaaaay!!!"
BINABASA MO ANG
I'm Inlike With You [Completed]
HumorCopyright © 2012 by SweetyAnn Isang magulong kwento ng in denial na si Alice at ang mayabang na si Paolo..