Chapter Thirty-two: As Darkness put an End's Continuation
Tumugtog ang nakakaantok na tunog. "Nababaliw ka na." Pero sinasadya niya yata mabored ako at mamatay sa nilalabas ng radyo.
"I can't hear you." Nocturne ito at hindi chilling. Nakadagdag lang ng inis iyon sa akin tapos ang ugali niya na pinapakita sa akin.
"Play something nice or I'll stop this car?"
"Feisty." Aniya na nakapagpatapos sa akin dahil masyado na yata akong madaldal upang ubusin ang mga natitira pang sasabihin sa kanya.
"Your silence would be added to my list." Seconds after I realized what he did there, pinapaandar niya ang sasakyan paalis ng eskwelahan.
"Creep. I hate your existence." I had hope I got some nerve. Upang kahit sa ganoong paraan ay itulak niya ako palabas ng kanyang sasakyan dahil sa aking sinabi.
Huminga siya ng may kalakasan. Iyon lang at tumahimik na ang paligid dahil mas pinili ko na talaga patulan ang katahimikan kaysa makipagtalo sa umuubos ng oras ko sa mundong ibabaw.
At oo nga, muntik ko ng mawala sa isipan na siya ang dahilan kung bakit nagdodoble ingat ako sa paligid ko. Dahil hanggat nariyan si Vincente, nanganganib pa rin ako, kami.
But I'm hoping to solve a resolution to end this unending cycle. Pero saan nga ba ako dadalhin nito?!
Mabilis. Walang halong detalye ang aming biyahe. Tanging iniisip ko ang susunod niyang gagawin at ngayon, nasa dulong bahagi kami ng bangin.
Where in the hell am I? Nagsimulang maghuramentado ang aking dib-dib at manlamig. Hindi ko inaasahang siya ang tatapos ng lahat.
Nagising ako.
"Akala ko ay hindi ka na magigising." Napapatanong ako sa narinig na boses ni Herlliot. Ibig sabihin, panaginip lang ang huli kong kita kay Shane Llansante? Nevermind. It saved me from death. Pero aminin ko, iyon na ang pinaka detelyadong panaginip na naranasan ko. I don't even mind stabbing Llansante if only I know it was just only a nightmare with him and definitely counts as fine for me and live happily ever after.
"Pero hindi ibig sabihin ay magpapasalamat ako sa'yo." Pinunasan ko gamit ang likod ng aking palad ang nabasang parte ng aking mukha na kanya lamang binuhos ang natirang alak sa aking mukha at ngayon nagsasalin ng panibago sa baso.
"You know what, you should check your face," Natutop niya ang kanyang bibig na tila nagulat na may pagkukunwari. "Oh! Well," natatawang aniya.
"Goodnight kids." Aniya pero bago niya ako iwan, pinanliitan niya ako ng mata na natatawang lumabas ng silid kasama ang alak at baso. Tinakbo ko ang kinaroroonan ng salamin. Kulay pulang mga pisngi ang bumabati sa akin.
"You hate him that much?" Halos hindi ko nabosesan sa likod ng pagmamayari ng boses. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan.
"You're here," huminto ako. "Feel at home." Pag-iiba ko ng topic.
"Thanks." Sinakyan niya ng may halong tuwa ang kanyang sagot. Nilunok ko naman ang disgusto sa dapat na sasabihin dahil nakakasuka iyon sabihin.
Iyon ang huli naming paguusap nang mga oras na iyon, kinailangan na niyang tumulak sa pagtulog. Napili niya ang sofa na katapat ng aking kama at magpahanggang ngayon, hindi na muli ako dinalaw ng antok na aking sinusubukan kanina pa.
Pumikit ako, nga lang bumuhos ang mga ala-ala nina Laura, Josef at Adrienne. Bumuga ako ng malalim na hininga upang mawala ang mga iyon.
Sa kaliwa, sumasayaw ng marahan ang see-through curtain. Maaliwalas nanamang gabi na puno ng bituin at marahil nasa gitnang bahagi ang buwang malayang nagbibigay liwanag.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Misteri / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...