51: Ukab

598 33 20
                                    

Ukab means opportunity or chance.
.
.
.
.
.
~*~
KEIFER

Lumipas ang mga araw na patuloy kong iniiwasan si Damian. Sa tuwing umuuwi ako sa bahay namin ay sinisigurado kong hindi niya ako makikita sa guard house ng Beverly Heights. Makita niya man ako ay madalas ko namang ikandado ang bahay sa tuwing nagtatangka siyang pumunta tuwing break time niya. Pang umaga pa naman ang duty niya ngayong buong linggo. May pagkakataon pa na pinuntahan niya ako sa ospital kung saan naka-admit si tatay. Tinakasan ko siya noong pumunta ito. It might sound evil but I really want to cut ties with him. Sapat na ang mga narinig kong paliwanag niya. Malinaw ko ring narinig ang mga ito at wala nang rason para isalba pa ang relasiyon naming dalawa. Mas ayos na rin siguro na tuldukan na lang namin ito. Baka mas mabaliw ako kakaisip oras na umalis ako ng bansa at iwanan ko siyang kasama si Winsor dito sa Pilipinas. At least ngayon ay hindi na ako masiyadong nai-stress, pero aaminin ko, may mga pagkakataong nami-miss ko siya. Sobra.

Mabuti na lang din at hindi na nagtanong pa si Tito Kris simula noong umiyak ako sa kaniya. Nagpapasalamat din ako na hindi niya na ito nabanggit kay nanay kahit na makailang ulit akong tinanong ni nanay kung ano ba ang problema sa amin ni Damian. Hindi pa ako handang ipaliwanag sa kaniya lahat ngayon. Gusto ko munang sarilihin lahat ng sakit at magdusa nang tahimik. Marami nang inaalala si nanay at ayaw ko nang dagdagan pa ang isipin niya. And to think of her, I know she will make a way to fix my relationship with Damian. Bukod sa akin, isa si nanay sa mga taong kilala ang tunay na ugali ng Sekyu na ito. Alam kong alam niya kung gaano ako kamahal ni Damian. Sayang din dahil ang naka-schedule naming pag-uwi sa probinsiya nila ay hindi na natuloy. Nabanggit niya pa naman sa akin na uuwi siya sa probinsiya nila dahil ngayong linggo na rin na ito ang schedule ng operasiyon ni Dama.

Napabungtong-hininga ako.

"Tito, tumawag na po pala iyong isang staff sa Passport Office. Releasing na ng passport ko bukas kaya kailangan kong pumunta sa kanila before 8 am para sa profile capturing," paliwanag ko kay Tito Kris. Kayayari lang namin kumain at hinuhugasan ko na ang mga pinggan na ginamit naming dalawa. Nandoon naman siya sa loob ng k'warto ko, nag-aayos ng mga damit niya.

"Good to hear. Nga pala, nakapagpasa ka na ba ng resignation sa part-time job na pinapasukan mo before?" tanong nito sa akin.

Umiling ako at saka huminto aa ginagawa. Humarap ako sa kaniya upang mas makita siya nang maayos. "Ilang linggo na akong absent, tito. Terminated na ako r'on."

Nakita kong umiling siya. "You could have at least submitted your resignation for formality. In any job, you should leave properly. Keep that in mind, okay?"

Tumango-tango ako dahil may punto naman talaga ang sinabi ni Tito. Nataon lang na maraming mga ganap nitong mga nakaraang linggo kaya hindi ko na ito naasikaso. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Hunter. Siguro naman bago ako umalis ay mabisita ko man lang siya ro'n at makapagpaalam nang maayos. After all, siya pa rin ang childhood bestfriend ko.

I'm wondering. Kung siya ba ang minahal ko, mangyayari din kaya ang mga nangyayari sa akin ngayon? Malamang ay hindi dahil hindi niya naman kilala si Winsor na ahas.

"Bukas din ay i-file mo na ang leave of absence mo sa State University kung saan ka naka-enroll ngayon para maayos din ang record mo bago tayo umalis ng Pilipinas," saad pa ni tito sa akin.

"Opo," sagot ko na lang. He's a man of peace and order. Gusto niya talaga na bawat bagay ay maayos at nasa mabuti nilang kinalalagyan. Ayaw niyang basta ko na lang iwanan ang mga bagay na maiiwan ko rito sa Pinas.

"Nakapag-booked na ako ng flight natin. This coming friday ay aalis na tayo kaya naman ayusin mo na ang mga gamit mo. Huwag masiyadong maraming damit dahil pwede naman tayo bumili doon. Five shirts and shorts are enough."

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon