CHAPTER 16

16 1 0
                                    

Kasama ko sa isang kwarto ngayon si Arabella, ipinasok nila kanina rito ang maliit na higaan kaya tig-isa kami ng kama.

Only the shine of the moon peeking through the window serves as our light here. Malamig na ang simoy ng hangin at mukhang ako nalang ang nagigising dito.

Hindi ako makatulog dahil kanina pa tumatakbo sa isip ko si Stef na nasa katapat na kwarto, sa kwarto ni Jabez. 

Every time I try to close my eyes, his face, his laugh, and his smile are running through my head, and I don't know why. Maybe... I already have feelings for him? 'Di ko talaga maintindihan.

Napaharap ako sa pader nang pumasok na naman siya sa isip ko. Nakakatulog  ba siya ng mahimbing? Giniginaw ba siya kagaya ko? Hindi man lang ako nakapag-good night sa kanya. Puntahan ko kaya? Wag na... nakakahiya. Pero wala namang masama 'di ba? Baka tulog na siya. Silipin ko lang kaya. 

Bumuntong hininga ako bago bumangon sa kinahihigaan ko. Tahimik akong naglakad palabas at baka magising ko pa sila. 

Halos malaglag ang panga ko sa gulat nang makita ko si Stef sa pintuan ng kwarto ni Jabez. Sakto lang ang liwanag para makita ko ang matatamis nitong ngiti. 

Dahan-dahan naming hinakbang ang mga paa papunta sa isa't isa.  Bigla kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko nang magkalapit kami.

"Uhm..." I am struggling to let out a word. Parang hinihila pabalik ang dila ko.

Napansin ko ring naghihirap din siyang magsalita.

"G-good... good night." Nauutal na sabi niya habang kinakamot ang ulo ng marahan na parang makati talaga ito.

"I'm also here to say good night." I managed to say it with a little smile.

"Uhm... matutulog na ako. Matulog ka na rin." He said.

"Yeah, sure" I uttered.

Katapos nun ay hindi na nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa makatulog ako.

I slowly opened my eyes as the sunlight kissed my cheek, which woke me up. It was a nice and beautiful day. I widely opened the curtaoin from the window and breathed heavily there, like I'm in the movie I've watched.

Napansin kong wala na si Arabella sa kama niya. Nasa labas na ata. Niligpit ko ang hinigaan ko at nag-ayos ng sarili bago lumabas.

Hinanap agad ng mata ko si Stef ngunit 'di ko makita. Asan kaya siya?

Napunta ang tingin ko sa isang picture frame sa sala. Napangiti ako nang makita ang isang sanggol na karga-karga ng isang babae na siguro ay mama niya, katabi naman nito sina lola at Manong Joseph na may karga-karga ring bata, na sa tingin ko ay si Jabez iyon. Nakatabi naman sa kanya ang isang magandang babae, I think it's his wife. Mukhang binata pa rito si Manong at talagang ang gwapo niya rito. Hindi pa rin masyadong matanda rito si lola.

Pero ang ipinagtataka ko lang ay sino ang batang karga-karga ng babae? Nasan sila ngayon?

"Kumain ka na." Napalingon ako sa mahinahong alok sa akin ni lola. Mukhang maganda na ang timpla niya sa 'kin.

Sumunod na ako sa kanya baka magbago pa ang isip niya.

"Nasaan po sila?" Tanong ko kay lola nang maka-upo ako. Naka-handa na ang pagkain, mukhang pinag-handaan niya.

"Inaayos na ni Joseph ang kotse mo. Nasa baba naman ang kasama mo,  kasamang maglaro ng basketball ni Jabez." Sabi niya habang naghuhugas ng pinggan.

Wow. mukhang hindi na ata siya galit sa amin. Mabuti naman.

Hindi na ako nagtanong pa at tumusok na ng hotdog at sinumulan ko nang kumain. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon