Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang paghahanap kay esmeralda..ayon kay itay si esmeralda ay tumanda ng 20 taon simula ng sakupin ng mga diablo ang encantadia at agawin sa kanya ang mahiwagang krystal!
Ang tanging palatandaan ko lamang ,ayon kay itay, makikilala ko si esmeralda kapag uminit ang kwintas!
Ibig sabihin nun, nasa paligid ko si esmeralda oras na uminit ang kwintas na hawak ko..Sinimulan ko na sa lalong madaling panahon ang paghahanap kay esmeralda..
Lahat ng matatanda sa aming baryo ay pinuntahan ko..
Pero bigo pa rin akong matagpuan siya..
Sinuyod ko rin ang buong bayan ,at ang karatig bayan namin ,subalit walang palantandaang naroon si esmeralda..
Tila nauuubusan na ako ng pagasa..
Nakaramdam ako ng pagkahapo sa paghahanap kay esmeralda..
Parang nauubusan na ako ng lakas..
Napapikit ako..
Panginoon,tulungan nyo po ako at aming baryo!
Huwag nyo pong ipahintulot ang kadiliman sa mundo naminTimtim kong dasal..
Napadilat ako sa mga malalakas na sigawan ng mga tao..!!
"Takbo kayo..!!!!!!"
Yun ang sigawan ng mga tao..
Tinungo ko ang lugar na pinanggagalingan ng sigawan
Laging gulat ko ng makita ko ang dahilan ng pagkahilakbot ng mga tao!
Mga katakot takot na insektong lumilipad!
Maihahalintulad ito sa mga langaw subalit may pagkakaiba sa hitsura
Hindi ito ordinaryong langaw sapagkat mayron silang munting sungay na walo
At pulang pula ang mga mata!
Taranta at di ko alam ang gagawin ko ..
Di ko alam kung saan ako tutungo upang makaiwas sa mga kakaibang insektong di ko alam kung saan galing
Patuloy ang mga sigawan
Takbuhan
May umiiyak at humihiyaw
Humihingi ng saklolo
Nanlaki ang mga mata ko sa mga taong duguan na paparating sa kinaroroonan ko
Tila kinain ang kanilang laman!
YUng isang lalaki,umaatungal ito sa sakit at hapdi sa mga kagat ng mga insekto
Patuloy ang mga insekto sa pagputakti sa lalaki
Ilang saglit pa at isa isang nagpulasan ang mga insekto sa kanilang biktima
Tumigil sa paghiyaw ang biktima
Halos di ako makahinga nang makita kong buto na lang ang natira sa katawan ng lalaki
Luwa ang kanyang mga mata
Nakabuka ang kanyang bibig
Kitang kita sa hitsura nito ang hapdi at sakit na kanyang sinapit!Muling nagkumpol kumpol ang mga insekto na maihahalintulad sa langaw
At tila may mga isip itong nakatingin sa akin
Teka, sa akin sila patungo!
Huli na na upang makakilos ako
Binalot ako ng halos di ko mabilang na mga insekto!
Nagsisigaw ako
Pinapagpag ko ang aking dalawang kamay upang idepensa ang sarili ko
Ngunit tila lalong naguulol ang mga peste upang kainin ang bawat laman ng aking katawan
Ipinikit ko ang aking mga mata upang ipaubaya na lng sa kamatayan ang aking sarili
Laking gulat ko nang bigla nagiinit ang katawan ko
Mainit ....pakiramdam ko nasa gitna ako ng lumalagablab na apoy
Mainit na mainit!
Idinilat ko ang aking dalawang mata
Halos di ako makapaniwala..!
Naglalagablab ang buong katawan ko sa apoy!
Nakapagtataka na hindi man lng ako nasusunog!
MAinit lang ang pakiramdam ko pero di ako nasusunog!
Natusta ang mga insekto na pumutakti sa akin
Iginala ko sa paligid ang aking paningin...
Maraming tao pa rin ang nagtatakbuhan
Naghihiyawan
Patuloy ang pagputakti ng mga insekto sa mga tao
May mangilan ngilang nakahandusay sa kalsada tila wala na itong buhay..
Huminga ako ng malalim..
Sabay bugA..
Woooooohhhsss...
Teka,apoy ang hininga ko?!
Bumubuga ako ng apoy??
Nagtataka man,ay wala na akong hinintay na sandali
Patakbo akong lumapit sa mga insekto at buong lakas kong binugahan ang mga ito ng apoyPresto!!!
Tustado silang lahat!
Eto pa ang isang kumpol ng mga peste!
Muli akong huminga ng malalim ..
At buong lakas kong ibinuga ang apoy sa mga peste!Buga dito
Buga doonNi isa sa mga peste wala akong pinalagpas!..
Ilang saglit pa at...Nraramdaman kong unti unti akong nanghihina..
Nanlalamig ang buong katawan ko..
Tila umiikot ang paningin ko..
Nasapo ko ang aking ulo
Yun lang at tuluyan akong nawalan ng ulirat!
Tuluyang nagdilim ang paningin ko..
BINABASA MO ANG
Sundo
Mystery / ThrillerKilala mo ba ang sundo mo?? Sino ang sundo mo?? ...baka hindi tao yang sumusundo sa yo....