Ms. Canon Printer :">

63 4 4
                                    

"Pare stun mo!"

"Ay pusang gala!!"

"Booogggsshh!! DOUBLE KILL!!"

"Boooomm!! Yuuhhuu!! Panalo na naman tayo!.."

Ang ingay naman, nakaka-asar lang ha…

Kitang nagbabasa yung tao tsss…

Mga player talaga ng DOTA… Hindi ba pwedeng tahimik lang habang naglalaro…

Napansin ko na medyo nakakunot ang noo nung babae sa PC 1 at masama ang tingin dun sa mga lalaking maiingay.

Nakakairita sila… Pati yung babaeng suki na namin dito medyo na babadtrip na rin.

Pinanood ko sya habang nakatingin sa monitor at umiiling. Tumayo siya at lumapit sa counter kung saan ako ang nakatambay.

"Oi… pa print naman oh…" Agad akong tumingin sa server namin.

"Anong file name?"

"Project in Social Studies_Genine"

Bubuksan ko na sana yung bagong Hp Printer namin…

"Pwede bang dun mo na lang iprint sa canon? Puro pictures kasi yun eh…" :)

"…Sige"

*Printing

*Printing

*Printing

*Printing

"…o" sabay abot ng typewriting sa kanya.

"magkano?"

"10 lang…"

"Thank you!!" Inabot nya sa akin ang bayad nya sabay ngiti ng pagkalapad lapad.

*Dubdub

*Dubdub

*Dubdub

*Dubdub

Huh?

Ano naman daw yun?

Minsan talaga itong puso ko ang hilig magdesisyon magisa. Yung tipong walang halaga sa kanya ang opinion ng utak ko. Katulad nito, ngumiti lang yung babae itong puso ko kung makatibok akala mo naman wala ng bukas.

Nga pala bago tayo magkalimutan…

Gerard Vasquez nga pala…

GeGe for short, baka sabihin nyong snob ako or suplado. Tahimik lang akong tao, ayaw ko sa maiingay at sa tingin ko pareho kami nung babaeng nagpaprint kanina.

Mayroon kaming computer shop sa garahe ng bahay namin. Alam nyo na, para may konting mapagkakakitaan. Tuwing sabado at linggo ako ang naka toka na magbantay ng comshop…

At yung babae kanina, Siya si Ms. Canon suki namin sya. Tuwing weekends palagi yan nandito para magrent ng computer. Ewan ko nga ba… puro lalake at mga player ng Dota ang madalas na rumerenta sa comshop namin. Minsan nga ang baho pa dito amoy pawis kaya naman tuwing magrerent siya ng computer nagiispray pa ako ng disinfectant. Nakakahiya naman. Kulang nalang magsaboy ako ng perfume para lang sa kanya, lagi ko rin syang pinagrereserve ng com. Dun palagi sa PC 1 para malapit sa akin at para narin nakikita ko yung mga ginagawa nya. Noong una akala ko yun lang ang dahilan kung bakit gusto ko syang malapit sa akin. Pero ngayon, parang iba na. Siya lang ang kaisaisahang babae dito, kaya lagi ko siyang napapansin. Madalas siyang magpaprint dito at sa tuwing sa ibang printer ko ipiprint ang file nya laging may pahabol na "Oi pwede bang dun mo na lang iprint sa canon?"

Ms. Canon Printer :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon