"Ayokong magpahuli sa Prison Booth, nakakaasar sila" sabi ni Niki
Lahat naman ayaw magpahuli eh. Nakakaasar nga ang Prison Booth pero ito yung nagbibigay ng onting thrill sa mga students na hindi magpahuli.
"Announcement from the Prison Booth: Lahat ng nakasuot ng Blue, huhuliin"
Nagtakbuhan at nagtago lahat ng nakasuot ng blue para di mahabol ng mga nanghuhuli. Kapag nahuli ka ng mga nanghuhuli, it's either magbabayad ka o gagawa ka ng dare nila. Masaya kapag hindi nahuhuli, nakakapikon kapag nahuhuli ka. Yung iba nga sinasaktan pa yung mga nanghuhuli para di lang mahuli eh.Parang School anniversary lang last year. Maraming pagkain, at marami ring masasayang booths, almost the same booths as last year. May nagbebenta nga ng spray ng parang sabon, di ko alam pangalan eh, pero ayun ginagamit naming para magkultian, nagpapaulan kami ng spray ng sabon. Kapag walang spray, nagbubuhusan na lang kami ng tubig.
Ayun, basang basa na mga damit namin. Kahit si Carly basa rin damit. Kapag may manghuhuli sa akin o kaya kina Carly at mga kaibigan niya, spray lang katapat. Pasingit singit lang usapan naming ni Carly at binabati ko naman lahat ng kakilala kong nakakasalubong namin.
The day was very fun, 10 times better than last year. Spending time with her just makes me smile. Makita ko lang siya malapit sa akin, umiinit palagi ang pisngi ko, napapangiti na lang ako. Sana palagi na lang kami magkasama. Sana ganito kami kalapit palagi sa isa't isa. Tuwing kasama ko siya nawawala lahat ng problema.
She is always gives the reason to not stop smiling. Nahuli si Carly ng Prison Booth, binayaran ko na lang yung multa, wala na akong pang miryenda, pero ok lang. Nahuli rin si Niki at umiiyak kasi pinakain ng sili. Binilhan ko siya tubig at habang wala ako nahuli lang ulit si Carly at may pinakain sa kanyang di masarap. Wow. Fuck Prison Booth.
"Escape Booth tayo" sabi ni Niki
Pumayag mga kaibigan ni Carly.
"Kevin, sumama ka rin" sabi ni JoyI thought you would never ask.
"Sure" nakangiti kong sinabi
After nun, naghintay kami para sa turn namin. Inaalok si Carly ng pagkain, but she always refuses.
"Announcement from the Prison Booth: Lahat ng taong walang kahawak kamay sa dalawa nilang kamay, huhuliin"
Nagulat ako dahil nakahawak kamay na mga kaibigan ni Carly. Yung isang kamay ni Carly hawak na ni Joy, at yung isa wala. Hawak ko na kamay ni Niki, at kaming dalawa na lang ni Carly ang may 1 kamay na walang hawak. No choice, and don't screw it up Kevin.
Kinuha ko na kamay niya. Her hands were little and soft.
"YIEEE!" sigawan ng mga kaibigan niya
Planado nila ito. THANK YOU!
Nahiya na ako kay Carly. Instead of her hand, I grabbed her wrist. Her skin is smooth and white.
Naiinggit lang ako, di ako kasing puti niya, medyo dark ako eh. Tall, dark, and in a way, very handsome.I hope I will hold her hand again. Today is the first time I held her hand, and sure hope it's not the last. I'll find a way to hold her precious hands again.
Pumunta na kami sa room kung saan kami tatakas, Escape booth na. Makakalabas lang kami kapah maso-solve namin ang isang crime. Sinabihan ko si Niki na kuhanan kami ng picture ni Carly bago pumasok. After a few minutes, nakuhanan na kami ng pic. Tinignan ko yung pic, we were both smiling. She's happy, and I'm VERY HAPPY to spend the whole day with her.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Teen FictionSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...