Chapter 19- Pissed her off

35 4 2
                                    

 "Justine, pagtripan nga natin si Carly" sabi ko


"Paano?" aniya

Nag-isip kami nang ilang minuto.

"Kunin mo phone ko, may charger naman ako diba? Kunwari naiwan ko tapos ikaw nakakuha" sabi ko


"Ah, sige sige. Kagaguhan mo yan ah" aniya


"Oo tas dramahin mo siya para maiyak"


"Ikaw bahala ah"

Kinabukasan ko pa malalaman ang napag-usapan nila. Sana walang masabing katangahan si Justine.

"Yan okay na tignan mo" sabi ni Justine sa akin.Binuksan ko ang inbox namin.

J: Hi Carly, Justine to ninakaw ko cp ni Kevin. 


C: Ano? Hoy wag mo akong niloloko!


J: Oo nga, takte Justine to. Alam mo ba nakonsensiya siya kagabi. HAHAHA.


C: Okay, naninigurado lang. Oh, ano sabi niya? Bwiset nga pala kayo, nanuod kayo practical test namin sa basketball.


J: Ayaw mo nun may taga-cheer ka? Pero seryoso ang lungkot nun kagabi


C: LOL, narinig ko na yan. Oo na malungkot na ano ba sabi?


J: Naguguluhan siya kung lalapit ba siya sayo kasi sabi mo nga kagabi diba na tinatamad ka kaya ayun nakonsensiya. Feeling niya tuloy parang napipilitan ka na kausapin siya tas sabi mo nga kagabi


Nag-chat kasi kami nung isang gabi na hindi niya ako ni-replyan pagtapos ko bigyan ng format sa aming proposals sa Research. Ako sineen niya pero si Justine ka-chat niya, galing, tinatamad daw siya mag-reply sa akin. Ayan tinatamad na siya sa akin, galing mo Carly. Siguro sa mga susunod na buwan puro seen at walang reply maaabot ko sa kanya. Just Wow.


C: Uyy di ah , tinamad lang talaga ako dahil sa research. Hala. Pakisabi sorry. Di ko sadya kung medyo ganito.


J: Oh? HAHA. pero seryoso, kanina kaya balak ka niyang kausapin nung free time niyo pero yun nga, nagugulahan siya HAHA. Malakas kung mag-effort yun pagdating sa iyo. Nahihiya siyang lumapit kasi feeling niya ayaw mo talaga siyang kausapin o naiirita ka. Yan tuloy, kaw kasi eh.


C: Edi kasalanan ko na, ganun naman talaga ako eh, mukhang iritado eh.


J: Hindi naman yung sa kasalanan mo. Hindi lang ata siya sanay


C: Hindi sanay na medyo masungit ako? Lakas makokonsensya ng pinagsasabi mo eh.


J: Ewan ko ba sa kanya. Basta HAHA. Paramdamin mo naman kasi na gusto mo siyang kausapin pero kasi nagdududa rin yun kung may paki ka ba sa kanya o wala. Naranasan ko na yan dati haha.


C: Love adviser lang pre? Oo na, sige, gagawin ko, andami mo ring drama Justine noh? Malala ka na


J: Oo, love adviser ako. Pero Ninna don't worry idedelete ko itong usapan natin. Ngayon lang nagtext mama niya dito HAHAHA.


C: Bless you Justine, hayaan mo susundin ko yung advice mo. Hoy, alam ba ng mommy niya tungkol sa akin?


J: Ewan ko lang sa kanya HAHA. Pero Carly wag mo sasaktan si Kevin ah. Mahal ko yan si Kevin'


C: Loyal Friend ka niya talaga ah? HAHA. Pero di nga kasi ako paasa eh, promise. Grabe ka sa akin.


And the rest are irrelevant.


"Saya ka na bata?" sigaw ni Justine


Nagtawanan kami. SUCCESS!

Pero napansin namin na nakikita pala kami ni Carly sa posisyon namin.

Tinawagan namin si Carly.


"Hello?" sabi ko sa cp


"Pakibigay nga saglit kay Justine" mataray na sinabi ni Carly

Binigay ko kay Justine at puro mura ang inabot niya sa phone.

Pagkabalik sa akin ay binababa niya agad yung phone. Pagtapos ay tumabi na lang ako sa kanya. Kinausap ko siya pero taray lang inabot ko sa kanya. Lahat ng sagot niya sa akin ay may halong taray at di niya ako tinitignan.

After a while, umalis na lang siya sa tabi ko.

Di ko alam ginawa ko, pero bago siya umalis i said 'sorry'


I think I simply pissed her off.


Pero at least. Di daw siya paasa.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon