Chapter 78

183 15 1
                                    


°°°Chapter 78°°°


•••Third Person's POV•••

San Gabriel

Nang makaalis noon sina Lucas para sundan si Vleane ay maayos at tahimik nilang iniwanan ang kanilamg mga mahal sa buhay, dahil ang alam nila at akala nila ay hindi na muli pang mananalasa ang mha aswang na kampon ni Ronelio

Ang hindi nila alam ay nagpahinga lang si Ronelio para makapag ipon ng lakas para muling sumugod

Nagparami ng kanyang mga alagad at pinalakas ang mga iyon dahil gusto nitong bigyan ng magandang laban ang dalagang tumalo sa kanyang unang katauhan

Makalipas lang ang isang taon mula ng makaalos sina Lucas ay paunti unti ng pinapakilos nina Ronelio at Regina ang kanilang mga alagad sa ibat ibang panig Sitio, Baryo, Purok, Probinsiya at sa kung saan saang parte ng Pilipinas

Naghahasik ng lagim habang wala pa ang mag kakaibigan na magtatanggol sa mga taong sinasalanta ng mga aswang

Samantala, sa bahay nila Jane at Calvin, kung saan kasama nila sina Eugene at Cassie, pati na din ang nga magulang ng ni Brent at Lucas

"Kailan kaya sila darating?,"tanong ni Aling Niña sa anak na si Cassie,"Paano na tayo ngayon na lumusob ulit ang mga aswang?,"

"Niña, nandito kami,"ani ni Mang Lito sabay akbay sa asawa na halatang kinakabahan at kababakasan ng takot,"Nandito kami ng mga anak mo,"

Napabuga na lamang ng hangin si Aling Niña, habang nakatanaw sa labas ng bintana kung saan abala ang kanilang mga kapitbahay na inaayos at pinapatibay ang kani kanilang mga bahay

"Buti at nasa Lungsod na si Juan kasama ang ate niyo,"ani ni Aling Niña

"Kaya nga po eh,"pag sang ayon naman ni Aimy

"Pati sina Nanay at sila Ate ay ligtas na din kahit papaano sa Lungsod,"ani naman ni Cris na nakangiti, kasintahan na nito si Aimy at nagbabalak na din magpakasal sa oras na makabalik ang kuya Brent niya, kasama si Nica at ang magkakaibigan

Dahil naikasal na din naman sina Cassie at Eugene na ngayon ay nasa ikatlong buwan na ang tiyan nito para sa una nilang anak, habang si Jane ay manganganak na ito sa susunod na buwan sa ikalawang anak nila ni Calvin

"Hapon na po at maghanda na po tayo,"ani ni Eugene na galing sa labas para mamili ng kanilang pagkain,

"Anong balita sa labas, anak?,"tanong ni Tatay Lito sa manugang nito

"Ganoon pa din po, Tay,"napabugtong hininga ito matapos mailapag ang mga pinamili sa lamesa,"Mas marami po ang naging biktima ng mga aswang kagabi kaysa sa mga nagdaang gabi,"

"Diyos ko po,"napaantada na lamang si Nanay Niña sa nadinig mula sa manugang,"Aabutan pa kaya nila tayo na buhay?,"

"Opo, naman Nay,"ani ni Cassie sabay yakap sa kanilang Nanay,"Magtiwala lang po tayo,"

"Nilusob po nila ang San Jose pati na din po ang mga kalapit na Sitio at Baryo,"dagdag pa ni Eugene,"Hindi magtatagal ay makakarating na po sila dito, kaya kailangan po natin mag ingat at mag handa habang wala pa po sina Vleane,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon