"uhm excuse"
shit sakit ng kamay ko kakabuhat ng books niya since kanina pa namin hinahanap prof niyang binagsak siya sa COMM
medyo culture shocked ako sa maynila kasi prinsesa ako sa probinsya. tapos ngayon may mas prinsesa pa pala sakin na naka-braces at mahaba buhok
tapos balingkinitan. medyo napalip bite ako nung iniisip ko pigura neto
sa kanya ko lang kasi naramdaman yung kusang pagsisilbi nang walang hinihintay na kapalit.
"sabi ko excuse!!"
"aray ko!!" sigaw ko sa kanya habang sapo-sapo yung ulo ko. nakangiting tumabi sakin sabay hawak sa braso ko at pisil nito
yung mukha ng babaeng to yung conventional na maganda pero nakaka-intimidate basahin. di ko rin alam bakit ako yung pilit nitong kinukulit kahit alam naman niyang wala siyang mapapala sa katulad ko
"ikaw naman," sabi neto habang kumukunot noo. ito yung isa sa tactic niya para suyuin na siya e I just know it
"sabi mo sabay tayo lunch bakit wala ka kanina iniintay kita" inamoy niya braso ko sabay kagat kagat nito
kasalanan ko na naman
"ikaw e sabi mo ayusin muna natin kay sir gadz, di ba"
yan na naman yung tingin niya
di mo alam kung disappointed, natatawa, o may iniisip
mahal mo ba talaga ako, L
yan na lang siguro iniisip ko na iniisip niya
o di kaya
di bagay boy cut sayo kasi maganda ka
"okay pero tomorrow?"
ngumiti ako sabay hawak sa pisngi niya at halik sa noo
amoy vanilla
mahal mo ba talaga ako, L
super
pero lesbian tayo kung ganun
siguro
ok lang sayo?
basta ikaw
"alam mo gusto kong maging chef someday tapos gagawan mo ako ng baking shop"
hahhahaaha gago tapos? malulugi ng 15k kada buwan? gagoka ba
"oo gagawan kita nyan sobrang daming branch nakapaskil pa NERA'S BAKESHOP"
biglang kumunot noo neto
"ampangit??? bakit yan? gusto ko iba isip ka"
tangina ako pa ba sasagot nyan makakalbo na ako sa engineering
"mamaya,"
"pasa mo muna to kay sir gadz"
"okayyyy mahal kooo" ngiti ka pa mamamatay na ko sa kagandahan mo
"look, may black omen"
may pusa sa gilid ng office tapos pinuntahan niya
pagod na kamay ko
ayoko ng pusa alam niya yan
pero lesbian tayo kung ganun
hahaha
binunot ko yung digicam kong inukay namin sa recto
"jan ka lang wag ka gagalaw"
"okaayyy"
"wag mo show tiyan ko ha"
================================================================================
YOU ARE READING
nera and louis
ChickLitcomphet lesbian finally in the middle of a tragic marriage finds her way back to her friend in college, whom she wished she'd never see again. as things started out awkward and being a mom of 2 daughters and a teacher, she stumbled upon 3 other wome...