sukob na ;)

5 0 0
                                    

'whoaah that smile!'

hindi ko alam kung nag blush ba ko nun mga oras na un o ano. na conscious na ko. sumasabay pa ung tibok ng puso ko sa tugtog ng everything. hanggang sa di ko na mapigilan ung sarili ko na tignan sya at kapg nagtatama ung mga mata namin sabay kaming napapaiwas ngtingin. 

'siya na kaya? hala! sya kaya ung destined para sakin?'

may kumalabit sakin, tinanggal ko ung isa sa earphone.

"bayad po pasuyo!" 'galit lang ate?'

"ay sorry po.. manang bayad dw po."

nahiya ako sa nang yari. di ako mapakali sa inuupuan ko! hanggang sa makarating na ko sa paroroonan ko.malakas pa din ung ulan kaya naisip ko tatakbuhin ko nalang papunta sa  ilalim ng walk bridge para magpatila. papalapit na sa babaan nang...

"para po!" sabi nya.

ang ganda ng boses nya! ung tipong lalaking lalaki pero may konting lambing ung tono, ung kakikiligan mo. ganun!

'swerte ko naman. sana kalugar ko din sya.' napangiti ako sa mga nang yayari pero nung huminto na ung jeep bumalik din agad ung asar ko sa ulan.

nagpahuli ako bumaba kasi ayoko ng matagal na nakayuko dahil nakaskirt ako. nangmalapit nang makabababa nakita ko syang naghihintay sa tapat ng bababaan ko, nakapayong.

"sukob ka na." sabay ngiti

jusko aarte pa ba ko?! napangiti nalang ako at sumukob na ko sa payong nya.

"thank you. dun nalang ako (ung ilalim ng tulay ang tinuro ko)" 

napakunot sya ng noo. "bakit may hihintayin ka pa ba?"

"magpapatila lang ako ng ulan."

"san ba place mo?"

"ahh sa everlasting lang" sabay tinginsa malayo. di ko kasi magawang tignan sya nakakahiya.

"oh hatid na kita sa tricycle para di ka mabasa at makauwi kana din."

ay sus umandar na ang pagiging dyosa ko hahaha joke! san ka pa ba makakahanap ng gentleman sa panahon ngayon diba? oh sa mga nagwoworry jan. he really looks a decent man noh. ung mga tipong campus crush, nakauniform pa sya na nakadagdag sa charisma nya.

pumayag din ako dahil baka lalo nga akong gabihin, paniguradong yari ako nito sa tatay ko kung ano-ano nanamang iisipin nun. khit nakasukob ako sa payong nya dumidistansya pa din nmn ako kasi syempre di ko naman sya kilala, kahit ang cute nya pa.

kinuha nya ung kamay ko at nigagay nya sa braso nya. napatingin ako sakanya na may halong pagtataka.

"idantay mo lang kamay mo para di ka matumba. saka lumapit ka pa ng konti para di ka mabasa."

paakyat kasi kami sa tulay, madulas at basa ung nilalakaran. nag abot sya sakin ng panyo.

"oh. punasan mo yang braso mo. wag kang mag alala di naman ako masamang tao e."

"alam ko naman un." napatingin ako sa mga mata nya, pero bigla ko din naman binawi baka mahalata nya na feel na feel ko ang pagiging gentleman nya.

tahimik lang kaming pareho... hanggang sa may nakasalubong kami na kakilala nya.

' kaibigan nya siguro.'

"oh pre girlfriend mo?" nginitian ako ng kaibigan nya

"ah.. hindi" sagot nya. nakakadisappoint pero totoo naman. 

"bagay kayo!" napangiti nalang ako. tapos umalis na ung lalaki.

parang lalong tumahimik ung paligid. bigla syang nagsalita.

"pasensya kana dun ah."

"uhmn wala un" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jeepney Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon