Simula pa noong bata pa ako, sinabi na saakin ng Papa ko na may dalawang klase daw ng tao sa mundo.

Isang mahirap at isang mayaman.

Doon kami sa una, nagtatrabaho bilang construction worker ang papa ko samantalang ang mama ko naman ay nagtatrabaho sa munisipyo sa lugar namin dito sa Pampanga.

Maliit lang pareho sahod nila, pero pareho din silang nagsisikap para saamin ng kapatid kong si Aian.

Ang sabi nga ni Papa, kaya naming baguhin ang kapalaran namin kung magsisikap kami.

Kaya laking tuwa nila na nakapasok ako sa pinaka prestigious na eskwelahan dito sa Pampanga ngayong Grade 11 na ako.

"Mana ka talaga saakin anak!" ito na lamang ang nasambit ni Papa ng ibalita ko na nakapasok ako sa Highgate School.

"Kung sayo ang katalinuhan saakin naman ay kagandahan ang namana!" nakangiting sabi ng mama ko sabay hawak sa pisngi ko.

Nagkatinginan nalang kami ni Papa at pilit na tumawa sa sinabi ni Mama. Simula kasi ng sinabihan ko sila na nag-apply ako bilang skolar sa Highgate ay lagi nitong sinasabi na humanap ako ng boyfriend doon dahil panigurado daw na mayaman ang mga nag-aaral doon.

"Kaya ikaw Aian, gumaya ka dito sa ate mo! Skolar! Hindi yang paglalaro sa computer ang lagi mong inaatupag" sabay baling nito sa kapatid kong busy na nakatutok sa lumang computer namin sa sala.

Umisimid lamang ang kapatid ko tsaka pinagpatuloy ang ginagawa. Kinabukasan ay maaga ako sinamahan ni Mama sa Highgate school para makapagenroll na ng pormal at kunin ang isang free uniform na binibigay nila saakin. Medyo mahal kasi ang uniform dito.

Pagbaba namin sa sinasakyan naming tricycle, bumungad saamin ang malalaking letra na pangalan ng school sa entrance. Iba ibang kotse din ang nakaparada dito.

Agad kaming sinalubong ng guard para tanungin kung ano ang sadya namin.

"Mag-eenrol dito ang anak ko." nakangiting sabi ni Mama.

Tumango lamang ang guard at itinuro ang isang direksyon. Dumiretso doon si Mama at sinundan ko na lamang siya, pagpasok ay tuluyan nakong nalula sa laki ng school. Madami palang building sa loob at mukhang mas malaki pa sa bahay namin ang cafeteria nila.

Iba't ibang estudyante ang naroon, magaganda ang suot na damit. Napatingin ako sa suot ko, skinny jeans at plain white t-shirt na ilang years na saakin.

"Ali!" agad akong tumingin kay Mama. Nakatayo siya sa pinto ng isang building na may nakalagay na "New Students".

Sinenyasan niya ako na magmadali kaya binilisan ko nalang ang lakad ko at hindi na inintindi ang mga nakakasalubong kong estudyante.

"Goodmorning! Mrs. Mendez and Ms. Aliah Mendez" bati saamin ng isang may edad na babae. Nakaoffice attire ito at diretsong nakatingin saakin.

"Congratulations on passing the exam and Welcome to Highgate School" nakangiting sabi ni nito saakin. "Dala niyo po ba ang mga requirements for enrollment?" sabay baling niya kay Mama.

Agad naman itong binigay ni Mama, may mga pinirmahan pa kaming mga documents at ilang sandali pa ay inabutan ako nito ng isang mukgang eleganteng paper bag na may pangalan ng school.

Agad ko naman itong binuksan at bumungad saakin ang isang gray skirt, white longsleeves, gray vest, gray coat at isang gray vintage bowtie na mukhang may rhinestone pa sa gitna. Napangiti ako.

Inabot niya din sa akin ang P.E uniform namin na isang white T-shirt na kulay gray ang mangas at isang gray sweat pants na may nalagay na pangalan at logo ng school.

"Late na ba ako Ms. Claire?"

Tanong ng lalaking kakapasok palang, nakangiti ito habang nakatingin sa babaeng umasikaso saamin kanina.

Mas matangad ito saakin at mukhang kaedad ko, nakasuot ito ng Jersey na may nakalagay sa likod na Leviste 10.

"Eto na yata yung anak ni Congressman" rinig kong bulong ni Mama.

Palinga linga ito sa paligid mukhang may hinahanap. Itinuro ako ng babaeng umasikaso saamin kanina at agad naman itong tumingin saakin.

Ngumiti ito at agad na lumapit.

"Hi! I am Andrei Leviste, nice to meet you."

Bati nito saakin at inabot ang kamay, naguguluhan akong nakipagkamay sakanya. Tumingin nalang ako kay Mama na ngiting ngiti habang nakatingin kay Andrei.

"Ms. Mendez this is Andrei Leviste, the son of Congressman Ricardo Leviste who owns the school and the head of our scholarship program!" seryosong sabi saakin ng babaeng umasikaso saamin kanina.

Tipid akong ngumiti kay Andrei ngunit siya ay nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Let's take a photo to commemorate this event" ang sabi sa akin ni Andrei. "My Dad requires me to take photos with scholars so.." parang nag-aalangan nito sabi.

"Okay lang" pilit na ngiting sabi ko.

Nagpapicture kaming dalawa hawak ang scholarship certificate ko at may picture din kami kasama si Mama at nung tinawag niyang Ms. Claire.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Andrei "Enzo" ang nakita kong pangalan ng rumehistro sa cellphone niya.

"Im sorry I have to take this call" sabi nito kay Ms. Claire. "Congratulations and See you around!" bati nito saakin.

"What dude?" sagot nito sakanyang cellphone at naglakad na palabas.

"Yun pala yung anak ni Congressman, napakagwapong bata!" kwento ni Mama sa hapag ng gabing iyon. "Yun dapat ang dinidikitan mo, Ali!" dagdag pa nito.

"Kung ano ano naman ang sinasabi mo Rebecca, pag-aaral ang sadya doon ni Ali" malumanay na sabi ni Papa.

"Wala namang masama kung makipagkaibigan din diya Lucio" sabi ni Mama.

Umiling na lang ako. Habang nakahiga ako sa kama ay naisip ko ulit ang mga nakita kong estudyante kanina, sa damit palang halata mo nang mayayaman. Ramdam mo talaga ang pagkakaiba.

Pero tama si Papa, pag-aaral ang sadya ko doon.

Love NoteWhere stories live. Discover now