Finally! It's the day that I'm switching places from province to city. I'll miss everything here in the province but I know it'll be fun in the city, especially when there's more buildings and places there.
But I'll miss something here in Palawan. It's the white sand and the clear blue water.
It's not just the beach that I'll miss, cause I'll miss nanay and tatay din. They're the ones who took care of me when my biological parents died from an accident, hanggang ngayon sila din ang kasama ko.
I know I already have a good life here in Palawan, but I don't want to just rely on my nanay and tatay forever. What I mean is, gusto ko rin naman makabawi sa kanila. I also want to stand on my own feet, be able to afford things with my own money. Have savings, buy new things, give gifts to my nanay and tatay. That's why I decided to go to Manila. To start something new.
I'm currently fixing my shoes, and one last step is to say goodbye to my family here in Palawan before I catch my flight in Puerto Princesa Airport.
"huwag na huwag mo kaming kalimutan tawagan ng tatay mo, anak ha.. Kapag 'di ka tumawag, papupuntahan agad kita sa bago mong titirhan" sabi nito habang nakahawag sa likod ko. Ramdam ko ang lungkot sa boses n'ya pero ayokong maiyak.
"Opo, nay. Huwag ka po mag-alala, i-uupdate ko kayo nila tatay lagi. Mamimiss ko kayo nanay!" I hugged her.
"mamimiss ka rin namin, anak. Halika nga dito" Lumapit naman ako kay tatay para yakapin din s'ya. Pagkatapos no'n ay nag-paalam na ako sa mga kapatid ko at sumakay na rin ako papuntang airport.
Pag-pasok ko ng airport ay naramdaman ko na ang lamig dahil mag-papasko na rin naman at ito ang unang pasko na hindi ko sila makakasama. Sinuot ko na ang jacket ko at nag-check in na rin ako dahil maya maya pa'y iboboard na kami.
Hindi naman gano'n ka-dami ang paalis ng Palawan ngayon, pero marami ang mga umuuwi ng Palawan para mag-celebrate ng Pasko at bagong taon. Hindi naman ako mag-isang mag-cecelebrate ng okasyon na 'yon, dahil inimbitahan ako ng kababata kong si Jen. At dahil mag-isa rin naman ako, ay hindi na ako nag-dalawang isip pa.
Actually, s'ya ang susundo sa'kin dito sa airport at s'ya ang maghahatid sa'kin sa bagong condo na tutuluyan ko. Dahil s'ya ang tumulong sa'kin sa pag-aasikaso. Hindi ko pa rin naman kasi kaya magpabalik-balik sa Palawan at Maynila, dahil kakagraduate ko lang ng college at medyo busy din ako sa Palawan.
Tinawag na rin ang flight ko kaya nag-board na kami. Pagkatapos ng isang oras at kalahating naka-sakay sa eroplano ay nakarating na kami sa Manila.
Pagkalabas ko ng gate ng airport ay agad naman akong sinalubong ng yakap ni Jen. "Ellianababessss! Welcome back sa Manila!" nag-beso s'ya sa'kin.
"Jen!! Oh my god, thank you talagaaaaa! Kundi dahil sa'yo, 'di ako sisipaging pumunta sa Manila ngayon.. By the way, kumain ka na ba?" I asked her.
"Oo, kumain na'ko. Ikaw ba? Nag-dinner ka na?"
"Hindi pa eh, pero mamaya na lang siguro 'pagkatapos natin nag grocery. Mag-gagabi na rin naman kaya kailangan na natin bumili ng stocks para sa condo." Tumango naman s'ya at sumakay na kami sa sasakyan n'ya. Hindi muna agad kami pupunta sa condo dahil wala pa akong nabibiling stocks na pagkain para do'n, kasi kapag bumili si jen ay baka mapanis lang daw kapag matagalan ako sa pag-uwi kaya inantay n'ya na lang ako para sigurado na daw.
Pagkadating naman sa grocery store ay kumuha lang ako ng mga stocks na pork, chicken at iba pang mga kailangan ko. Kumuha rin ako ng soju at snacks para makapag-celebrate kami ni Jen ngayong unang araw ko ulit sa bagong condo ko.
7 ng gabi ng matapos kami sa pag-gogrocery kaya umuwi na rin agad kami para makapag-luto ako ng gabihan namin ni Jen.
Nang makarating kami ay tinulungan ako ni Jen mag-ayos ng mga pagkain sa ref habang nag-luluto naman ako.
Binigay na sa'kin ang susi at nagpagawa naman s'ya ng duplicate incase of emergencies dahil mag-isa nga lang din ako dito sa Condo. Pero maayos naman daw dito at walang nababalitang kung ano-ano.
Malinis at maayos rin ang condo na nakuha namin, mukang bagong bago pa. Pero sa pagkakasabi ni Jen kanina ay second hand na daw ito dahil ibinenta ito ng dating may ari at ako na nga ang nakabili. Ang rason naman daw kung bakit ibinenta ay hindi na daw natitirhan dahil naka-stay na ang pamilya sa isang city at hindi na daw ito matitirhan. Saka muka pating hindi naman nila ito natirhan eh.
Katatapos ko lang mag-luto at hinahanda ko na ang kakainan namin ng bigla namang may nag-katok sa pintuan ng condo. "May inorder ka ba or inimbitahan?" tanong ko kay Jen. Agad naman itong umiling, pero 'di na ako nag dalawang isip na buksan kasi baka guard ito or staff sa condo.
Pag-bukas ko ng pintuan ay wala namang tao dito. "Jen, sure ka bang wala kang inimbitahan or inorder? Ang lakas ng katok eh, pero wala namang tao.."
Lumapit s'ya sa'kin at tumingin sa labas. "I promise, wala talaga akong inorder or inimbitahan dito... Sino ba 'yung kumatok? ni hindi ko nga narinig eh.." hindi ko alam kung kakabahan na ba ako o matatakot sa sinasabi ni Jen.
"ahm.. ano.. sure ka ba na safe dito sa condo na 'to?" confirmed, natatakot at kinakabahan na ako.
"Oo naman 'no, hayaan mo na. Baka namali lang ng pintong nadoorbellan 'yun. Tara na? Kain na tayo?" nakahinga naman ako ng maayos sa sinabi ni Jen. Kaya sinarhan ko na ulit ang pintuan at kumain na kami ng gabihan.
Pag-tapos naming kumain ay hinanda ko na ang mga soju at snacks namin, saka kami nanood ng movie sa Netflix. Umabot din kami ng halos 1 am kakanood at kakainom, masaya pa rin naman kahit kami lang dalawa. Nu'ng naramdaman kong tinamaan na s'ya ay sabi ko dito na s'ya matulog pero ayaw n'ya.
Kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko ang jowabels ng babaeng ito at pinapunta ko dito sa condo para sure na makakauwing ligtas ang beshie ko na 'yan.
Pagkaalis naman nila ay saka ako nag ligpit ng mga kalat namin ay nagprepare para matulog dahil mag jojogging pa ako mamaya bago magkaro'n ng araw.
Pinatay ko na ang mga ilaw at umakyat sa second floor dahil loft type itong condo ko.
humiga na ako at unti-unting nakatulog dahil sa pagod, at saya na rin.
Nagising ako sa malakas na pag-tunog ng alarm ko. At pag-mulat naman ng mga mata ko ay sumalubong sa'kin ang...
TAO?!
HINDI..
MULTO!!!!!!
BINABASA MO ANG
Until The Next Sunrise
Short StoryA women with a gift of seeing ghosts, hides from the ghosts to prevent her doing them favors. Suddenly, she moves to another city to finish college and meets a new ghost.