Inayos ko agad ang aking uniform pagkababa ko sa sinakyan kong tricycle.

Tumingin ako sa palagid at mga estudyanteng bumababa sakanilang kotse ang napansin ko. May mga drivers, may mga yaya. Tumingin ako papalayong tricycle na sinakyan ko at bumuntong hininga.

Iniscan ko ang aking I.D para makapasok sa entrance ng school. Sumalubong ulit saakin ang mga naglalakihang building sa loob.

Tumingin ako sa hawak kong papel na binigay ni Ms. Claire kahapon, Grade 11- Ideal Section.

Ideal Section ang pinakamataas na section sa Highgate, ang sabi pa kahapon ni Ms. Claire ako daw ang Top 2 sa exam ng mga Grade 11, tinake ko ang exam na iyon ng makapasa ako sa Scholarship exam.

Luminga linga ako para maghanap ng mapagtatanungan kung saan ang classroom ko. Tumigil ang mga mata ko sa dalawang estudyante na nakatayo harap ko, isang lalaki at isang babae.

Tinignan kong mabuti ang itsura ng babae, chinita. Maganda ito at matangkad saakin ng konti. Nakasuot ito ng checkered black and white headband na kakulay ng suot nitong coat na iba sa school uniform namin pati ang red long bow tie nito na may red ding rhinestone.

Litaw na litaw ang maputi nitong kutis sa above the knee niyang uniform at nakasuot ito ng black platform shoes na pinareha sa puting medyas.

Samantalang hawak naman ng lalaking kasama niya ang shoulder bag niyang may nakalagay na Dior.

Pinagmasdan ko ang lalaki, mas matangkad ito sa babae, maputi din at maganda ang pangagatawan. Mukha nga lang badboy ito dahil sa guhit sa kanyang kilay.

Nakasuot ito ng green varsity jacket na nakapatong sa white longsleeves na uniform namin, at nakapamulsa ito sa gray pants na binagayan ng kanyang white shoes.

Ngumiti ito showing his perfect set of teeth at kanyang dimples sa magkabilang pisngi. Parang kumikislap ang mga singkit nitong mata habang nakatingin sa babaeng kasama niya.

Pansin ko naman ang bulungan at pagsulyap ng iba pang estudyante sakanila.

"Excuse me, Miss! Pwedeng magtanong? Saan dito yung Grade 11 Ideal Section."

Tanong ko sa babaeng nasa tabi ko pero bigla itong umalis kaya napatingin tuloy saakin yung babae at lalaki na nasa harap ko.

"What?" mukhang iritadong tanong nito saakin.

Napakurap kurap ako at tumikhim bago inulit ang tanong ko. Tinignan pa muna ako nito mula ulo hanggang paa bago sumagot.

May tinuro itong direksyon "Take the stairs, third floor then turn right, you'll see a door with a name Grade 11 Ideal Section" nakangiting sabi nito pero mababakas mo pa din ang inis.

Samantalang tumawa naman yung lalaking kasama niya habang inaayos ang long buzzcut nitong buhok bago bumaling sakanya.

Ano bang nakakatawa?

Hindi kona lang pinansin iyon, tipid na ngumiti nalang ako sakanila tsaka nagpasalamat.

Pinagtinginan din ako ng mga estudyante sa paligid, hindi ko nalang pinansin at dumiretso nalang ako sa tinuro nitong direksyon at hindi na tumingin pa sakanila.

Mukhang sikat sila dito sa school. Panay tingin sakanila ng mga estudyante.

Pagod na pagod ako ng makarating sa third floor. Tumigil pa muna ako para buksan ang itim kong bagpack para hanapin ang panyo ko.

Nagulat naman ako ng may biglang tumunog sa gilid ko, iniluwa ng elevator yung babae at lalaki na pinagtanungan ko kanina.

Malawak ang ngiti ng dalawa habang nakatingin saakin. Naglakad sila papalapit saakin.

"Hi! We meet again" mukhang nang-aasar na sabi ng babae.

Nakaramdam naman ako ng inis pero pinilit kong ngumiti.

"May elevator pala miss bakit pinag hagdan mo pa ako?" pigil inis kong tanong.

"I thought since you are in the Ideal section you'll be smart enough to figure it out, besides di ko naman tinago tong elevator" nakangiting sabi niya tsaka itinuro ang elevator.

Humagalpak naman sa tawa ang kasama niyang lalaki. Tumingin lang ako dito ng masama.

Bigla namang bumukas ulit ang elevator at iniluwa nito ang dalawang matangkad na lalaki, kasing tangkad ng lalaking nasa harap ko.

Bumaling ang mga ito sa direksyon namin, agad ko namang namukhaan yung isang lalaki siya yung anak ni Congressman, si Andrei Leviste. Kuryuso itong nakatingin saamin.

"What's happening here?"

Tumingin ako sa nagsalita, yung kasama ni Andrei.

Naglakad ito papalapit saamin sumunod naman sakanya si Andrei.

Moreno ito, maganda ang pangagatawan, clean cut ang itim nitong buhok. Nakacomplete uniform ito, necktie, white longsleeves at gray coat. Hindi katulad ni Andrei na nakawhite longsleeves nga pero nakabukas naman ito makikita ang printed nitong t-shirt.

Ng makalapit ito ay doon ko napansin ang makapal nitong kilay at brown na mga mata, matangos ang ilong nito at mamula mula ang mga labi.

Napalunok nalang ako nang diretso itong tumingin sa mga mata ko.

"Oh we're just having fun, Enzo!" sabay angkla ng babae sakanya.

Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ng lalaking nakasuot ng green varsity jacket.

"You're Ms. Mendez right?" napatingin ang tatlo kay Andrei ng sabihin ito habang nakaturo saakin.

Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Nakita ko namang kumunot ang noo ng babae ngunit napangiti ito na parang may naalala.

"Is she the charity student?" sabi ng babae habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Tila may kumirot sa loob ko nang marinig ang mga katagang iyon. Charity? Tama siya.

Isa akong charity student hindi tulad ng maraming estudyante dito na mismong magulang nila ang nagbabayad.

Tama! Charity lang ako ni Congressman.

Iba ang nagbabayad ng ng tuition fee ko, base sa performance ko kung makakapagstay ako ng matagal sa Highgate School.

"Gabbi!"

Awat ni Andrei at parang naawang tumingin saakin.

"Gab is right she's a charity, Drei!" sabi ng lalaking nakavarsity jacket.

"Don't waste your time on this Gabbi and Basti" sabi nung lalaking kasama nila sabay baling sa babaeng nakaangkla sakanya at sa lalaking nakasuot ng varsity jacket.

"Let's go!" sabi pa nito tsaka inalis ang kamay ni Gabbi na nakaangkla sakanya at nagpatiunang maglakad.

Sumunod naman si Gabbi at Basti sakanya.

Tinapunan ako ng tingin ni Andrei at umastang may sasabihin pero hindi tinuloy, bumuntong hininga pa muna ito tsaka ginulo ang nakafaded nitong kulot na buhok bago sumunod sakanila.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Akala ko hindi ako maapektuhan ng ganung mga salita pero heto ako ngayon umiiyak.

Sakit din pala pag sinampal sayo ang katotohanan. Bigla kong naalala sina Mama, Papa at Aian. Ang mga nakangiti nilang mukha, ang mga pangaral ni Papa.

Pinalis ko ang luha saaking pisngi at pilit na ngumiti.

Dito ako sa Highgate gagraduate at ako ang magiging Top 1 student.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love NoteWhere stories live. Discover now