Lily's POV
Natutuwa ako dahil unti-unti na umaayos si Yulesis. Nakakangiti siya ng totoo , yung nakikita ko talaga sa mga mata niya yung saya.
"Hey , stop starin at me" , nakangisi niyang sabi sakin
"Starin mo muka mo!"
Asar tong lalaki na to. Natutuwa lang naman ako sa kanya kaya ko pinagmamasdan . Iba na pala yung iniisip sakin. -_-
"No you were. "
I glared at him at yun naman ang saktong pagdating ng inorder naming sizzling sisig. Eto na eto na. Nagugutom ulit ako!!
"Yes. Heaven !" , bulalas ko sa pikit at inaamoy amoy yung pagkain
"That's the second time that you made that cutie face"
Napamulat ako at ngiting ngiti siya sa akin . Alam mo yung tuwang tuwa talaga siya .
"Ako? Cute? Hahaha . Gutom lang yan. Ang mabuti pa kumain na tayo tara ! Ang sarap nito oh"
Kinuha ko agad yung tinidor ko at nagpiga ako ng mga kalamansi at hinaluan ko pa ito ng toyo.
Sinabawan ko ng gravy yung kanin ko at hinalo ko dun yung tinimpla kong toyo-mansi.
Akma ko na sanang isusubo yung kanin at sisig nang mapansin kong nakatitig sakin si Yulesis."You starin?" , pang-aasar ko sa kanya
"Your cute." ,he chuckles .
Hindi ko na siya pinansin dahil mas trip ko tong sisig no. Lalo pa't unli rice dito sa restaurant na pinagdalhan sakin ni Yulesis.
"Lakas talaga. Kaing lalaki ah"
Nginuya nguya ko muna yung pagkain at nilulon bago magsalita.I really do have a manners pa rin sa ngayon kasi nga andito kami sa mamahaling restaurant
"Ang sarap naman kasi ng sisig eh"
"Bestseller yan dito"
"Di na ko nagtataka", sinensyasan ko yung waiter at humingi ulit ng gravy at rice.
"That was your 4th cup of rice" , nanlalaki pa yung mga mata ni Yulesis at bakas dun yung 'di nya pagkaniwala at paghanga'
Siya kasi nakakadalawa pa lang na cups ng kanin. Eh masyado kasing PABEBE :D"Nagtataka ako kung bakit you are still sexy at you have the curves , eh kaing lalaki ka"
"Aba ewan ko rin. Di mo naman ako katulad na masyasdong conscious at nag te-take pa ng time para lang mag-gym" , sabay belat ko pa sa kanya. Aba mainggit siya sa bilis ng metabolism ko :D
"K. Your blessed"
Sabi nya at sabay inom ng tubig.
"Ano na? Di mo maeenjoy yang unli rice na yan kung macoconscious ka .
Sige na . " , pang-aasar ko sa kanya.Sinenyasan ko uli yung waiter at humingi ako ng kanin .
Nanlaki na naman yung mga mata ni Yulesis at nginitian ko lang siya
"Ano ,rice ka pa ba?"
"K.Fine"
Humingi siya ng 2 cups of rice , malakas rin naman palang kumain eh. Pabebe talaga .
"What now?" , tinaasan niya ko ng kilay kasi nga tawa ako ng tawa.
"Pabebe" , bulong ko.
"Narinig ko yan. "
Humagalpak na lang ako ng tawa.