Dahan dahan akong nag mulat ng mga mata nang masilaw ako sa liwanag na bumungad sakin ng magising ako. Gulat na napatingin ako sa tirik na tirik na araw sa gitna ng langit, at bigla kong napagtanto na tanghali na. Ngunit ang gumulat sakin ay hindi ang tirik na araw kundi ang lugar kung nasaan ako.
Tumingin tingin ako sa paligid at napagtantong nasa isa akong gubat. Napansin ko rin na hindi ordinaryo ang gubat na ito dahil narin sa mga naglalakihang puno at mga halaman na nakapaligid sakin.
Hindi ordinaryo ang sukat ng mga ito sa pagkat triple pa ata ang laki nito kesa sa normal na sukat na nakasanayan ko. Kung pag mamasdang maigi, parang kumikinang pa ito paminsan minsan at base sa obserbasyon ko ay halatang hindi nagagalaw ang mga punong ito.Malayong malayo sa kamay ng tao para putulin kaya't maayos itong tumutubo sa pag lipas ng panahon.
Hindi pa ako natatapos mag obserba at makapag isip ng maramdaman kong parang may tumitingin saakin.
Dahan dahang tinitingnan ang buong pag katao ko at parang nag aabang ng tamang pag kakataon para sunggaban ako na parang pagkain.Unti unting nanindig ang buong balahibo ko at nanigas ang aking katawan ng makarinig ng mga kaluskos na parang pinalilibutan ako ng mga ito. Kahit anong lingon ko sa paligid ay wala akong mahagilap na kung ano man dahil tiyak na nag tatago ang mga ito sa malalagong damo na pumapalibot sakin.
At dahil sa sobrang takot,hindi na ako nag dalawang isip pa at kumaripas ako ng takbo papalayo sa lugar nayon.
"Awoooooo!"
Bumilis ng sobrang lakas ang tibok ng puso ko ng marinig ang malakas na alulong ng mga asong lobo na papalapit sa akin. Mas binilisan ko pa ang pag takbo para matakasan ang mga ito. Base narin sa narinig kong yabag ng mga humababol sakin ay dalawa silang parehas na humahabol sakin.
Kung saan-saang parte na ng gubat ako napasuot habang tinatakasan ang mga asong lobo. Malaki ang takot ko na hinding hindi ko sila malalabanan dahil alam kong mabangis na hayop ang mga ito.
Triple ang laki ng mga ito sakin at feeling ko ay mas malaki pa sila sa ordinaryong mga asong lobo. Bukod pa don ay dalawa ang humababol sakin at nag iisa lang ako. Tiyak na pag naabutan ako ng mga ito ay katapusan ko na at magiging pag kain lang ako ngayong araw.
Mas lalo ko pang binilisan ang pag takbo sa mga nag lalakihang mga halaman at puno na maari kong taguan. Mapakaliwa't kanan man ay hindi ko na alintana kung saan ako napapadpad,basta ang nasa isip ko lang ay matakasan ang mga humahabol sakin.
Habang tumatakbo ay napansin kong nababalutan ng kulay puting balbon ang mga paa ko.Gulat na napatigil ako sa pagtakbo para tingnan ang nangyari sa aking mga kamay. Scratch that,wala akong kamay kundi paa! At kaya pala sobrang weird ng pag takbo ko kanina pa ay dahil apat na paa ang gamit ko sa pag takbo,hindi dalawa.
Ngunit ang weird naman at nakakalito kung iisipin ko at tatawagin ko itong paa kung parehas datjng kamay ko naman ang nasa taas. Kaya't naisipan kong wag nang baguhin pa ang pag tawag dito,kamay sya kung dati ko syang kamay at paa sa dati kong paa.
Nang tingnan ko itong maaigi ay natakot at namangha ako sa na diskobre.Napapalibutan ng mabalbong kulay puting balahibo ang mga paa at kamay ko pati narin ang buong katawan ko. Napansin ko rin ang nag lalakihan tainga sa ibabaw ng ulo ko at ang buntot na balot na balot rin ng puting balahibo sa bandang puwitan ko.
Hindi ako makapaniwala sa nadiskobre ko ngunit isa lang ang hinala ko sa kung anong nangyari sakin. Hindi pala abnormal na malalaki ang mga halaman at puno sa gubat kundi sadyang maliit lang pala ako kaya ko nasabing nag lalakihan ang mga ito.
"Grrrr..."
Nanlaki ang mata ko nang malamang naabutan na ako ng mga asong lobo.
Alam ko sa sarili ko nasobrang tanga ko dahil tumugil ako sa pagtakbo. Ngayon wala nakong matatakbuhan dahil napatigil ako sa isang malaking puno namay malalaking ugat. Ang malalaking ugat na ito ang nag trap sakin para di ako makawala at makapunta sa kung saan habang patuloy na umaabante papunta sakin ang mga asong lobo.