Nauna akong nagising kay Gyo at pagtapos kong maghilamos at magsipilyo ay lumabas na ako ng kwarto para puntahan at gisingin sina Noe at Gino, pero wala na sila sa mga kwarto nila kaya bumaba na ako para tingnan sila sa kusina.
Nandoon nga ang dalawa kong mga anak at nag aalmusal na at mga naka uniform na din ang mga ito.
"Goodmorning, Momma!" Bati sa akin ni Noe. Nilapitan ko naman ito at hinalikan sa noo. Saka ginulo ko lang ang buhok ni Gino.
"Nao, magkape ka na o."
Inabutan ako ng hipag ko ng isang mug ng umuusok na kape. Tinanggap ko iyon at naramdaman ko ang parang pasadya nitong paghawak at paghaplos sa kamay ko pero pinagwalang-bahala ko na lang iyon at saka naupo na ako sa pwesto ko sa lamesa.
Napaigtad ako ng bahagya ng dumiin sa balikat ko ang dibdib ni Ate Tan. Ipinaglagay kasi ako nito ng sinangag sa plato ko.
"Salamat, Ate!" Sabi ko na lang. "Ako na, ako na!" Pigil ko dito ng ipaglalagay din sana ako ng itlog sa plato ko. "Sumabay ka na din, Ate."
"Kay Gyoza na lang ako sasabay, maliligo na muna ako."
Habang sinasabi nito iyon ay pinaparaan nito ng kamay niya ang likod ko. Napahigop tuloy ako ng bigla sa kape ko kaya napaso ako.
"Careful, Nao!" Sabi ng kapatid ng Asawa ko at nginisihan pa ako nito bago ito tuluyang umakyat sa hagdan.
Napakunot-noo na lang ako saka bumaling na ako sa pagkain at kape ko.
"Kids, si Tita Tan nyo ba ang nag asikaso sa inyo kanina?" Tanong ko sa dalawang bata na kasalo ko sa pagkain.
"Opo, Momma. Ginising nya po kami at niliguan saka tinulungan nya din po kami na mag uniform, tapos after that she asked us to eat breakfast na. Para daw pag nagising kayo ni Mommy ay hindi ninyo na kami iintindihin kasi ready na kami ni Gino." Mahabang sagot ng anak ko.
Klaseng iyon ang pinag-usapan nito at ng asawa ko kagabi. Bahagya namang natuwa ako sa ginawang iyon ng hipag ko.
"Sige tapusin ninyo na iyan." Tukoy ko sa pagkain ng mga ito. "Aakyat na muna ako para makapagready na din. Gigisingin ko pa ang Mommy ninyo, e."
Mabilis lang naman kaming nakagayak mag-asawa. Ilang minuto bago mag-alasyete ay nasa byahe na kami papunta sa school ng mga bata.
"Love, ot ako mamaya kaya wag ninyo na akong daanan. Hindi ko sure kung anong oras ako makakauwi."
"Sige, tawagan mo na lang ako kapag magpapasundo ka na."
"Wag na, love. Pahinga ka na lang. Alam ko naman na pagod ka din e."
"Hindi! Tawagan mo ko paglalabas ka na at susunduin kita!" May pinalidad na sabi ko
"Sus! Oo na! Ito naman akala mo lagi ay kung saan pa ako pupunta, e!"
Hinampas ako ni Gyo sa braso ko bago humilig sa balikat ko. Hindi ko naman alam kung bakit napatingin ako sa hipag ko through rear view mirror at kita ko na inismiran nito ang kapatid nito. Nag mouth pa nga ito ng ewan ko kung tama ba ang basa ko na 'Arte!'. Hindi ko na lang pinansin ang hipag ko at hinalikan ko na lang sa ulo ang asawa ko.
"Basta tawagan mo ako, ha." Sabi ko ng ipark ko na sa bababaan nito ang kotse.
"Oo na! Ingat kayo, ha. I love you." Humalik ito sa labi ko bago bumaba ng sasakyan. "Ate, doon ka na muna sa shop ni Nao, ha. Iyong napag usapan natin!" Sabi nito sa hipag ko na tumango lang naman. Bago tuluyan na nga itong umalis.
"Nao, lipat ako dyan sa harap." Sabi ni Ate Tan bago ko pa mapaandar ulit ang sasakyan.
Tumango na lang ako at lumipat na nga ito. Wala naman kaming imikan hanggang sa makarating na nga kami sa coffee shop. Ibinilin ko na lang din si Ate Tan sa mga staff ko at ako ay gumawa ng sarili kong mga gawain.
