Season 2: Chapter 10

351 9 1
                                    

Chapter 10: Owner

"Nay!" Ianne run towards nanay. I can see how she miss her mother. Parang nawala yung sophisticated na babaeng nakasanayan mo. Parang bumalik yung dating batang babae na payatot at malapit sa ina.

"Nak! Kumusta ka na? Ang tagal mo nang hindi umuuwi ha. Nakow, kung hindi ka pa tawagan, ay hindi mo man lang ako dalawin dito. Aba'y bakit nangayayat ka? Payat ka na ulit nak, di ka na chubby." Naluluhang sabi ni nanay. Halatang miss na miss na rin siya ng nanay niya, pero pinipigil nitong umiyak.

"Nanay naman talaga oh, nagpapatawa pa. Kaya nga ho bumisita ako. Sabi ko naman ho kasi sumunod na rin kayo sa Canada. Tsaka nay, hindi ho ako payat. Sexy ho ako."

I smiled when I heard what she said. I couldn't agree more. Basing my judgement on her voluptous body, and her beautiful face, damn, she really has changed.

"Daddy?" Drea's looking at me, then at Ianne and Nanay. Kahit hindi magsalita alam ko naman ang gusto niyang tanungin.

"She's your grandma sweetheart. Mama siya ni momi." Tumango tango naman si Drea at nagpilit nang pumunta kay Ianne.

"Momi?" Ianne looked at our direction, halatang ngayon lang kami naalala.

"Drea, Wess!" Inabot niya si Drea at siya ang bumuhat dito. Si Nanay naman ay nakatingin lang sa amin. Sa akin to be exact. Alam kong alam niya ang nangyari sa amin ni Ianne dati, but I don't know the extent.

"Nay, si Andrea po. Anak ko."

"Siya na ba yung apo ko? Aba'y kaganda. Mas maganda pa sayo anak." Agad na inabot ni Drea yung kamay niya sa lola, waring nagpapabuhat. Napangiti ako sa narinig. Drea looks like me, that means maganda si Drea kasi kamukha ko?

"Tandaan mo Wess. Gawa nating dalawa si Drea, kaya wag mong solohin." Parang nabasa ni Ianne ang naiisip ko. Pero natuwa akong isipin, that Drea is mine and Ianne's product. Nakakaproud at nakakatuwa at the same time, thinking that Ianne just honored me as Drea's father.

"Good morning ho." Bati ko sa nanay ni Ianne.

"Sir, mabuti naman ho nakauwi rin kayo. Isinabay niyo pa ho sila Ianne."

"Actually nanay-"

"Nay pasok ho tayo sa loob, mainit na ho dito." Putol ni Ianne sa sasabihin ko. From my peripheral vision, I saw her smirk. Nakakainis.

*
Alam kong balak nang sabihin ni Wess kay nanay na mamamanhikan na siya. A part of me, wanted him to do that, but a greater part of me doesn't. Ewan ko, pero parang hindi pa ako prepared na malaman ni nanay ang tungkol sa amin ni Wess. Well, it doesn't matter kasi parang pikot lang naman ang ginawa ni Wess.

Sa ngayon, hawak ni nanay si Drea. Being such a darling, agad namang nagpabuhat at nakipaglaro ng anak ko. Wess, on the other hand is outside. May kakausapin lang daw na tao. Siguro si Mikaella nanaman. I don't want to feel jealous but I can't help it. Nakakainis.

"Ianne."

"Nay! Ginulat niyo naman ho ako. Nasaan ho si Drea?"

"Hawak ni Lucille. Naglalaro sila sa verandah." Tumango naman ako, at nagpatuloy sa pagluluto. I volunteered to do the work.

"Siya ang tatay ng anak mo?" Pinagpawisan ako ng malapot. Literally na malapot talaga yung pawis ko. Tumingin ako kay nanay, she's also looking at me.

"Sino hong siya?"

"Wag ka nang magsinungaling Adrianne. Hindi kita pinalaking ganyan. Bata ka pa lang, pinagbilinan na kitang wag magkakagusto jan sa Wess na iyan. Sinabi kong masasaktan ka lang, pero dahil matigas ang ulo mo, sumigi ka pa rin. Nagtrabaho ka pa sa kumpanya nila. Diyos ko anak, bakit ba hindi ka na lang nakinig sa akin. Paano kayo ngayon ng anak mo? O hindi ba, hindi mo mabigyan ng kumpletong pamilya si Andrea?"

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon