Nakaupo ako sa swing kung saan ko masayang tinitignan ang dalawang anak ko.Nakangiti ako habang nagtatawanan din yung dalawa..alam ko rin sa sarili ko na kulang ako.Na hindi pa ako buo.Na may wala pa.Siguro hindi na talaga ako mabubuo pa.Masaya na siya sa asawa't anak niya at masaya na rin ako sa mga anak ko.
Mahalaga sa akin si Allan at alam ko na balang araw mapapalitan din siya sa puso ko.Maalis din siya sa isip ko.Matatapos din lahat ng lungkot ko sa pagpapalaya sa kanya.
Kung kelan? Hindi ko pa alam.
"Mommy mags-swing lang kami dun ni Allanah ha!Wag kang aalis jan.Wag mo kami iiwan." sabi ni Carmina
"Oo naman baby.Hindi kayo iiwan ni mommy.Maglaro lang kayo basta mag-iingat ha." sabi ko sabay halik sa noo nila
"We love you mommy." sabi ng dalawa habang kumakaway pa
Kumaway din ako at nagflying kiss pa habang tuwang tuwa naman silang naghagikgikan.
"Anlalaki na nila."
Napalingon ako sa nagsalita
"Allan." sabi ko
Ngumiti siya sabay tingin sa mga bata.
"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin
"Ayos lang." sabi ko sabay yuko
Hindi ko maitatanggi na mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.
"Masaya ka ba?" tanong niya
Inangat ko ang mukha ko.Nakagat ko ang labi ko pero pinipilit ko ang pagngiti pero ayaw.
"Kalahati." sabi ko
"Masaya ako.Sobra." sabi niya
"Alam ko." sagot ko
Hindi na kami nakatingin sa mata ng isa't isa.Nakayuko ako habang siya nakatingala sa langit.
"Masaya ako kasi napakatatag mo.Nakaya mo na mag-isa.Masaya ako kasi hindi ka natakot na palakihin ang mga anak natin." sabi niya
"Aaminin ko mahal pa rin kita pero dahil sayo nalaman ko ang mga actions na dapat panagutan." sabi niya
"Mahal kita pero hindi na pwede at kasalanan ko kung bakit.Minahal mo ko pero sinayang ko.Minahal mo ko pero binalewala ko.at ngayon pinagsisihan ko yun parati.Araw-araw.Gabi-gabi.Oras-oras.Minu-minuto." sabi niya
"Pero ngayon tanggap ko na na hindi na tayo p-pwede pa.Na hindi na pwedeng maitama ang pagkakamali ko na iyon.Salamat kasi tinuruan mo ko maging isang responsable at matinong lalaki." sabi niya
"Salamat din kasi pinapalaya mo na ako at sana dumatin din ang araw na magawa ko iyon sa iyo." sabi ko
"So.This is our ending right? Napakalungkot." sabi niya
"I think it is." sagot ko
"Goodbye?" tanong niya
Tumayo ako at niyakap siya sa harapan ko.Niyakap ko siya n mahigpit habang himahagulgol.
"Sino na ang magpapaiyak sa akin kapag ayaw kong ilabas yung galit ko? Sino na ang magpapatawa sa akin kapag masama ang loob ko? Sino na ang magsasabi sa akin na mahal ako kahit na sino? Bakit ganun allan..Ayoko! Ayokong pakawalan ka!ayokong umalis ka! Ayokong iwan mo ko!Ayoko allan!"Humahagulgul na sabi ko habang umiiling sa balikat niya
"Ansakit sakit lang na kahit anong pilit ko hindi ko magawa na magpakatino at palayain ka.Masakit Allan kasi mahal na mahal kita! Allan AYOKO!" sabi ko at humahagulgul pa ako
Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako humahagulgul pa rin sa balikat niya.
"Ayoko rin Carmela.Pero katulad ng sabi mo may mga TAMA na masakit at may mga MALI na masarap.At ito...Ito ang tama kaya masakit.Ito ang dapat kaya mahirap.Kasi Carmela...Kaya masakit at mahirap kasi mahal kita at mahal mo ko.Kasi mahal natin ang isa't isa." sabi niya at tumulo rin ang luha niya sa likod ko
"BAWAL BA TALAGA? HINDI BA PWEDENG IEXTEND? MALI BA TALAGA? GUSTO KONG.MAGING MASAYA ALLAN! AT SASAYA LANG AKO KAPAG IKAW ANG KAPILING KO! IKAW ANG GUSTO KO ALLAN! IKAW LANG!" sabi ko
Binitawan niya ako at tumalikod siya.Humahagulgul ako habang nakatingin sa likod niya na noon ay sinasandalan ko.
Nakit ko si Jessie na umiiyak din.Kasama ang anak nila.
Hindi ko kaya ng wala siya.Umiiyak ako at napaupo na lang ako bigla sa sobrang sakit.sobrang mahal ko siya.Sobrang masakit.Sobrang mahirap at sobrang sayang.
"Allan...I'll miss you." bulong ko na kahit kelan hindi niya maririnig
"Tama ka.Kaya masakit kasi tama at kaya mahirap kasi dapat.Pero bakit ganun?Masakit na nga mahirap pa! Bakit kelangan sabay? Bakit kelangan mali? Bakit kelangan hindi pwede! Bakit hindi tama."
"Mommy!Mommy!Bakit ka umiiyak!?Sinong nagpaiyak sa iyo!" pagalit na sigaw ni Carmina
Ngumiti ako sa daawang anak ko na biyaya ng dyos.
"Wala baby.Wala to." sabi ko sabay himas sa pisngi ng dalawa
Hinawakan nila ang kamay ko at hinalikan ito ng sabay sa palad ko matapos yun ay dinala nila ito sa dibdib nila.
"Mommy.Naririnig mo ba yan?Yan ang beat ng heart namin.Iisa lang hindi ba!Ang turo ng teacher namin ay kapag iisa lang daw ang beat ng heart ng dalawang tao ibig sabihin iisa lang ang mahal nila.At ikaw yun mommy!!" sabi ni Allanah
Napangiti ako at hinalikan ko sila sa noo.
"Sino naman ang teacher niyo na iyon!?" tanong ko
"Si Teacher Allan po mommy!" sabay na sagot nila
"Siya po yung kanina po na kausap niyo.Yun po ang turo niya sa amin dalawa ni Allanah mommy.Isa pa ang tawag niya sa amin mommy ay anak din.Sabi niya mamahalin ka daw namin kasi you are the best mommy and girl in the world." sabi ni Carmina habang nagaaction pa
"Sabi niya para daw sa mga nakakilala sayo mommy napakaperfect mo daw.Mapagmahal na mama.Mabait na papa.Magandang Ate at matapang na kuya at ikaw isa ka daw perfect girl ng pamilya niyo kahit na hindi mo daw inaamin para daw kay teacher allan ikaw pa rin daw ang pinakamagandang babae sa buong mundo!" sabi naman ni Allanah
"Tumigil na nga kayo!haha!O sige na kinikilig na ako!" sabi ko at tumayo saka kami naglakad na
Habang naglalakad walang tigil kadadakdak yung dalawang anak ko.
"we think may gusto sayo si Teacher Allan." sabi ni Carmina
"Maganda ako eh!" sagot ko
"Mas maganda ako mommy!" sabi naman ni Allanah
"Asan?" tanong ni Carmina saka nagikot ikot sa paligid namin ni Allanah
"Yung?" tanong ko
"Yung ganda."sagot niya
"Carmina!" sigaw ko
"Mas maganda ako!!!" sigaw niya sabay takbo
***
Hindi man kami magkasama ngayon.
Alam ko sa sarili ko na minsan akong naging masaya.At sapat na ang minsan para sa aming dalawa.----the end