Chapter 23

2K 2 0
                                    

Dumating na naman ang malamig na umaga, ganun parin hindi parin ako ginagalaw ni James kasi pinaninindigan nya talaga 'yong sanabi sa akin na hindi na muna nya ako gagalawin pag hindi kami nakakasal.

Si James naman ang nakauna sa akin at marami ng bises na may nangyari sa amin pero nagbago sya nong nasa barko na sya at pag balik, yon na ang gusto nya Hinayaan ko na lang ito.

Bumangon nalang ako ng maaga para naman makapagluto na, niluto ko ang paboritong ulam ni Babe ang sinigang na Isda. Ang sarap talaga sa mata pag titignan si Babe dahil lumalabas kagwapohan nya at ang matitigas nyang muscle tsaka ang malapandesal na abs.

Ako: Haysss.. Babe ang swerte ko talaga sayo, gwapo na macho pa, saan pa ba ako makakahanap ng katulad mo sa mundo.

Nang matapus akong mag luto diniligan ko ang mga halaman, halaman na dala ni James nong umuwi sya, malalaking paso, iwan ko ba kung kaylan na hilig si James sa halaman.

James: Babe, Babe nasan ka ?

Ako: nandito sa labas dinidiligan ko ang mga halaman na dala mo.

James: ganun ba.. Maliligo na Muna ako huh... Ang sarap kasi ng luto mo, siguradong mabubusog na naman ako nito.

Pagkatapos nyang maligo ay sumabay na kaming kumain. Subrang takaw talaga ni Babe pag ang ulam sinigang na Isda halos ubusin nya ang kanin.

Habang naghuhugas ako nagulat nalang ako dahil biglang bumukas ang pintuan napakalakas, nakita ko kaagad si Jodan duguan ang mukha at may hawak na baril. Nabitawan ko ang plato na babasagin, doon na ako natauhan.

Ako: B-B-Babe si Jordan! Tu-tulong!

Matutumba sana si Jordan pero sinalo sya ni Babe.

James: anong nangyari sayo Jordan!!

Jordan: i---saraaaa.. Mo ang pinto hinahabol ako!!

Sinipa ni Babe ang pinto, dahil Nagkagulo sa labas parang may nag wa-wild na tao . Pinaandar ni Babe ang TV at itinago si Jordan sa sulok tsaka ito umupo sa harap ng TV.

James: Babe tapusin mo na ang ginagawa mo dyan. Pag may kumatok buksan mo ha.. Wag kang kabahan, tawagin mo lang ako.

Hindi na ako sumagot dahil naiintindihan ko ang sitwasyon, pero ang kamay ko nanginginig halos di ako makapag-ayos ng paghuhugas. Maya-maya nga ay may kumatok sa pintuan.

"Tok..tok.. May tao ba dyan! Pwede po bang buksan may itatanong lang kami"

Binuksan ko kaagad, nanlaki ang mata ko dahil namaga ang mata nya at dumudugo ang bibig, Isa pang nakakatakot ay may dala itong baril.

Ako: B-Babe may ta-tao.

Nag madali namang pumunta sa pintuan si Babe at sininyasan ako na lumayo, kaya pumunta ako sa lababo para tapusin ang pag huhugas. Napansin ko din na parang may kutsilyo na maliit na  nilalagaY sa manok. Maliit lang yon kaya pasimple nyang itinago sa daliri nya na hindi mapapansin.

James: Bakit po Boss?

"Wag kang matakot, mga pulis kami may hinahabol lang kami na kriminal, pinatay nya kasi ang Kapatid namin sa harap namin mismo, nahuli na namin kaya lang maliksi parang hanap buhay nya yata ang pagpatay dahil parang professional ang galawan"

James: Ganun poh ba, sino ba ang pinatay non?

" Si Kuya Buldog, walang hiya talaga! Pagbabayaran nya ang kanyang ginawa!! Nag tanong kami dito daw tumakbo?"

James: huh.. Baka nagkakamali kayo, wala namang ibang tao dito na kumatok kundi kayo lang. Baka dumiritso dito, kasi may daanan dyan papalabas.

"Ahh.. Ganun bah, pero sabi nang nakakita pumasok daw dito"

Steamy Stories Book 2Where stories live. Discover now