WARNING: abusive and strong words ahead.
Pagkagising ko may naka tapat na sa aking Electric fan. May maliit na bed side table rin ako na may nakapatong na lamp at maliit na orasan. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas nang kwarto.
Hindi katulad kahapon, maliwanag na ang bahay dahil sa mga nakasinding bumbilya.
Nakita ko naman si kuya na pinapasok ang mga groceries sa loob ng ref.lumapit ako sakaniya at nagbukas ng isang Chuckie na nandon. Nagtataka ko siyang tinignan bago mag tanong.
“Kuya, may balak ka bang tumira rito ng matagal?” kitang kita ko kung paano siya natigilan pero tumingin siya sa akin na parang wala lang yon.
“Y-yeah...” sagot niya na ikinataas ng kilay ko. I smell something fishy. Hinayaan ko nalang siya dahil baka hindi pa siya ready mag open up.
“May pagkain na diyan, initin mo nalang” tumayo naman ako at tinignan ang ulam na tinakpan ng plato. ADOBOOOO!..
mabilis akong kumuha ng kutsara at pinggan, nawindang pa ako ng may heater na kami roon ng ulam. Pinaningkitan ko si kuya ng mata... tsk tsk...
Hinayaan ko nalang ulit, pinainit ko ang ulam at masaganang kumain. Kumukuha pa si kuya sa adobo minsan pero nilayo ko sakaniya iyon. Isang mangkok nalang kasi iyon at for sure na madami nasiyang nakain.
Tinawan lang naman ako ni kuya at nag patuloy sa pag lalagay ng kung ano sa ref. Nag bukas rin siya ng isang Apple juice at binigay sakin.
Nang matapos ako sa pagkain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Natapos rin si kuya at nagpaalam na matutulog na. Ako naman, naghilamos muna ako bago magpunta sa kwarto.
Nilabas ko ang mga damit ko sa maleta, puro mga pambahay lang ang nasa isang maleta kaya binuksan ko pa ang isa. May mga pang gala naman dito pero mostly ay make ups at mga heels and shoes. Nakita ko rin ang favorite muimui sling bag ko. Sa gilid naman ng maleta mayroong transparent na bag. Kinuha ko yon at natuwa sa nakita.
Nandon kasi ang wallet ko kasama ang mga Cards ko. ibig sabihin may sarili akong pera!
Iniligpit ko rin ang mga kinalat ko bago tumingin sa orasan, 8:01 palang pala. Tumingin ako sa labas, bago mag pasiyang magpaalam kay kuya na pupunta akong dalampasigan.
Pumayag naman siya basta raw wag na ulit ako pupunta kung saan, bumalik rin daw ako kaagad. Sinangayunan ko lahat iyon bago lumabas nang bahay.
Inupuan ko ang isang troso roon, May mga bituin rin katulad kahapon. Pinapahanap kaya kami ni mommy at daddy?
Malulungkot na sana ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Bumaba ang mga tingin ko sa katabi ko.
“Hi ate raiza!” bati sa akin ni jewel, napangiti ako sakaniya.
“Anong ginagawa mo rito? wala kabang kasama?” tanong ko at umiling naman siya.
“Ako...” turo niya sa sarili niya “Layas.. bahay” gumawa pa siya ng movement na parang naglalakad gamit ang daliri niya. Para tuloy akong pipe kung kausapin niya.
“Bakit ka nag layas?” nagkibit balikat lang naman ang bata at hindi na nagsalita, ganon rin ako.
Namimiss ko tuloy yung kambal.
“Ilang taon kana pala?” tanong ko sakaniya at pinakita niya ang nakataas na walong daliri.
Kapareho niya ang kambal, tumingala ako sa langit at hinayaang haplusin ng malamig na simoy ng hangin ang mukha ko.