one : child abuse (04)

0 0 0
                                    

WARNING: abusive and strong words ahead.

Tumigil sa pagiyak si jewel ng makita ang babae na nasa buhangin na. Niyakap ko naman si jewel ng makitang tumayo ang babae at galit na tumingin sa bata.

“Haan nak pay nalpas kaniyam!” (hindi pa ako tapos sayo!) saad nito at lumakad na paalis. nakita ko siyang umangkas sa motor at umalis.

muntik ko nang makalimutan na kasama ko nga pala si jewel kung hindi lang yumakap sakin ang maliliit niyang braso.

Binuhat ko siya at pinaupo sa likod ng bahay nila, may isang puno kasi roon na pwedeng silungan at may nakakabit na upuan sa katawan ng puno.

Pinunasan ko ang mga luha niya bago tignan ang kalagayan niya. Madami siyang pasa at galos sa katawan. Magulo rin ang buhok niya at sobrang dumi niya.

Nasan ang ate jaqien at lola mo?” tanong ko sakaniya ng tumigil na siya sa pagiyak.

“doon” turo niya sa dagat, siguro nanguha sila ng isda ang gusto niyang sabihin. Tumango naman ako.

Niyaya ko naman siyang maligo muna, hinintay ko siyang matapos bago ko siya yayain ulit sa ilalalim ng puno ng avocado pala.

Nagtanong rin ako kung may first aid kit ba sila at tinuro niya sakin ang isang pouch kung saan nakalagay ang panggamot sa sugat.

Sinimulan ko gamutin ang mga bagong sugat niya, Tinali ko rin ang buhok niya pa braid. Nang matapos sa ginagawa tumingin ako sakaniya. Umiiyak parin kasi siya pero wala ng tunog.

Nasan ang papa mo? at sino yung babae kanina?” tanong ko at nag punas naman siya ng luha.

“Si papa ko.... patay na” lumunok siya at pinagsalikop ang maliliit na palad “Si mama... Yung babae... Ate” nawala ang kunot ng kilay ko ng magets ang gusto niyang sabihin

Nakaramdam ako ng inis sa babae dahil nagagawa niya ito sa anak niya. Kung may problema siya, hindi naman pwedeng sa anak niya lahat ang bagsak.

“nag sumbong ba kayo sa pulis?” tanong ko at bigla nalang siyang pumalahaw ng iyak habang umiiling sakin. Nag sasalita siya pero “Haan” at “madik” lang naman ang sinasabi niya. in short hindi ko maintindihan (haan— hindi..Madik—ayaw/ayaw ko)

Bigla nalang may tumulak sa akin kaya nalaglag ako sa kinauupuan ko. Naitukod ko ang right arm ko kaya naman napasigaw ako sa sakit.

“S-sorry” saad ng kung sino at inalalayan akong maupo ulit sa upuan. Masama namang tingin ang iginawad ko rito. Si jaqien pala iyon.

“Bakit ka ba nanunulak?” kalmadong tanong ko sakaniya kahit na salubong ang kilay ko at iniinda parin ang sakit sa kamay ko.

“Akala ko kasi kung sino, umiiyak rin kasi ang kapatid ko” sabi niya, kumalma naman akong pilit.

“Ihahatid ko lang muna sa kwarto”  paalam niya at binuhat ang kapatid na unti unti ng tumahan sa pagiyak. Bumabagsak narin ang talukap ng mata niya.

Naghintay ako roon habang pilit hinihilot ang braso ko. Nasa ganoong kalagayan naman ako ng umupo si jaqien sa tabi ko.

Tumingin ako sakaniya pababa sa suot niya. Naka suot siya ng maong na shorts na kupas at hanggang ibaba ng tuhod niya tapos sira sira pa ang laylayan non. Puting shirt naman ang pangitaas pero nagiging brown ito dahil sa duming kumapit sakaniya. Naka pusod rin ang hanggang balikat na buhok niya.

“Tapos ka na bang ijudge ang buong pagkatao ko?” tanong niya kaya napahiya naman ako.

“Biro lang” bawi niya rin pero hindi parin ako lumingon sakaniya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ganon ang trato ng mama nila sa kapatid niya.

Saturday Night Where stories live. Discover now