C H A P T E R 6

2 0 0
                                    

"Bakit nakasimangot ang dalaga? lunch palang ah?" naramdaman kong umupo si Liam sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakitang naghahalo ang pagtataka at pag-aalala sa mga mata nya.

"Nakakasama kasi nang loob 'yang transferee na 'yan, hindi pala papasok" lalong kumunot ang noo ko dahil sa lalong pagkainis. Tumawa naman si Liam dahil sa sinabi ko.

"Ahh si Chase, okay lang yan malay mo may emergency lang, parang gustong-gusto mo naman ata syang makilala agad?" Tinaasan ko ito ng kilay dahil nakakakilabot ang sinabi nya.

'What?!?! no way! gusto ko lang matapos agad yang tour tour na 'yan'

"Hoy! ang kapal naman nya, at ang kapal mo rin! FYI ako ang council's President kaya tungkulin ko 'yon no!" I may sound so defensive but that's really my job and i'm doing it bacause of the favors.

Mas lumakas pa ang tawa ni Liam dahil sa mga sinabi ko, habang nag-uusap kami ay saka ko lang narealize na wala pala yung iba pa naming mga kaibigan, hinanap ko sila sa loob ng cafeteria dahil baka nasa paligid lang sila at bumibili ng foods.

"Mal-late raw si Traven kasi may dinaanan sa gym, si Haya naman nasa klase pa, si Jaz at Max magkasama at may kukunin lang daw sa library." Liam said without looking at me at nakatungo lang sa kinakain nya, i then realize na hindi ko pa pala nagagalaw yung sandwich at Matcha latte ko.

'hays, kasalan 'to ng transferee, nawawalan ako ng gana!'

Lumipas pa ang ilang minuto at nagsidatingan na ang mga taong kanina lang ay hinahanap ko. Buti nalang at mahaba ang oras sa lunch dahil kung hinde, mas madalang pa sa madalang ang bonding naming anim. Napag-uusapan nanaman nila kung anong balak sa darating na break, si Jaz kasi ay mananatili lang raw sa bahay, yung magkapatid naman ay pupunta sa Baguio para puntahan yung Rest House ng kamag-anak nila, habang si Liam at Haya naman ay undecided pa.

"Ikaw Val? saan ka sa break? aalis ba kayo ng Family mo?" natameme ako dahil sa tanong ni Traven, hindi ko naman kasi alam anong gagawen ko sa break dahil kapag ganito, nasa bahay lang ako at minsan kasama ko pa si Jaz at sabay kaming nab-bored dahil walang kahit anong ganap.

Hindi ako nakasagot sa tanong nya at parang dahil doon ay bumigat ang atmosperang pumapaligid saamin, si Jaz palang kasi ang nakakaalam ng kalagayan ng buhay ko, na only child ako, may sakit ang nanay ko at wala na akong tatay. Alam ni Jaz na sensitive topic ito para saakin dahil hindi pa ako fully healed sa sakit.

"Sama nalang tayo kina Max sa Baguio" bilang sabat ni Jaz dahil nagiging awkward na talaga ang paligid, sumangayon naman sina Max sa sinabi ni Jaz at inaya narin si Haya at Liam na sa Rest House nalang sa Baguio mag stay sa break para sama-sama kami at makapag bonding. Hindi naman na pinansin ni Traven ang hindi ko pagsagot sa tanong nya dahil napukaw na ang atensyon nya ng mga planong naiisip ng iba naming mga kaibigan, habang ako ay nanatili lang tahimik hanggang sa matapos ang lunch break.

Pagkatapos magpaalam ng mga kaibigan ko saakin dahil sa may iba pa silang gagawen ay tumungo na ako sa office dahil may 2 hours vacant pa ako kaya aasikasuhin ko nalang ang natitirang papers sa table ko, wala rin naman akong ibang gagawen dahil sa kakaunti lang ang mga kaibigan ko tapos lahat pa sila ay busy. Pagpasok ko sa office ay walang tao at puro mga gamit lang ng mga officers ang nasa loob, naging habit na kasi ng council na imbis sa mga lockers iwan ang mga academic belongings nila ay sa office na nila iniiwan, nagmumukha tuloy makalat sa loob.

'Mukhang may pag-uusapan nanaman kami sa Friday meeting ah'

Habang busy ako sa mga papers ay biglang may kumatok sa pintuan kaya naman pinapasok ko nalang ito dahil baka random student lang ito na may concern at saaming mga officers lalapit. Isang matangkad at maputing lalaki ang pumasok sa loob, unang mapapansin sakanya ang mga mata nyang kulay uling, may kalakihan ang katawan nito at hindi mapagkakailang may halo ang dugo nito dahil sa itsura ng mukha. Lumapit ito saakin at mukhang tamad na tamad sya at parang napilitan lang pumunta dito.

"May I help you?" ako na ang unang nagsalita dahil by the looks of him, parang hindi nya talaga balak simulan ang pag-uusap.

"I was told to come here, so I don't know how you may you help me" Sarcastic ang pagkakasabi nya kaya naman nagpintig ang tenga ko. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at saka sya tinitigan sa mata.

"Mister, if you're here to shove your sarcastic attitude on me, sorry but I don't have time, as you can see, I am busy" Mataray ko itong sinabi saka ako naupo, wala naman syang reaksyion at para bang nageenjoy pa sya sa ginawa kong pagtataray sakanya.

Narinig ko ang pagtawa nito kaya natigil ako sa sinusulat ko, nilingon ko ito at nakaupo na ito sa harap ko, naka dekwatro pa ang demonyo. Tinaasan ko ito ng kilay pero wala parin s'yang paki, tinanong ko kung bakit sya nandito pero hindi rin sumasagot, kaya naman bago ko pa siya masabihan ng masasamang salita ay tumayo ako, akmang aalis na.

"Chase Austin Primavera, transferee. I was told to come here and wait for the person who's in charge to give me a tour around the campus" He said with exactly no emotions at all, kaya imbis na magdire-diretso ako sa paglalakad ay hinarap ko ito at nakitang nakatayo ito at katapatan ko lang.

"Then wait quietly" Tinarayan ko pa ulit ito at saka lumabas ng pinto.

Alam kong ako ang dapat na mag tour sakanya, pero dahil sa binungaran nya ako ng bulok na ugali, uminit ang ulo ko kaya mag tour nalang syang mag-isa nya.

Paglabas ko ng office ay s'ya din namang labas ng transferee, tinatawag ako nito pero hindi ko s'ya pinapansin.

'aba bahala ka dyan, pinasasakit mo ulo kong hinayupak ka'

"Hey! I am talking to you!" hinila nito ang braso ko kaya napaharap ako sakanya, medyo nahihiya ang mukha nito dahil napapaligiran kami ng ilang mga studyante. Nakakaramdam pala ng hiya ang isang 'to matapos nya akong inisin. Partida hindi nya pa ako kilala ang lakas na agad nya mambwisit.

"You're Valentina Villarosa, right? you're supposed to give me a tour, why are you leaving?" tanong nito habang nakatingin saakin, medyo hinihingal rin sya dahil sa paghabol saakin dahil medyo malayo narin kami sa office.

"Bacause you're annoying, at pwede ba? english ka nang english! limited lang ang response ko sa english kaya please lang mag tagalog ko dahil umiinit ang ulo ko sa'yo!" sa sobrang bilis ko yatang magsalita ay biglang natameme ang kausap ko.

"What? I don't understand, I'm sorry I just got back from the states so I'm not used to Filipino Language" napasapo nalang ako dahil sa sinabi nya at lalong nastress dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang taong ito.

Ang kaninang inis na nararamdaman ko, napalitan ng stress at kaba dahil hindi ko na ngayon alam kung paano ko mam-maintain ang conversation namin habang binibigyan ko sya ng tour sa campus, sa isang oras naming paglalakad puro sya tanong  at ang masaklap pa, lahat in english.

'Kung sinusubok nga naman ang skills ko sa english oh, ngayon pa talaga na nabubulok ang utak ko!'

"Uhmmmmm, we can ano... we can continue the tour tomorrow" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya dahil tumakbo na ako agad palayo sakanya dahil sa kahihiyan, ilang beses na kasi akong nauutal habang kausap sya, at kahit pa sinabi nyang hindi pa sya gaanong sanay sa Filipino language ay gumagamit parin ako ng tagalog terms sa explanations ko dahil nauubos na nga ang english ko.

"Val!!!" nakita ko si Haya kaya naman lumapit ako dito agad, mukhang tapos na sya sa last subject nya at pupunta nalang sa library para magpalipas ng oras hanggang sa matapos ang mga klase namin.

"Anyare sayo? saan ka galing at bakit ka tumatakbo?" Hindi ko ito agad nasagot dahil sa hingal na hingal ako, binigay nito ang tubig nya saakin saka kami nakapag usap ng maayos.

"Kasi naman, 'yang Chase pala na'yan  hayup kung mag english, naubos kaya yung stock ko kakareply sa mga sinasabi nya, biruin mo 'yon natarayan ko pa sya nung nasa office kami, akala ko kasi mam-maintain ko yung pagiging englisherist ko, hindi pala! naapakan pride ko!" Napakamot nalang ako ng ulo habang nagk-kwento, tawa naman nang tawa si Haya dahil nakukuha nya raw yung secondhand embarrassment. Ikinuwento ko din kasi kay Haya ang ia pang mga ginawa ni Chase gaya nalang kung paano nya ako kausapin noong nasa loob kami ng office pati yung sagutan namin, saka ko rin nalaman na kilala rin pala ni Haya si Chase dahil nameet nya raw ito once, inassure nya rin ako na mabait na nilalang daw si Chase, sadyang ganon lang daw sya sa mga taong unang beses nya palang nakilala.

'humanda ka Chase, magpupuyat ako mamaya para lang makausap ka in complete English sentence at hindi nauutal!'



 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take a Trip Down Memory LaneWhere stories live. Discover now