Chapter 11
Maraming nagtatanong kung bakit ito ang napili kong title ng nobela ko. Siguro may sayad nga ako minsan at may weird na pag-iisip, sabi nila nakakatakot ako dahil nagsasalita ako mag-isa. Bakit hindi na nga lang naman 50 Shades of Anjo ang title? O kaya ay Mang Kanor, di ba? Bakit napili ko pa yung hindi nakakatakot na title? Simple lang, kasi yun ang gusto ko. Kaya nga naimbento ang kasabihan na "Don't judge a book by its cover." Ngayon kilala na natin ang mga taong mahilig manghusga ng kapwa. Bato bato sa langit ang tamaan, pinapatamaan talaga.
"Alam mo, napakabusy ng daan sa labas. Napakaraming sasakyan, trak, bus, jeep pati bike." bigla niyang sabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Matatanaw mo rito ang highway at ang Chickboy sa harap.
"Ha?" taka namang tanong ni Arianne.
"Wala." sagot naman niya at kinamot ang ulo. "Mula noong unang taon ng pagkamatay niya, meron ng namamatay na mga nainvolve sa kanyang pagkamatay. Una, si Mang Lando. Napanood ko ang balita sa TV. Pangalawang araw ay ang aksidente niyo. Pangatlo, ay ang pagkamatay ng mga dati kong kasamahang pulis. Pang-apat ngayon."
"Teka, anong kinalaman namin sa pagkamatay niya?" tanong ni Arianne at akmang babangon pero sumakit ang likod niya. Nanatili lang na nakatingin sa labas si Benjie.
"Ikaw, wala. Si Anjo meron."
"Ano?! Walang ginagawang masama si Anjo!"
"Wala nga." mahinahon niyang sagot kahit na mabasag na ang eardrum niya kaninang sinigawan siya ni Arianne. "Wala rin siyang alam."
"..." Nanatiling nakikinig si Arianne.
"Malamang ang aksidente niyo ay para lang kay Anjo pero nang makita niyang kasama ka niya, hindi natuloy ang pagkamatay niya." pagpapatuloy niya. "Kung hindi ako ang susunod, baka ikaw o kaya ay ang mga bumbero noon. Sana handa ka sa maaaring mangyari." diretso niyang sabi at nagtungo sa may pinto.
"Teka saan ka pupunta? Benjie! Anong kinalaman ni Anjo?" pahabol na mga tanong ni Arianne pero hindi siya nito pinansin. Nakakapagtakang nakangisi ito nang makita ni Arianne ang mukha niya bago maisara ang pinto.
Dahan-dahang umupo si Arianne hawak ang tubo kung saan nakasabit ang kanyang dextrose. Hinila niya ito pero dahil de-gulong ito ay dumulas siya at bumagsak. Habol niya ang hininga niya kasabay ng nakakagulat na sound effects nang makita ang nakausling bakal na ginagamit pansabit ay nasa tabi ni ulo niya. Kasabay niyang bumagsak ito at mabuti na lang ay hindi ito tumama sa mukha niya o sa ulo niya. Malamang tumusok ito sa kanyang bungo diretso sa kanyang utak.
Hindi naman siya nagpapigil dahil dito. "Aray." Hinila niya ang karayom na nakatusok sa kanya at itinapon kung saan kasabay ng pagpalag ng maliit na hose kung saan nakakonekta sa dextrose. Gusto niyang malaman kung ano ang kinalaman ni Anjo sa lahat ng pangyayari. Kahit walang sapin sa paa ay tinakbo niya ang pinto. Masakit pa ang likod niya nang makita si Benjie na pasakay ng elevator.
"Sandali!" Madapa-dapa pa siya habang hinahabol ang nagsasara ng elevator. Hindi siya umabot. Tumingin siya sa kabilang elevator na nagbubukas na.
"Ma'am going up po?" Gusto na niyang saksakin ang taong nandoon dahil sa inis. Hindi niya mahahabol si Benjie kung dadalhin pa siya sa mas mataas na floor level. Kahit na nasa third floor siya ngayon ay nilakad niya ang hagdan at magbabaka sakaling mahahabol si Benjie.
"Shit!" sambit niya nang madulas sa likidong nasa hagdan. Mabuti na lang ay nakahawak siya kung hindi malamang ay bagok ang ulo niya o kaya ay tumama ang batok niya sa hagdan. Para siyang sinusubok ng kamatayan. Mga obstacle na kailangan niyang malampasan. Ano na ang susunod?
Pagdating sa ground floor ay magkandaligaw-ligaw pa siya dahil hindi niya alam ang daan palabas. Ni hindi niya kasi alam kung paano siya napasok sa ospital na ito. Nabuhayan siya ang dugo nang makita si Benjie na dumaan sa malayong pasilyo. "Benjie!" tawag niya rito pero ibang tao ang mga tumitingin. Kung pwede lang sagutin eh sinagot na niya, 'baket? benjie ba ang pangalan niyo?!' Sayang ang oras kung sasagutin pa niya ito dahil hindi lang si Benjie ang hinahabol niya kundi pati ang oras.
Sa wakas nakita niya na ang exit. Dali-dali niya itong tinahak kahit na maitulak pa niya kung sinuman ang nakaharang sa daraanan niya ay wala siyang pakialam.
"Benjie!" tawag niya sa tumatawid na si Benjie. Hindi naman siya binigo nito at lumingon.
"Aaaaaaaaaayyyy!!!" sigawan ang mga tao. Nabangga si Benjie ng isang oil tanker na trak. Nawalan ng kontrol ang trak at tumumba sa gitna ng daan. Siguradong tumilapon si Benjie dahil dito at kung tumilapon siya ay siguradong naroroon siya sa kinalalagyan ng trak ngayon ilang metro ang layo sa ospital.
Tulala lang si Arianne habang nakatingin sa kabilang dulo ng daan. Nakita niya ang isang babae, kahit malayo ay kita niya ang pilat nito sa pisngi. At kahawig siya ng babae sa panaginip niya.
Maya-maya, "'Wag kayong lalapit!" sabi ng guard ng ospital. "May tagas ang trak! Takbo! Baka sumabog!"
Scripted ang pagbuhat sa kanya ng guard dahil hindi na siya makaalis sa kinatatayuan niya. Hindi niya magalaw ang mga paa niya no'n habang nakatingin pa rin sa babae. Nilingon niya ito ulit nang makalayo na sila. Wala na ang babae kasunod ang pagsabog ng trak. Halos tumumba ang ospital sa lakas ng impact ng pagsabog. Yumanig ang lupa. Mabuti na lang at malayo ang inabot ng trak kung hindi baka nadisgrasya ang mga nasa loob ng ospital.
"Si Anjo!" bulong niya. Bigla niyang naalala si Anjo, wala itong kasama. Sana naman ay hindi siya ipahamak ng babaeng may pilat. Siya kaya si Marielle?
Patakbo niyang tinungo ang elevator at halos magmakaawa na ito para bumukas lang. "Maam, malamang tumigil po 'yan dahil sa pagsabog kanina. Emergency measures po." sabat naman ng isang lalakeng nurse. Pagod na si Arianne pero wala siyang magagawa kundi sa hagdan muli dumaan.
Pasuray-suray siyang tumatakbo patungo sa kanilang kwarto. "Bakit parang ang layo ko pa?" sabi niya sa sarili. Pakiramdam niya ay tumatakbo siya na hindi umaalis sa kinaroroonan. Bigla na lang umikot ang paligid at lumabo ang kanyang mata. Nanlambot ang kanyang tuhod at tuluyang bumagsak. Nawalan ng malay si Arianne sa hallway ng third floor at ang huli niyang nakita ay ang babaeng may pilat sa mukha na papalapit sa kanya.
~itutuloy
BINABASA MO ANG
Umuuga Ang Kama
RomansaAng maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ay kailangan (kung hindi pa sila marunong magwattpad ay kailangan niyo muna silan...