53: Tahanan

704 43 22
                                    

I guess no more explanation for the chapter's title. Tahanan is home, a place where our hearts belong.
.
.
.
.
.
~*~

KEIFER

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ang huwebes. Hindi pa rin ako makapaniwala na bukas na ang flight namin ni Tito Kris. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko na aalis na talaga kami ng bansa. Naiayos ko na rin ang mga gamit ko ngayon sa isang maleta dahil kailangan na naming umalis ni tito para lumuwas ng Maynila at mag-check in doon sa isang hotel.

"Ayos na ba ang mga dala mo, Keifer? Wala ka na bang nakalimutan?" sabi ni Tito habang inaayos ang sleeves ng kulay asul niyang polo. Nandito kami ngayon sa k'warto. Kanina pa ako nakaayos at siya na lang talaga ang hinihintay ko.

"P'wede pong makahingi ako ng tatlong minuto, Tito? Iikutin ko lang ang bahay at magpapaalam na rin dito," sabi ko sa kaniya.

"Go on," sagot nito sa akin kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis kong pinuntahan ang bawat sulok ng bahay. Nang makapasok ako sa k'warto nila nanay at tatay ay naupo ako saglit sa kama nila at saka marahang hinagod ang kamay ko sa sapin nito. Inilibot ko rin ang tingin, inaaral bawat sulok ng silid. Hindi man napuno ng saya ang pananatili ko rito sa loob ng dalawampung taon ay masasabi kong mapalad pa rin ako't meron kaming bahay na maituturing. Hindi man kasing ganda ng bahay ibang bahay sa labas ay masaya pa rin ako't dito ako nakatira kasama ng mga magulang ko.

Lumabas ako ng k'warto at nilibot ang sala. Nakangiti kong tinungo ang k'warto kung saan naroroon si Tito Kris.

"P'wede ba akong magrequest sayo, Tito, bago natin puntahan sila nanay at tatay? Last na request na po ito," sambit ko, nahihiyang ngumiti dahil sa dami ng demand ko.

"No problem. Ano ba ang request ng paborito kong pamangkin?" tanong niya.

Tumawa ako. Ako lang naman ang nag-iisa niyang pamangkin, e. Palabiro talaga si Tito.

Sinabi ko sa kaniya ang request ko na sinang-ayunan niya naman agad kaya hindi mabura-bura ang ngiti sa aking labi.

Dala ang maleta ko ay sabay kaming lumabas ni Tito ng bahay. Tig-isa lang kaming maleta na dala. Konting gamit lang din kasi ang inayos ko kagaya ng sinabi niya sa akin noong nakaraang araw.

Ako na ang nagpresintang magkandado ng pinto. Maluha-luha ako habang kinakabit ang lock nito. Mami-miss ko talaga ang bahay na ito. Hindi lang ang mismong bahay kundi ang mga ala-alang nabuo namin sa munting barong-barong na ito.

Nag-umpisa na naming baybayin ang daan papunta sa high way at dahil madadaanan namin ang guard house ay pansamantala akong huminto rito. Wala si Mang Jerry dahil panggabi ang duty niya. Miski si Damian ay wala rin. Resign na ito at nalaman ko lang din kay mang Jerry ang balita. Siguro ay hindi na babalik si Damian dito dahil mas kailangan siya ni Dama sa probinsiya. Sayang lang at hindi natuloy ang balak naming pagbisita sa kanila. Hindi ko man lang tuloy nayakap si Dama bago ako umalis, pati na rin siyempre ang tatay niya.

"Kuya," pagkuha ko ng atensiyon doon sa bagong guard na nakaduty ngayon. Ito 'yong guard na mukhang masungit na naka-duty noong mga lumipas na araw.

"Good afternoon, sir," bati niya sa amin ni Tito.

"P'wede pong bang makiabot niyo ito kay Damian? Alam ko pong oarang imposible pero baka sakaling bumalik po siya ulit," paliwanag ko habang inaabot ang isang sobre. Sulat kamay na mensahe lang ang laman noon. Hindi ko alam pero mas maganda ang ganitong klase ng komunikasiyon kaya kahit na p'wede ko naman iparating sa kan'ya ang gusto kong sabihin sa pamamagitan ng text ay hindi ko ginawa. Imposible rin naman na bumalik siya ngayon kaya siguradong hindi niya na mababasa pa ang laman ng liham ko para sa kaniya.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon