#CP3

8 1 0
                                    

"Wow, ang ganda naman pala dito." I heard Luna said. Which I agree.

Ang ganda ng dagat. Napaka peaceful ng  lugar. Excited tuloy akong mag-stay ng ilang araw dito.

"Welcome to Malapascua Island"

Iyan ang sabi ng arko pagkadating namin. We are here in one of Cebu's islands pala. Sinalubong naman kami ng mga employees sa isang rest house na ni-rent ni Luna. Alam niya kasing mas gusto kong kami lang ang tao sa isang villa, pwede naman kaming mag hotel pero mas gusto ko iyong may privacy ako.

We were just given few instructions at umalis kaagad ang mga ito. Kahit na okay lang na sina Luna ang makinig sa mga ito ay nakinig na rin ako pala alam ko ang rules nila.

There are 4 bedrooms in this two-storey house. Three rooms upstairs and one downstairs. My bodyguards chose the room downstairs kahit sabi ko naman sa mga ito na pwede kaming tig iisa ng room.

I decided to take a shower to freshen up. Pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng pang beach. Actually, hindi ako nakaramdam ng pagod kahit ang aga namin bumyahe. I decided to go outside and take a dip and check the place. Nandito naman na rin ako might as well enjoy the place. I was thinking of making an everyday life video sa place na'to.

Nang makababa ay nakasalubong ko si Kuya Nero at Hans.

"Kuya, magpalit kayo ng damit pang ligo o pang beach. Masyado n'yo namang kinareer ang trabaho ninyo. Hindi bawal mag enjoy, okay?"

Ngumiti naman ang mga ito.

"Tsaka diyan lang din po ako sa labas. Magpahinga po kayo kung gusto n'yo. Hindi ako lalayo."

Nagpumilit pa sana ang mga ito pero kalaunan ay pumayag na rin. Sinabihan ko na lang din na sabihan si Luna kung nasaan ako kapag hinanap ako.

Napa wow naman ako pagkalabas dahil ang ganda ganda ng view. Ang ganda ng pinili ni Luna.

There's a pool outside with an overlooking view. Mayroon itong hagdan papuntang dagat sa baba. The sea is very clear and sand is white. You can even see the white underneath the sea.

I took a few pictures of the view and decided to make a video.

"Hello, guys! I am currently here at Malapascua Island. As you can see, the view so amazing and I can't wait to show y'all more of it. This is my day one, so be with me until my last day here." I smiled at the camera and waved before I ended the short video.

Hindi muna ako naligo sa pool dahil naengganyo ako sa dagat. Bumaba ako sa hagdan hanggang sa tuluyan na ngang makaapak sa maputing buhangin. I took another video with the view. Wala akong makitang tao kahit na may mga katabing villa rin sa villa namin. This place is really perfect for people who wants privacy. Ang sabi kasi noong isang employee ng villa namin ay kahit na may mga katabi kaming villa, wala pa ring makakapasok na taga labas kahit sa dagat. Exclusive lang talaga ang lugar at isang private property. Kaya siguro name-maintain ang ganda.

I took off my top and bottom and put my phone on top of my clothes. Sabik na tumakbo ako patungo sa dagat. Ang lamig pa noong una pero naging warm naman siya nang makalubog ang katawan ko. I can't even feel stones underneath. Puro buhangin lang talaga. Lumango ako ng ilang beses at pagkatapos ay pinalutang ang katawan. Sumisikat na ang araw pero buti nalang ay hindi masakit sa balat. Naglagay naman na din ako ng sunscreen just in case.

Napabuntong hininga ako nang makalutang ang katawan sa dagat. Kahit ilang beses kong iwaglit sa isip ko ay bumabalik parin ito sa huling mensahe na natanggap ko galing kay mommy.

Na sana pagbalik ko ay nasa tamang pag iisip na ako. Na sana ay gampanan ko na  ang dapat ay noon pa. Na maging responsable sa business namin dahil iyon naman daw ang pangako ko. I admit, I promised her I would do it before. That was because I want to buy more time to do the things I want. Not hers. I want to experience living in this world doing anything my heart desires. Kasi ayaw kong magsisi.

Akala ko kasi ay magbabago ang isip niya kapag nakita niya akong ginagawa ang mga bagay na gusto at mahal ko. Kasi iyon naman ang dapat di ba? Ganoon naman ang gusto ng mga magulang. Or siguro akala ko lang? Pero bakit si daddy masaya para sa akim kahit gaano pa kaliit na achievement ang nangyayari sa'kin?

Bago pa ako tuluyang malungkot ay napagdesisyonan ko nang isawalang bahala muna ang mga bagay bagay. Ayaw kong mawalan ng gana sa bakasyon na ito. Deserve ko to.

Nang paalwas na ako sa dagat ay may namataan akong isang babae na nagpipinta sa hindi kalayuan. Seryosong seryoso ang mukha nito kahit kalahating mukha niya lang ang nakikita ko. Ilang minuto akong nakatingin sa kanya at siguro ay naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya napabaling siya sa akin. Imbes na tanggalin ang tingin ay mas napatitig ako sa mukha niya.

Walang emosyon o reaksyon ang mukha nito at nilabanan ang titig ko. Hindi ko naman iyon nakayanan kaya tinanggal ko ang tingin sa kanya. Pero bago iyon, nagawa ko pang ngumiti kahit na nag iinit ang aking pisngi.

I feel so giddy and I don't know why. Normal naman sa akin ang makakita ng magagandang babae araw araw sa trabaho.

When I put my clothes on, I decided to look at her one last time before I go back. Pero nang tingnan ko siya ulit ay wala na ito sa pwesto nito kanina.

Napasimangot ako. Titig lang naman eh, ang damot naman.

Nabigla naman ako sa mga naiisip ko. Hindi naman ako uhaw sa atensyon dahil kuhang kuha ko iyan araw araw sa trabaho. Hindi ko lang din alam kung bakit ako nanghinayang nang hindi ko siya makita ulit.

Nandito pa kaya siya bukas?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

champagne problemsWhere stories live. Discover now