Kabanata 15

2.5K 220 97
                                    

KABANATA 15

"Kung gayon ay wala ka pa ring natatagpuan, Lyssandra, hija?"

Naririnig niya na ang lungkot sa tinig ni Tiya Udelia. Subalit hindi niya rin maiwasang mapansin ang bakas ng pagkayamot mula roon.

Sandra stared at the journals she was able to retrieve yesterday. Pinagpuyatan niyang basahin ang lahat ng iyon kagabi.

The more she read how Uriah and Estefan handled their arguments all those times, she started to feel like she fell into a rabbit hole with her current situation.

Her rage and cry for justice were suddenly silenced. She was back to that hallow feeling when losing Uriah pained her to numbness.

Sa pagkampi niya sa mga Honradez, hindi niya maiwasang isiping nakapasok siya sa isang butas na buong akala niya'y isa lamang ang lagusan palabas sa liwanag...

Until something stirred inside her after reading the journals, and that one way out becomes dark. Tila may bagong lagusang bumukas, subalit hindi rin malinaw kung sa liwanag ba ang katapusan niyon...

Nakakatakot. Isa sa dalawang lagusan ang maaari lamang magtaglay ng tunay na daan palabas, habang ang isa'y patungo sa mas malalim na butas na pulos kadiliman.

At parehas na madilim pa ang mga lagusan kaya't hindi madaling pumili...

"Hija? Lyssandra? Lyssandra!"

Napapitlag siya at muntik nang mabitawan ang telepono. "P-Paumahin, T-Tiya..."

"Hindi mo na sinagot ang tanong ko. Ano bang nangyayari sa 'yo, hija? Pinanghihinaan ka na ba ng loob?" Humikbi ang ginang. "Pakiusap. Sabihin mo sa 'king hindi mo susukuang maihatid ang hustisya para kay Uriah, hija!"

Napasulyap siya sa labas ng bintana nang sumabay ang kulog.

"Tiya, h-hindi po sa ganoon. Patawad po! M-Marami lang po akong... iniisip. Bukas na po ang kasalan at kinakabahan lamang po ako."

Matalim itong napabuga ng hangin. "Lyssandra, magtatanong ulit ako. Did you find what I told you to look for?"

Pumikit siya nang mariin. "Wala po akong nahanap..." mahina niyang pagtanggi. Mayroon na siyang mga nakita, ngunit sa palagay niya'y walang makakapagdiin kay Estefan sa mga nabasa niya.

Lalo na't ang kadalasang pinagtatalunan lamang ng dalawa ay tungkol lamang sa maliliit na bagay, matinding pag-aalala sa isa't isa na ikinapipikon ng dalawa, at... siya.

Subalit hindi siya pinagtatalunan ng dalawa sa... romantikong paraan. Uriah and Estefan used to discuss how to handle her behavior.

Magulo mag-isip si Sandra kung minsan. O mas madalas.

She's an artist. Maybe that's why. You don't have to be frustrated about it, Uriah.

I agree, then. She's wonderful, nevertheless.

Sa pakiramdam ni Sandra, mas kilala siya ng dalawa kaysa sa pagkakakilala niya sa kanyang sarili.

Nag-aalala ako sa pagiging tulala ni Sandra kadalasan. More so the fixation she has on certain objects. Tititigan niya ang isang bagay kahit na hindi niya na batid kung bangin na ang nilalakaran niya! Muntik na siyang mahulog sa bambang kanina kung hindi ko lang agad naagapan!

Calm down now, Estefan. Maybe that's the purpose why we should always look after her. She could not help to daydream or be fascinated with the things around her.

You're right. Sometimes, I feel like we should be hard on her, to discipline her. But we're not his parents.

Ikaw na rin ang nagpayo noon. Mas hahabaan natin ang ating pasensya kay Sandra. We could not be hard on her because she's already being hard to herself.

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon