Chapter 06

819 66 9
                                    

"Ma'am Lola."

Nagising ako sa marahang pagyugyog ni Manong Elmer. Nasa likuran niya pa si Aling Faye 'yung paminsang naglilinis dito sa Villa.

Bumangon ako at inayos ang sarili. Pagtingin ko sa labas, madilim na nga. Jusko. Hindi ba kagigising ko lang kaninang umaga? Tapos isang buong araw na ang lumipas.

"Manong Mer!" Napatayo ako at hinanap si Carlo. Biglang nagbalik sa'kin 'yung mga nangyari. Am I imagining things? Baka naman walang nangyaring ganun?

Baka naman pagtingin ko sa date, magbabalik ako 3 days ago na unang araw ko pa lang dapat dito sa rest house na 'to. Baka panaginip lang lahat.

Pero habang iniisip kong hindi, lalong nagiging vivid 'yung memory ko kay Charlemagne.

"Ma'am Lola?" Sinundan ako nila Manong Elmer at Aling Faye hanggang sa pagtanaw ko sa maliit na bintana.

"Manong Mer, wal ka bang nakitang ano... Lobo? Aso? Ganun?"

"Po?"

"Manong Elmer mukhang may sakit pa rin nga po si Madam Lotus. Nagde-deliryo pa rin siya."

"Lola na lang po o kaya Lauren!" Giit ko kay Aling Faye. Weird niya kasi. Madam na nga, Lotus pa? "Manong Mer anong nangyari sa'kin? Anong date na ngayon?"

"Buong araw po kayong tulog dahil may kaunting lagnat kayo kanina."

So tama pa rin naman oras ko. At ibig sabihin, baka totoo pa ring nangyari 'yung kay Carlo.

At dahil wala naman silang nababanggit na nakitang lalaki o lobo, ano nang nangyari? Nasaan si Charlemagne ngayon?

Nawala na talaga siya?

***

Then I spent the next hours being wary. Siyempre I tried to review my notes with all my heart, bumaba pa nga ako sa baba para sukatan ng ngipin lahat ng tao sa bahay. Si Manong Elmer na halos mga pangil na lang ang natira, 'yung gwardiya sa labas na puro fixed bridge, si Aling Faye at 'yung anak niyang babae na suma-sama-sama sa kanya, pati na 'rin 'yung dalawa pang nagbabantay.

Lahat na nagawa ko. Lahat na ng parte ng bahay ko nalibot ko, pero mukhang hindi na yata babalik.

"Oh my ghad!" Halos mapasigaw pa ako nang mabagsak ng anak ni Aling Faye 'yung kutsara habang naghuhugas.

Grabe lang 'diba? Simpleng kibot, akala ko paparating si Carlo. Naging sobrang magugulatin ako.

Pero hindi eh. Inabot ng dalawang araw, walang Charlemagne na nagparamdam. Tska ko biglang napagtagpi-tagpi 'yung clues.

Kung bakit ang bilis niya mawala at mag-appear nung una kaming nagkita.

Kung bakit naririnig niya 'yung sinasabi ni daddy sa phone kahit hindi naman ako naka-loud speaker.

Kung bakit ayaw niyang sabihin kung sino siya at saan siya galing.

Because he's a freaking werewolf? Gosh am I in dramaland? Because I just lured myself into making out with a hot werewolf.

Seriously? These things really happen in real life?

"Hello Carlo." I speak in normal volume. Baka naman kasi naririnig niya. Pero nung iniisip ko na kung anong sasabihin ko, wala eh. Hindi ko alam kung anong reaction o message ang pwede sa kanya.

I tried to feel what I really feel. Kung takot ba ako sa kanya o ano.

Then I knew. Hindi. Hindi ako takot. Nagulat lang ako pero hindi ako takot.

I waited for him to come. Palagi akong tumatakas sa fence kapag alam kong siesta at nakakatulog ang mga guard pati si manong Mer.

Pumupunta ako ng batis kung saan ko siya unang nakita dahil nagbabakasakali akong nandun siya. Kasi gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin na hindi ako matatakot sa kanya though I somewhat doubt kung ganun nga talaga pag nakita ko na naman 'yung anyo niyang 'yun.

Pero wala eh. Umalis na siguro siya. Baka ganun siya, kapag may nakaalam na ng totoong siya, ayaw niya na.

Mali ba na pinilit ko siya?

Or is this the better option?

***

You know what's funny? Naisip kong hindi talaga ako takot. Tapos kapag nakikita ko 'tong mga marka sa may kama ko, suddenly my bed became a thousand times bigger.

Juskolord ganito ba ako katigang

That I find myself walking into the direction of the creek. And yes I know it's already past midnight. 2:43am to be exact pagtingin ko sa relo ko sa kaliwang kamay.

Hindi ako nagsalita. Kahit natatakot na talaga ako dahil wala naman talagang kailaw-ilaw dito at nangangapa ako sa dilim and the only source of light is the moon, wala akong sinabi.

Tuloy-tuloy ako hanggang maramdaman ko 'yung malamig na tubig sa paa ko. I've reached the creek.

"Ang lamig." Naglakad pa ako hanggang sa hanggang tuhod ko na 'yung tubig. Mabilis 'yung agos, may mga parte lang na malalim talaga at mabato.

Hanggang sa parang may gumalaw sa paa ko.

"Ahh!!! Oh My god!" Gumalaw na naman. Ahas ba 'to? Jusko ano ba naman kasing ginagawa ko dito ng madaling araw?!

"Aaahhhh!!!" Tumakbo ako pabalik sa gilid hanggang sa madulas ako sa parang nilulumot na bato.

"Aw." Napaupo ako. Ang sakit!!!!

Ayoko na. Puro kagagahan ginagawa ko imbes na nagre-review ng walang katapusan 'diba?

Hindi na nga ako natakot, hindi pa ako nag-ingat.

"Kainis. Nagkasugat pa yata ako sa tuhod at sa pwet." And I swear baka meron din sa siko dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang pag-hapdi.

"Aray..." Napapaiyak na ako sa kagagahan ko. Ang sakit lang talaga. Literally. May mahapdi sa hita at siko ko.

"Lauren."

Hindi ko alam kung saan ako lilingon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling boses ni Carlo pero napaiyak lalo ako.

What the hell am I doing?

*later*

Loving Charlemagne BaldiviaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon