Her POV
"Tama nga na ang wika ang yaman ng ating nakaraan na hitik sa katutubong karunungan..."
Kasalukuyan akong nagpa-practice ng gagawing performance sa sinalihang oration contest.
"Dahil ang Filipino at ang mga wikang katutubo ang pinakamayan at pinakamagandang bagay na maibabahagi natin sa mundo," I recited with hand gestures.
Tulog na sila Nanay sa kani-kanilang kwarto. At dahil hindi pa rin naman ako inaantok ay nagpasya na muna akong mag-practice.
Inabot kami ng lagpas ala singco ng hapon sa library kanina bago namin matapos reviewhin ang mga posibleng topic na masasama sa quiz bee. I felt somewhat relieved to Rigil but hopeless to Brean. Mukhang okay na rin pala na sumali ang lalaki sa grupo namin.
Dumaretso na rin ako pauwi ng bahay pagkatapos n'on dahil gumawa pa ako ng entry ko sa ibang sinalihan.
I submitted, "Salamat Wika," anang Siyensya at Teknolohiya, for my Six-Word Story Poetry entry.
For the Bagay Poetry, I entitled my poem entry, Werpa ng Wika. It tackled the power of language and its profound impact on our history, knowledge, and communication.
Nakapag-isip na naman ako ng design para sa Tote-Bag Making Competition na isa pa sa mga sinalihan ko.
Naisipan kong salihan lahat ng contest dahil more chances of winning awards. Bukod kasi sa pinapangarap kong 'With Highest Honors' ay gusto ko ring makakuha ng maraming awards.
Hindi ko alam kung bakit masaya at satisfied ako tuwing naririnig ang pangalan kapag may mga labang napapanalunan. Pero hindi naman laging panalo sa bawat laban, at kung hindi man ako papalarin sa mga sinalihan ko ngayong Language Fest, tatanggapin ko naman, at least nag-try akong lumaban, 'di ba. Pero syempre, mas okay pa rin na manalo. Sino ba namang ayaw n'on.
"Good luck, mga lods!"
Nilingon ko si Brean nang tapikin niya ang balikat namin ni Rigil habang pumupunta kami sa table na naka-assign sa grupo namin dito loob ng hall room kung saan gaganapin ang quiz bee competition.
Katatapos lang ng individual category ngunit hindi napasama sa top 3 ang kaklase naming si Gralette, kaya kailangang manalo kami dito para makabawi.
"I think you should say that to yourself, too," I heard Rigil say to Brean.
I almost laughed because of that. Hinarap naman kami ng lalaki.
"Nagbasa ako kagabi. Sure na 'to, mananalo tayo!"
Pormal na nagsimula ang Festival of Language and Arts ng miyerkules, kahapon. Expectedly unexpected naman ang naramdaman ko nang manalo bilang first place sa Tote Bag Making Competition.
Alam kong ginawa ko ang best ko pero hindi mawawala iyong mga sabi-sabi na unfair daw dahil kasali ang president ng Arts Club. Well, lumaban naman ako ng patas kaya hindi unfair na mas maganda ang pagkakagawa at pagkaka-explain ko ng aking disenyo. Ayan ka na naman, Solis. Masyadong bilib sa sarili ha?
"Dapat lang." Saglit akong tumigil sa harapan nila. "Nasa inyo yata ang former champion ng individual quiz bee last year, 'no."
I was feeling the moment to motivate them and put them at ease because I'm in their group, but Rigil interfered.
"Let's go," aniya bago naunang maglakad.
Tatawa-tawa namang sumunod si Brean sa lalaki. Nakangusong napabusangot nalang ako bago sila sundan. Ano pa nga bang support ang aasahan ko sa dalawa?
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake (High School Series #5)
JugendliteraturAs her youthful journey nearly comes to an end, Mariela Solisidad Esperanza became determined to be the valedictorian of her batch and achieve more credentials for college, rather than enjoying her last high school year to the fullest. But her deter...