Chapter 2

2.5K 46 1
                                    

L's Danger

♔♔♔

Maaga akong nakarating ng school. Naglakad agad ako papasok ng gate. Wala pa gaanong estudyante dahil hindi pa naman tuluyang sumisikat ang araw. Ba't ba ako napaaga? Akala ko kasi magiging traffic!

"Maayong buntag po!" bati ko kay Manong Guard. Kung kahapon ay english ang pagbati ko sa kanya, ngayon naman bisaya para bongga na!

"Blazer mo, 'toy!" pagsuway niya sa'kin dahil hindi nakasabit lang ito sa aking mga balikat.

"Ay, kuya! Hayaan mo na! This is just the glamourista in me!" sabi ko at kumaripas ng lakad!

Nilagay ko ang aking phone sa bulsa ng aking pak na pak na red shoulder bag! Inayos ko rin ang pagkakasabit ng blazer sa aking balikat. Ang ganda lang kasi kapag ganito, lakas maka-corporate realness ang atake! In fairness din talaga sa uniform namin. It's a black blazer, darkish blue and black striped necktie, with white sleeved-polo underneath and black pants. Lakas maka-private na spoiled brat!

Napahinto ako nang masilayan ang ganda ng kaulapan sa park. Pagkapasok kasi ng gate ay ito ang bubungad. Ang presko rin ng hangin dahil maraming puno ang paligid. So peaceful and calming...

Livingston Academy is really THAT prestigious school. Parang lahat ng estudyante ay hangarin na makapag-aral dito for their junior and senior high school years. Bukod sa maganda at maluwag ang mga facilities, quality education din ang labanan dito. Not to mention na maganda ang reputasyon ng school kaya maraming opportunities after graduation. Isa pa, disente at mababait ang mga estudyante rito!

"HOY, BAKLA!"

Pagkarinig ko no'n ay biglang may ensaymada na tumama sa mukha ko! Ang sakit! Agad akong napahawak sa aking pinsgi na nabahiran ng margarine galing sa tinapay! Nilingon ko ang nagsalita at bumato no'n!

"Finally, dumating na rin ang baklang ilusyunada na mukha namang plastikada!"

Nawindang ako sa narinig at nakita ang tatlong estudyante na papalapit sa'kin na parang naghahanap ng gulo! Pwes, ibibigay ko sa kanila!

"Ako ba ang tinutukoy niyo?" napahalukipkip ako.

Nagtawanan sila. "Sino pa ba ang mukhang baklang squatter dito? Ikaw lang naman!" bwelta ng isang bakla!

Mas natawa ako. "Sino ba kayo? Anong problema niyo?"

"Ikaw ang problema namin! May I warn you na layuan mo si Louie! Akala mo hindi na kalat sa campus ang pagdikit mo sa kanya kahapon?!" Dinuro-duro pa ako ng isang babae.

Tumaas ang isang kilay ko. Oo nga pala, sikat ang lalaking 'yun kaya may mga ganitong mga estudyante na hayok na hayok sa kanya, akala mo talaga may napapala sila sa ganito. Dedma, sasakayan ko ang pagmamaldita nila!

I flip my non-existent long hair at pinulot ang ensaymada sa sahig. "Bakit ko naman lalayuan ang asawa ko? Baka kayo ang dapat na layuan kami," kumurot ako sa tinapay at pinalamon sa lider-lideran nilang bakla, "dahil kung hindi, ako ang makakalaban niyo..."

Nagkatinginan silang tatlo at bakas sa mga mukha nila ang inis habang ang isa ay dinura ang pinalamon ko! Napatingin ako sa paligid. Wala pa gaanong tao kaya walang nakakapansin sa kaguluhan namin!

"Aba, napakalakas din talaga ng apog mo?!" sigaw ng bakla at umambang ihahampas sa'kin ang bag niya!

Agad ko itong sinalag at tinulak siya. "My God, what's apog? I don't know that, I'm sheltered! You sound so squatter!" may pagka-conyong salita ko.

"MANAHIMIK KA- OMG, HI LOUIE!" Naloka ako dahil mula sa amazonang babae ay biglang naging malambing ang kanyang mukha at boses nang dumaan ang lalaki malapit sa'min.

The Campus Heartthrobs That Used To Be UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon