Tatlong buwan na simula noong mangyari ang kahihiyang iyon. Maraming araw na rin ang lumipas kaya't ganoon din karami ang kapalpakang nagawa ko sa harap niya. Sa dami niyon ay nakakalimutan ko na ang iba pang nagawa ko sa sobrang pilit na pagbabalewala at pagkukunwaring hindi iyon nangyari.
Ngunit iisa lang ang nasa isip ko sa tuwing nakakagawa ako ng kahihiyan sa harap niya, iyon ay ang kagustuhang magpalamon nalang sa lupa.
"Hindi ka ba sasama?" Napatingin ako sa gawi ng kaibigan ko nang magsalita sjya.
"Hindi ka sumama last time. Huwag mo naman masyadong ipahalatang KJ ka talaga," nakangusong saad niya.
We're in the middle of this crowded cafeteria. Nakalinya kami at naghihintay sa inorder niyang donuts. Bahagya akong gumilid para hindi matamaan ng mga nagtutulakan na nasa likod namin.
"Saan ba ang punta natin?" tanong ko.
Hindi naman kasi ako puwedeng lumabas. May trabaho ako sa resto bar ngayon at kailangan ay pagkatapos ng klase, doon na ako didiretso. Ngunit mukhang mahihirapan na naman akong magdesisyon sa pang-aaya niya sa akin.
"I don't know pa, pero sure ako na hindi tayo iinom," she answered with a straight face.
I took a sip of my orange juice and stared at her. Sinipat ko ang mukha niya para masigurong hindi ito nang-uuto lang dahil napaka-imposible naman ng sinabi niya.
"Sino naman ang kasama natin?"
"Adele," she said na agad kong ikinangiwi.
Walang araw na lumipas na hindi ko nakikita sa resto ang babaeng iyon. Masyado pang nasa timing palagi ang punta niya dahil nandoon sa opisina ng resto si Draze.
"Si Kio at Rios din," dagdag niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
"Rios?"
"Yeah, Roseinstein. He's Kio's bestfriend."
Isa pa ang Roseinstein na 'to. Gulong-gulo na ako dahil maya't-maya ay susulpot na naman sa gilid ko para manggulo.
He's insisting that we should be friends daw. Kaunti nalang ay iisipin kong gusto niya ako kaso hindi naman iyon ang nakikita ko. I've had some suitors and admirers before kaya kahit papaano ay may alam naman ako kung paano kumilos ang taong may gusto talaga sa iyo. In Rios' case kasi ay hindi ko maintindiha or baka nga totoo ang tsismis na babaero siya.
"May kasama ka naman pala, hindi na ako sasama," tugon ko.
"No! Bakit ba palagi ka na lang tumatanggi? Hindi mo ba alam ang salitang unwind?"
"I don't have time for that, Lienne."
"Ngayon lang naman. Hindi na kita pipilitin next time!" she said with a cute a face.
I sighed as a sign of surrender. Lumawak ang ngiti niya at hinila na ako palabas ng cafeteria.
Pagkatapos ng klase ay kinuha ko na ang phone para i-dial ang numero ni Draze. Kailangan kong magpaalam nang maayos at kung hindi siya papayag ay wala akong magagawa.
"Where are you going?" he said from the other line.
I bit my lower lip. "Uh, I'm going out with my friends."
Lumipas ang ilang segundo na walang sumagot mula sa kabilang linya. I checked my phone if he's still on the line, and he is but he's not speaking.
"Hello?" alanganing sambit ko.
I heard a deep sigh. "I said where, Xenith."
Lumingon ako sa pwesto ni Lienne na saktong nakatingin din sa akin. Pinagmamasdan ang reaksyon ko na parang kinakabahan din na baka hindi ako payagan.