Chapter 3

4 0 0
                                    


Nagising ako na parang may dahan dahang humahatak sakin. Naramdaman kong nakapulupot ito sa tiyan ko at habang tumatagal ay pahigpit ng pahigpit ang kapit nito.

Mabilis na napamulat ako ng mata ng maramdaman ang nangyayari. Gulantang na nabato ako ng makita ang isang malaking ugat ng puno na nakapulupot sakin.

Wtf?

Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa takot at saka ako nag pumiglas para makawala. Mas lalo namang humigpit ang ugat na nakapulupot sakin nung mag pumiglas ako. Tarantang napaisip ako kung anong gagawin ng maalala ko ang earth magic ko.

"Earth spike!"

Tumama ang matilos na batong ginawa ko sa gitna ng kahoy na nag dudugtong sa ugat na nakapulupot sakin. Mabilis na nanghina ang naputol kong ugat kung kaya't mabilis akong kumawala dito.

Naramdaman ko namang gumalaw ang lupa at nakitang may isa na namang ugat lumitaw mula sa ilalim ng lupa. Nanlaki ang mata ko at dali daling dumakbo palabas ng tunnel ng makita kong hinahabol ako nito.

"Shit! Ano na naman to?!"

Matapos makalabas ng tunnel na nahukay ko ay nasilaw ako ng haring araw. Ngunit hindi pako nakaka recover ng biglang may pumulupot sa paa ko tsaka ako hinila muli papunta sa loob ng tunnel.

Anak ng-

"Earth spike!"

Hindi ko naman natamaan agad ang ugat na humihila sakin dahil masyadong mabilis ang pangyayari.
Nag concentrate naman ako ulit at saka ko ito pinatamaan sa gitna.

"Earth spike!"

Sa pangalawang pag kakataon ay natawaman ko naman ito. Nang maputol ko ang ugat ay dali dali na naman akong tumakbo palabas ng tunnel.

Matapos makalabas ay tumakbo akong muli papalayo sa entrance ng tunnel na ginawa ko.

Napatingin ako sa paligid at kinilabutan sa nakita. Ang mga dugo ng dambuhalang isda na napatay ko ay nakabahid sa mga bulaklak namay iba't ibang kulay. Ngunit hindi yun ang ikinatakot ko kundi dahil ang mga bulaklak na nabahidan ng dugo ay naging mga halimaw sa laki ay nag karoon ng bunganga.Ang mga ugat na humahabol sakin ay doon pala nakakabit.

"Well shit..."

Bigla namang nag lingunan ang mga halimaw na bulaklak sa dereksyon ko.
Kasabay non ang biglang pag sulpot ng madaming ugat mula sa ilalim ng lupa.

Napatakbo na naman ako dahil hinabol ako ng mga ugat ng bulaklak.
At ng makalayo layo ay saka ako muling lumingon para patamaan sila.

"Earth spike!"

"Earth spike!"

Tinamaan nito ang ilang mga ugat na humahabol sakin kaya't napangisi. Ngayon naman ay sinubukan kong patamaan ang mga halimaw na bulaklak.

"Earth spike!"

Nabura ang ngiti ko ng hindi man lang tinamaan ng matulis kong bato ang bulaklak na pinapatamaan ko.
Well sabagay masyado akong malayo para tamaan ito.

Hindi ko namalayan na dahil sa pag tigil ko ay may ugat na pupuntirya sa likod ko. Naramdaman ko ang pag haplit nito sa akin kasabay ng pag tulo ng dugo ko dito.

"Ouch!"

Nang makita ko ang likod ko ay may malaking hiwa na ito at patuloy ring dumudugo. Dahil sa nangyari ay mabilis na kumaripas ako ng takbo papalayo sa lugar. Kahit ramdam ko ang sakit ay patuloy parin akong tumakbo dahil patuloy din akong hinahabol ng mga ugat.

Hindi nako makakabalik pa sa tunnel na ginawa ko at hindi narin ako makakapag hukay dahil alam kong hindi nako ligtas sa ilalim ng lupa. Kaya't gamit ang lahat ng aking makakaya ay tumakbo ako ng tumakbo habang umiiwas sa haplit ng mga ugat sa akin.

Takbo lang ako ng takbo sa takot na maabutan ako ng mga ito. Ngunit kahit saan yata ako mag pasikot sikot ay hindi ko manlang ito matakasan.

Nang napatingin ako sa likod ko at nagulat, kaya pala hindi ko matakasan ang mga ugat ay dahil wala na sa lupa ang mga bulaklak.
Binunot nila ang sarili sa lupa at hinabol ako ng mga ito patakbo gamit ang mga ugat nila na nagsilbing mga binti at paa.

Parang pinanghinaan ako ng loob dahil ang dami nilang humababol sakin. At kahit malusutan koan sila ay mahahanap parin nila ako dahil sa dugo kong patuloy na pumapatak.

Takbo parin ako ng takbo hanggang sa makakita ako ng lugar kung saan parang wala nang masyadong halaman. Ng tumingin ako sa paligid ay napansin ko ang hati sa pagitan ng dalawang lugar. Pag lingon ko sa likod ko ay may mga puno pa at halaman pero makikita rin na nalalanta na ang mga ito pag lumampas sa puro buhanging parte.

Tuyong tuyo ang lupa at kung titingnan ang paligid halos wala nakong nakikitang halaman at mga puno. Parang napunta ako sa isang desyerto at sobrang init din ng lugar at ng sikat ng araw.

Patuloy parin akong tumatakbo para makalayo ng malayo sa humahabol sakin. Napatingin ulit ako sa likod ko ng mapansing wala nang humahabol sa likod ko. Nakita kong tumigil ang mga nag lalakad na bulaklak sa pagitan ng mga damo at buhangin ng parang desyerto.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang tumigil sila at hindi nako hinabol. Muka namang nagalit sila kaya't nag palabas sila ng nakakarinding ingay.

"Shaarrrrrwwwnnn!"

Hindi ko nalang pinansin ang mga ingay na ginagawa nila at nag patuloy sa pag lalakad sa mabuhanging lupa. Sobrang init ng nararamdaman ko dahil sa araw, pati narin ang buhangin na inaapakan mo ay mainit din.

Hingal na hingal ako sa pag takbo at nang hihinayang na napatingin sa likuran para makita ang hati sa pagitan ng mga damo at buhangin.

Napabunting hininga nalang ako. Kung saan nakakita nako ng tubig at libreng pagkain, tsaka pako nakasalamuha ng ganung uri ng halimaw.

Napatingin ulit ako sa buhangin na inaapakan ko.

"At least hindi nako masusundan ng mga halimaw na bulaklak nayun."

Siguro dahil narin tuyo ang lupa at sobrang init ng araw kaya hindi na nila ako sinundan. Halaman sila kung kaya't naisip ko na hinding hindi sila mabubuhay kung walang tubig at matabang lupa.Parang desyerto na nga din naman kasi ang nilalakadan ko.

Hindi naman ako makakabalik paron dahil ayaw umalis ng mga halimaw na bulaklak ang pwesto nila. Nakita ko din ng subukan ng isang halimaw na bulaklak na humakbang sa buhangin ngunit mabilis na natuyo at nalanta lang ang ugat at dahon nito. Napahinga nalang ako ulit ng malalim at saka nag lakad patalikod sa mga ito.

Habang naglalakad ay bigla akong nanghina,naalala ko nga pala na may malaking hiwa sa likod ko. Ngayong iniisip ito ay naramdaman ko ang sakit at hapdi nito kasabay ng pag b-blurry ng paningin ko.

"Status window..." Nanghihi kong saad. Bigla namang lumitaw mula sa ere ang isang blue screen.

Status Window

Name: None
Level 3
Race: Magic Rabbit
Health: 3/25
Mana: 20/25

Magic
Earth [level 3]
Nature [level 1]
Storage [infinite]

Skill
Earth spike

Sobrang baba ng health ko,nakita ko din na 20 nalang ang mana ko. Siguro dahil narin ito sa limang beses kong pag gamit ng earth spike para sa kalabanin ang mga nag lalakad na halaman kanina.

Malayo layo narin ang nalalakad ko at hindi ko na matanaw ang mga halaman at gubat na pinanggalingan ko. Pagod na pagod nako at uhaw na uhaw dahil sa sobrang init. Idagdag pa namay malaking sugat ako sa likod na mas nag pa blurry ng paningin ko.

Nanghihinang bumagsak ako sa mainit na lupa at napapikit.

Dito na bako mamamatay? Pero dalawang araw palang akong nabubuhay...Sabi ko pa sa sarili ko na mamumuhay ako ng tahimik at mag sisimula ng bago pero anong napala ko? Masyadong weird ang mundong 'to para sakin. Hindi ata para sa kagaya ko ang mundong ito.

Bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman ko nalang na may bumitbit sakin sa batok at pagkatapos ay lumutang ako sa ere.

______

Reincarnated Into A Rabbit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon