Chapter 4

3 0 0
                                    


Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na parang may dumidila sa mabalahibo kong likod. Naramdaman ko ang sakit sa likod ko at naalala ko ang malaking hiwa dito.

Blurry pa ang paningin ko ng magmulat ako ng mata kaya hinayaan ko muna itong mag adjust hanggang sa makita ko na ang dumidila sakin.

Nanigas naman ang katawan ko ng makitang isang napakalaking leyon ang bumungad sa harap ko. Ilang minuto pa kaming nag katitigan nito ng mag simulang umagos ang luha sa mata ko.

Ngayon muka na talaga akong isang kunehong nanginginig at umiiyak sa kamay ng isang leyon habang iniintay nalang na kainin nito.

Ito na ba ang katapusan ko?

Oo nga't naka takas ako sa mga asong lobo,natutunan gumamit ng magic para depensahan ang sarili ko sa dambuhalang isda at bulaklak pero sa kamay ng leyon ako mamamatay?

Sobrang pathetic. This is so ridiculous at the same time. Bakit ba laging napupunta sa ganitong direksyon ang buhay ko? Malas bako? O sadyang pinag lalaruan lang ako ng tadhana?

Bigla namang gumalaw ang leyon at nagsalita. "Why are you crying little one?"

Gulat na napatingin ako sa kanya ng mag salita ito, at basi rin sa boses nito ay isa itong babae. Napaka sweet ng boses nya na para bang nilalambing ako. Pero kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin ay hindi ko iisipin na baka nya lang 'to ginagawa ay dahil gusto nyakong kainin.

"Kasi kakainin moko?" Umiiyak ko paring sagot na halos pabulong na.

The lion laugh. Para bang ang sinabi ko ang pinaka nakakatawang bagay sa mundo. Pero sa pag tawa nya ay napansin ko ring nang hihina sya.

"Why would I eat you when you're so tiny? You won't be enough to fill my stomach."

I guess my point sya nung sabihin nya yun. Napapahiyang nag iwas naman ako ng tingin at napatigil sa pag iyak.

"Pero bakit nandito ako? Anong kailangan mo sakin? Ikaw ba nag dala sakin dito?" Hindi ko maiwasang itanong. Kasi kung di nya nga naman ako balak kainin, anong kailangan nya sakin?

"I saw you passed out in the middle of this vast land of sand. You are dying from your large wound...just like me."

"Just like me? What do you mean?" Tanong ko.

"As you can see, I also have a large wound on my back and my left paw is broken." Nandilim ang paningin nya habang ineexplain nya sakin ang mga iyon.

"I pity you because we have the same situation. Your parents probably abandoned you just like mine." Parang naaawang sabi nya kahit alam kong hindi ganun ang sitwasyon ko.

Wala akong mga magulang at ang mga halimaw na bulaklak ang dahilan kung bakit ako nasa desyerto. Nagising lang din ako sa mundong to ng mag isa at walang kaalam alam. Nakakalungkot mang isipin pero dahil sa mga sinabi nya ay gumaan ang puso ko.

"It's been a few weeks since I came here. My so called family chase me out of our home and now I have nowhere to go. I've been starving since then as there is nothing to eat here. And when I saw you, I couldn't get myself to eat you. I saw myself in your position and that's why i decided to bring you home." Mahaba nyang kwento. Yun din pala ang dahilan kung bakit napansin kong ang payat nya.

"Then do you want us to be family? Kasi sabi mo wala kanang pamilyang mapupuntahan..." Tanong ko sa kanya habang malungkot na tiningnan sya sa mata.

"Sure,why not? I mean we're both dying anyway, atleast we have each other by our side." Malungkot syang ngumiti at tumingin sakin.

"Pwede rin bang wag ka mag english? Gusto ko ring marinig kang mag tagalog." Nahihiya kong banggit.

"Sure! Susubukan ko." Natatawang sabi nya ng biglang manlaki ang mata nya na parang may naalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated Into A Rabbit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon