Cassius
Isang libong taon... wala man lang dumating na isang Kataleya. Akala ko'y mag i-incarnate ito o di kaya'y bumalik mula sa pagkamatay pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Nalibot ko na ang buong mundo kakahanap sa presensya nya ngunit wala akong makita. Nag upgrade na ang technology dito sa mundo ngunit wala pa ring dumating na Kataleya.
Paano kung hindi nya na talaga ako babalikan? Paano kapag wala na talaga sya? Paano kung tuluyan na nga talaga syang nawala. Alam kong hindi sya nangako sa'king babalik sya pero yun ang gusto ko. Gusto kong bumawi sa kanya. Dahil nakalimutan ko sya sa mga panahong dapat ako ang kasama nya. Babawi ako kapag magkatagpong muli ang mga landas namin. Pangako ko yan sa sarili ko.
"Si Kataleya na naman ba?" tanong ni Tita Amalia na may dalang mga labahan
Tumango ako at malungkot na sumandal sa inuupuan kong sofa sa sala.
"Bakit hindi ka na lang magpatulong kay Tita Marianne? Total expert naman sya dyan. Baka maibalik nya pa sa'yo si Kataleya" suhestyon naman ni Prodo na nakasunod sa asawa nya
May punto naman yung sinabi nya kaso nga lang saan ko hahanapin si Tita Marianne eh matagal ko ng hindi nakikita ito.
Wala na kaming balita sa kanya simula noong libing ni Kataleya. Ang sabi sabi ay namatay na raw. Pero impossible naman dahil half mangkukulam half bampira yun. Ang lakas lakas nung kapangyarihan nya.
"Tama ka naman mahal pero nasaan nga ba si Marianne? Sya lang naman kasi ang nakakaalam ng lahat" sabat naman ni Tita Amalia at tyaka naglakad na palayo dala dala ang kanyang mga labahan
Napakamot na lang sa ulo si Cassius dahil sa sinagot ng kanyang asawa. Nawalan na rin ata sya ng idea.
Himabol nya ang asawa nya at tyaka inakbayan. Ang saya nilang tingnan dahil kahit tao noon si Tita Amalia ay nagawan pa rin nila ng paraan para magsama habangbuhay kasama ang anak nila. Isa lang ang anak nila dahil sa problema ni Tita sa mattress nya. Kaya kahit gusto pa nilang sundan si Errence ay wala pa rin silang magagawa dahil baka mamatay lang si Tita Amalia kapag pipiliting sundan ito.
Tao noon si Tita Amalia kaya may posibilidad na mamatay pa rin sya kapag ang dahilan ay ang mga sakit lang din ng tao. Kaya ingat na ingat rito si Prodo kasi baka daw mawala sa kanya.
Nakakainggit nga sila dahil nakasama nila ang isa't isa at nagbunga pa ang pagmamahalan nila kahit isa lang samantalang yung sa amin ay kailan pa kaya. Lagi pa rin akong umaasa sa pagbabalik nya. Miss ko na sya sobra.
Kapag magkita kaming muli babawi talaga ako sa kama at sa pagmamahal. Nakaka miss syang halikan.
"ALIS na muna ako!" paalam ko sa mag asawang naka upo sa sofa at nagtatawanang nanonood ng TV
Napalingon naman sila sa'kin at biglang napakunot ang noo dahil sa porma ko.
"Saan ka pupunta Cassius?" tanong ni Tita Amalia
"Around the world. Maghahanap na naman ako. It's either si Kataleya o si Tita Marianne ang hahanapin ko" nakangisi kong sabi sabay ayos ng sumbrero kong suot
"Maghahanap ka lang nagpapogi ka pa" pangbabara naman ni Prodo
Pero compliment naman talaga yun. Ginawa ko lang pambabara kasi hindi ako "nagpapapogi" kasi pogi naman talaga ako simula pa noong isinilang ako sa mundong ito.
"At least naman pumogi si Cassius eh ikaw Proding pumogi ka ba? Ang lusyang mo na ngang lalaki ka" yun ang pambabara na ginawa ng asawa nya
Napakunot naman ang noo ni Prodo dahil sa sinabi ng asawa. Kaagad din syang napasimangot dahil dun. Kawawa nga naman dahil nakapag asawa ng maldita.
Siguro kung hindi lang sumakabilang buhay ang Kataleya ko ay may masungit rin akong asawa na binabara ako palagi. Pagkatapos everytime na magsusungit sya sa'kin paparusahan ko sya ng sampung rounds. Para naman sa gayun ay may matutunan syang aral na wag na magsungit.
Tumawa ako ng mahina dahil sa dalawa at napagpasyahang umalis na lang. Maglalambingan na naman yan mamaya. May nga saltik yan sa ulo eh.
Palabas na sana ako ng pinto ng makasalubong ko sina Errence at ang dalawa kong kapatid. Si Caulm at Drazellie. Magkasama na naman ang tatlong 'to paniguradong nag mall na naman at tinuruan na naman nila ng katarantaduhan ang binata na hindi naman na binata talaga kasi lagpas na ng isang libo ang edad nya.
"Tito Cassius you're here pala. We bought you this one, Tito. I hope you'll like it" masayang sabi ni Errence sabay abot sa'kin ng isang paper bag na brown na maliit
Binuksan ko naman ito kaagad dahil na curious ako kung anong laman nun pero agad din akong nagsisi sa pagbukas dahil walang kwenta ang laman.
Nako naman oh!! Sa dami dami ng gamit na maaaring bilhin ito pa talaga ang naisipan nya. Siguro'y utos na naman ito ng dalawa kong kapatid. Pinag tri-tripan na naman nila ako.
Pagkatingin ko sa tatlo ay tumatawa ito ng mahina habang nakatitig sa'kin na binubuksan ang paper bag na dala nila. Mga walanghiya talaga.
"Maganda kuya, diba?" nagpipigil ng tawa na tanong ni Drazellie sa'kin
Agad ko namang binato sa kanya ang paper bag. Pinagloloko lang nila ako eh. Akala ko pa naman ay expensive at maganda ang nasa loob yun pala ay brief lang tapos yung naka print pa sa harap ay minions tapos ang liit pa ng size kesa sa'kin.
"Ipasuot nyo yan kay Prodo kasi ganyan kalaki bayag nya. Wag sa'kin kasi size XXL 'to eh sa kanya medium lang" suhestyon ko sa tatlong kulukoy na ako lagi ang pinag tri-tripan
"Hoy excuse me? Narinig ko yun ah?!" Biglang sabat ni Prodo na kasalukuyang nakasandal sa sofa kasama ang asawa nya at naglalambingan "Inaamin kong medium lang 'to pero at least nakagawa ako ng anak. Kesa naman sya iba dyan..." pagpaparinig nya sa'kin na hindi na natuloy dahil bigla syang tinapik ng asawa nya
Napangiwi na lang ako dahil sa ginagawa nilang dalawa. Bitter na kung bitter pero ang oa kasi nila. May pa halik halik pa sa labi tapos nasa harap pa ng anak nila. Sa harap pa talaga naming magkakapatid na mga hopeless romantic.
"Alis na tayo mga ka wonders baka makita pa natin yung live concert ni kiffy at bayag" pabirong sabi ni Caulm at hinatak kaming tatlo ni Errence at Drazellie palabas ng bahay
Pagkalabas namin ay agad nila akong inimbita na sumama sa gala nila pero hindi ako pumayag kasi maglilibot ako ulit sa buong mundo.
Bilang isang bampira, napakadali lang ng transportation namin dahil may mga portal kaming ginagamit para makapunta at makalabas sa isang lugar. Sana nga pwede akong dumaan doon papunta kay Kataleya pero hindi talaga iyon ang tamang daan.
Sana nga makahanap ako ng paraan para makapunta sa ibang dimension dahil masyado ng matagal ang paghihintay ko makapiling ko lang ang aking mahal. Sana talaga ay naging tao na lang ako para walang labanan na nangyari noon sa pagitan ng pamilya namin ni Kataleya. Sana'y balang araw ay makita ko na rin sya ulit. Para mahawakan ko syang muli, mahagkan, mahalikan at maangkin. Nakaka miss ang kanyang angking kagandahan. Wala syang kapantay ninoman.

YOU ARE READING
OH MY, MR. VAMPIRE (ON-GOING)
Vampiri[Book two of Bloody Affection] R-18 down there, sweetieee Cassius Azzreall Velasco became Zellrhex Rhaveen Morqueda, an actor and a singer. He's famous, not for his masterpiece, but for being known as the runaway groom. Will he be able to escape eve...