Naka baba na ko sa tricycle sa tapat ng simbahan, San Antonio pangalan nito at medjo malapit sa aming lugar.
6:30am palang naman at 8am pa ang simula ng misa, kailangan ko lang maging maaga dahil magprapractice kami sa choir at imemeet raw ang bagong guitarista.
Nagleave na kasi si Kuya Don, lumipat ng ibang bansa sa hindi namin alam na dahilan.
Sana naman itong bagong guitarista na ito, mabait at tatagal sa simbahan. Bonus na lang rin kung gwapo na may onting ka-cuetan.
Charot!
Huminto ako sa paglalakad dahil nakita ko sila Jm at Solia, nag lalandian.
Naol, hindi ko parin gets kung bakit single pa ako.
"Sup Shaira!" sigaw na bati saakin ni Jm, nilipat ko ang tingin ko kay Solia, salubong ang kilay nito at siguro nga binabalik nanaman niya ang past nung blinackmail ko si Jm.
"Sup Matt, hi Solia" bati ko sakanilang dalawa, tinarayan lang ako ni Solia at umalis siya sa tabi ni Jm.
Mukhang may mag aaway nanaman na mag jowa dahil sakin HAHAHA
Im not gonna lie, cute ang features ni Solia. May kagwapuhan rin ang bruhildang babaeng to dahil sa wolf cut niyang buhok. Bagay sila ni Jm.
I had no hard feelings left, naka move on na ko and I can be independent all by myself.
"Babyy, wag ka mag tampo. Bilhan uli kita libro, sorry naaaa" tumatakbo palayo si Solia kaya tinakbuhan rin ito ni Jm habang hawak hawak niya ang bag na dala ng gf niya sa kaliwang kamay habang ang hawak naman ng kanyang kanang kamay ang sutana niya.
Hahaha. Cute but corny. Baby kasi ung tawagan, ano siya sanggol?
Nagpatuloy na lang ako sa loob ng simbahan, kapapasok ko lang pero ang dami nang bumabati saakin dahil nanalo ako sa pageant ng barangay namin.
I mean? Why would I not win? Maputi't maganda ang kutis ng balat ko, never pa ko nag ka tigyawat dahil kung ano ano pinapahid ni Mama sa aking mukha't katawan. Idagdag mo pang mapayat ang aking bewang, kulay pula ang mga labi ko at may kahabaan ang aking legs.
Halatang pang beauty queen noh? Tss.
That's why no man in this world deserve me.
Im a strong, independent woman. I no need no man to fantisize me. Being me is enough.
"Shaira! Tawag ka na ni Choir Leader, ikaw uli second voice, wala raw kasi si ate Nic" saad saakin nang isang ka member ko sa choir.
"Sure, pakisabi sa kanya na mag babanyo ako saglit" sabi ko at tumango siya.
Umalis na ko sa harapan niya at tumungo sa banyo. Ni lock ko ang pinto at bumugtong hininga na lang dahil sa saya.
Hindi lang sa pagandahan ako magaling, lalong lalo na sa pagkanta.
Simula nung 4 yrs old ako, idol ko talaga si Moira Dela Torre. Mahinhin ung boses niya pero ang sarap pakinggan na parang pinapatulog ka.
Nag practice rin ako bilang second voice, hindi ko aakalain na kaya ko pala yun. Kabado ako nung una akong sumabak bilang second voice sa misa eh, imbes na magkamali nga nun, pinuri pa ko ng mga tao palabas sa simbahan.
Sa dami dami kong problema, dito ko nakuha lahat ng pagmamahal, saya at resulta bilang isang Katoliko.
Nasa iyo naman ang desisyon kung gusto mo mag serve sa simbahan niyo pero para sakin, puno ng mga aral ang pwede mo matutunan lalo na sa mga madre at mga pari na makikilala mo.
Naghugas ako ng aking kamay at umalis na sa banyo.
Papunta na ako ngayon sa kwarto nang pinagprapractice namin, na meron akong natamaan na nilalang rito sa pintuan banda.
"ARAY! WATCH WHERE YOU ARE GOING!" pabalang na sigaw ko sa nakatama sakin. Hawak hawak ko ang aking ulo dahil ang tigas ng dibdib niya.
Tumingin ako ng pataray pero nagbago ito nang makakita ako ng lalaki..
Ang gwapo.. singkit ang kanyang mga mata, halatang may lahi at ang sobrang tangkad niya, malaki ang katawan..
"Sorry miss, are you okay?" mababa ang tono ng boses niya na agad namang ikinakibut ng tyan ko.
Wahh! Pati boses nakaka heavenly!
Lord, baka pwede pakasal sa lalaking ito?
"Shaira! Ang tagal mo kumilos, tapos na ang practice at tatawagin ka sana ni Kuya Jian! Bagong guitarista natin yan, gwapo noh?" saad saakin ng choir leader namin.
I stared at him again--Jian raw pangalan..
"Nice to meet you? Hmm? Shaira am I right?" ngiting saad niya at umalis na siya nang tuluyan sa harapan ko.
What did just happened?!
Puso ko...
Lord, bawiin niyo po sinabi ko kanina na kaya ko maging strong, independent woman.
Sa lalaking may lahi na ito, siguro akong tiklop na ko sa mga nasabi ko.
But....
Jian. Im gonna make you fall for me.
.....
:)))
YOU ARE READING
CHURCH SERIES #2 AFTER CHOIR PRACTICE
Ficção AdolescenteUnexpected beat from a choir member as she sings the melody being played by the new Guitarist, problems luring thru there minds. They manage to be in free of the chains of bad spirits, for always being there for each other.