Chapter 8

22 1 0
                                    

Her POV

"Hinding-hindi na ako bibitaw ngayong ikaw na ang kasayaw..."

Tinignan ko ang katabi kong si Faye habang madama iyong kinakanta, sinasabayan ang pinapatugtog na music dito sa loob ng mini school bus na gamit naming transportasyon papunta sa paggaganapan ng Leadership Training Camp.

"Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw..." pagsabay niya rin sa trip ko.

Sabay naming kinanta ng malakas ang kasunod na lyrics sabay turo sa isa't-isa, "Ikaw, ikaw ay dilaw!"

We both chuckled, as were the other students who were with us inside, beside our seat. Maingay dito sa loob dahil sa kantahan, halatang-halata ang excitement sa mga magaganap mamaya.

Naramdaman ko ang paghinto ng bus dahil sa traffic. Kinuha ko naman ang bottled water na kaiinom lang ng babae at ginawa iyong mic.

"'Di akalain mararamdaman ko muli ang yakap ng panahon habang..." I started singin again.

Humalakhak si Faye sa ka-OA-yan ko dahil may pa-hairflip pa ako.

"Kumakalabit ang init at sinag ng araw..." Tinapat ko sa kanya ang bote para dugtungan niya iyon ngunit napalitan ang tawa ng panlalaki ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa likod ko kung nasaan ang bintana.

"Girl," she then raised her eyebrows like she was stopping me from reacting in an OA manner.

"Oh?" natatawa namang usal ko bago lingunin ang bintana kung saan siya nakatingin.

That was when I saw Rigil from the other bus, sitting behind the window and watching us. Katabi niya si Brean na kumakain ng baon niyang sitsirya.

Rigil was wearing a white hoodie with airpods on his ears, but it seemed like I caught his attention.

I slowly went back sitting in a normal manner. Nakataas pa kasi ang dalawang paa ko sa inuupuan, nakatuon ang mga tuhod sa bangkong nasa unahan ko.

"Mukhang 'di naman delikado, kasi parang ngumingiti na naman ako..." pagkanta pa ni Faye.

Huli na nang makaramdam ako ng hiya at hinanap pa kung may kurtina para maitaklob ang aking pagmumukha sa kanya, pero walang ganoon dahil full transparent glass window ang bus kaya kitang-kita ang mga pinaggagawa namin sa loob.

Nakatingin pa rin siya sa akin at hindi pa rin umaandar ang bus namin kaya hindi ko alam kung anong ikikilos. In the end, I just fake smiled at him and planned not to look at their side again.

Panay pa rin ang pagkanta ni Faye, hindi malaman kung nag-eenjoy lang o nang-aasar. Mabuti nalang at naunang umandar ang bus namin kila Rigil.

Tuwing magkakatapat naman ang mga bus namin ay nagkukunwari akong kausap si Faye na tinatawanan lang ng babae. Para raw akong tanga. May point naman siya.

Mga sampung minuto pa ang lumipas nang marating namin ang Yoan's, isang farm resort na madalas pagganapan team building at training camp ng EUF.

Pinapunta muna kami ni Sir Paulo sa kani-kaniyang room namin para makapaghanda sa opening program. Bukod ang kwarto ng babae at lalaki ngunit magkakasama ang magkaka-club at class presidents sa bawat room.

"Dito tayo, girl!" tawag ni Faye nang mahanap niya ang kwarto namin.

Magkasama kami sa isang room at dahil lalaki si Brean, nahiwalay siya sa amin. Sa isang club, three officers lang ang makaka-attend sa LTC kaya kami lang din tatlo ang narito, hindi kasama ang mga bagong member.

"Kasama natin ang cheer squad!" she hyped me when she saw the sign plastered on the door.

Nilapitan ko agad siya at nakumpirma iyon. 'Arts Club and ECS'. Kinikilig akong ngumiti at saglit na kinabahan nang buksan na ni Faye ang pinto.

Beautiful Mistake (High School Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon