Di pa rin ako makapaniwala na kami na ni Bree at ngayon ang unang pasko kong kasama siya at slash asawa pa! Yes po asawa ko na siya di ako naniniwala sa mga girlfriend na yan ayaw ko nun gusto ko asawa agad para walang kawala.
"Okay guys, exchange gifts tayo-tayo lang before mag christmas break" Sabi ni Haime sa amin.
"Sige, magkano yung magiging exchange gifts?" tanong naman ni Ivory.
"Ano mas gusto niyo 100 or 150" tanong ulit ni Haime.
"Pwede na siguro yung 100" sabi ko, aba syempre tipid-tipid lang.
"150 na guys, parang wala na masadong mabibili sa 100 alam niyo naman bilihin ngayon" sabi naman ni Jam.
"Yes guys, pwede na siguro ang 150" pagsang-ayon ni Dej. Sumang-ayon na kami lahat sa bagay parang mababa na masyado ang 100 ngayon.
"Tara na guys, uwi na tayo kita kita na lang tayo next week" sabi ni Haime, agad naman silang nag-alisan ako hinihintay ko pa si Bree dito, may last class pa kasi sila syempre yung prof na kahit intrams hindi pinapalagpas sana naman next sem wag na siyang maging prof namin. Masyadong kill joy eh.
"Hello asawa ko" bigla naman ako napitlag kasi nandyaan na pala siya, tumawa pa nga siya.
"Diyan ka na pala asawa ko tara na po, uwi na tayo" hinawakan ko na siya sa kamay at sabay na kaming naglakad papuntang sakayan.
"Kamusta pala yung usapan niyong magbabarkada asawa ko?" tanong ni Bree."Yun magkakaroon kami exchange gifts pero kami-kami lang" sabi ko dito sabay hawak sa kamay niya. "Masaya yun, by the way pupunta pala kami nila mommy kay daddy sa UK pero don't worry makakauwi ako asawa ko before Christmas so sa inyo na ako magpapasko at bagong taon" sabi nito, buti na lang sinabi niya agad kasi malulungkot ako kung di ko siya makakasama."Thank you asawa ko, pero kung gusto mo doon ka na lang din ikaw magpasko para makasama mo daddy mo" sabi ko dito."No asawa ko, I prefer na dito talaga sa pilipinas mag pasko dahil iba ang paskong pinoy" sabi niya. Hinimas ko naman ang ulo niya."Saka baby di ko kaya na di kita kasama, 5 days din yun before ako umuwi" malungkot na sabi nito, hinimas ko naman ulo niya."Same asawa ko, don't worry palagi naman tayo mag video call" sabi ko dito para gumaan kahit papaano ang loob niya."Yes po asawa ko please, beside syempre iba pa rin kapag kasama kita my baby" lambing pa nito. Sana hindi matapos ang araw na hindi ko kasama si Bree, ayaw kong magising sa pangarap kong ito. Gusto kong huminto ang oras na kasama ko siya, na nandito lang siya sa tabi ko at hindi ako iniiwan. Pwede ba dito ka na lang habang buhay? Isang malungkot na bakasyon kakaalis lang ni Bree three days ago, wala akong ginawa kundi manood ng anime. Namimiss ko na siya kahit mag video call kami iba pa rin kapag nandito siya beside 7 hours yung gap ng oras namin kaya mahirap talaga. Ngayon hindi pa siya tumatawag maybe dahil tulog pa siya or busy sila mag bonding ng parents niya. Ako naman ito tamang nood lang ng anime. Naghahanap pa nga ako ng suggestions mula kay Avy pati sa mga iba kong kaklase. Mga mahihilig din kasi sila sa anime eh."Bro" tawag sa akin ni Jon, yung pinsan slash best friend ko since ata pinanganak na kami sa mundong ito, palagi na kaming magkasama simula pagkabata. Kahit lagi kaming nag-aaway nung mga bata kami at palagi ko siyang binubully dati untill now magkasama at mag best friend pa rin kami."Yes?" tanong ko dito."Kamusta ka na busy ka na sa college ah saka sino ba yung palagi mong kasamang chix" sabi nito."Hay naku tigilan mo nga yun! Akin yun noh!" sabi ko dito, alam ko kasing may pagka babaero ito, di naman gwapo! Saka takot mag settle sa relationship sayang yung relasyon niya dati eh natukso kasi kaya tuloy nawala. Minsan naiisip ko baka nga totoo kapag nawala yung isang taong naiintindihan ka, natatanggap ka, minamahal ka ng buo, yung taong kabiyak ng buhay mo, baka hindi mo na talaga mahahanap yung bubuo sayo, except doon sa tao na yun. I don't know, bigla na lang yun pumasok sa isip ko. What if yung taong sinasaktan mo yun pala ang bubuo sayo at hindi mo na mahahanap ang pagmamahal na yun sa iba."Alam ko nasasabi naman sa akin yun ng mama mo" sabi nito at umupo sa tabi ko."Ang baho mo doon ka nga" sabi ko dito kasi amoy sigarilyo eh."Hindi naman ah, naligo naman ako, pero sa totoo lang ang ganda nun ah" sabi pa niya."Maganda talaga yun saka mabait" sabi ko pa."Mukhang mayaman yan ah" sabi pa niya then inamoy niya yung sarili niya kung mabaho ba talaga siya."Hmm oo, kaya nga medyo naalangan din ako pero sobrang gusto ko siya Bro" sabi ko dito, sa totoo lang ayaw ko sa mga mayayaman. Sobrang naalangan ako sa isang taong mayaman, iniisip ko baka manghusga agad sila, pero si Bree iba siya sobrang down to earth, mabait, matulungin at maawain. Para talaga siyang anghel except sa ano...hays basta sa ano! Nabigla ako na ganun pala siya ka wild! Anyway ayaw kong pag-usapan yun!"Edi may first kiss ka na?" Tanong ni Jon."Hmmm" tumango lang ako, kung alam mo lang hindi lang kiss."Buti naman, edi nag..." pinutol ko na sasabihin niya sa susunod niyang sasabihin."HINDI" madiin kong sabi, hays pwede bang kainin na lang ako ng lamang lupa. Naalala ko naman yung araw na ginawa namin yun actually nung kailan naging kami at grabe talaga! Hays baka maging red pa mukha ko ayaw ko na maalala. Sobrang nagulat ako parang another Bree yung nakita ko nun but she is the sweetest pa rin at ramdam mong mahal ka na ikaw lang yung pinaka maganda. Kapag naalala ko yun grabe kinikilig ako!"Magagawa niyo din yun" pangungulit pa nito."Hindi noh, ibibigay ko lang ito sa taong mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko ng sobra pa sa sobra yung mamatay ako sa pagmamahal para sa taong yun at yung taong papakasalan ako!" sabi ko dito, tawa naman siya ng tawa sa pagiging OA ko!"Oh bakit totoo naman ah, alam niyo yan nila Avy" sabi ko dito. Tumango na lang siya na tumatawa pa din.Ganun kami ka-open sa isa't isa mas lalo na kami nila Avy, Erol, at Jon. Kahit anong usapan pa niyan sobrang open namin walang malisya sa amin, saka alam naman nila na may pagka old school talaga ako pero alam kong sure na ako kay Bree hindi ko na kayang magmahal kung hindi si Bree. Siya na talaga yung para sa akin alam ko yun at kahit saan pa siya handa akong mahalin siya, hintayin siya, basta lahat gagawin ko para sa kanya. Sobrang bulag ako ng pagmamahal ko kay Bree at masasabi ko na worth it naman kasi ganun din siya sa akin. Kasi talagang pangarap ko yung kagaya niya na sobrang mapagmahal, soft hearted pero positive, madali kasing umiyak si Bree mababaw yung luha pero kahit ganun pagdating sa perspective niya sa life sobrang tatag at full of positivity."Oo alam ko naman yun sige mamaya na lang ulit" sabi ni Jon at umalis na siya, umuwi na sa kanila.Feeling ko nga kapag iniwan ako ni Bree sobrang madudurog ako as in parang galit, poot, at hinanakit lang yung mangyayari sa akin. Wala ng matitirang pagmamahal kasi lahat ng pagmamahal ko nasa kanya na lang. Di ko na kayang umibig ulit, dahil binigay ko na sa kanya lahat. Pinagkatiwala ko na yung sarili ko ng buong-buo kaya kapag nawala si Bree sa buhay ko guguho ang mundo ko. Lumipas ang mga araw nandito na ulit si Bree sa Pilipinas at nakakatuwa pa direstso siya agad dito sa bahay, ang dami niyang kwento sa amin ni mama. Sobrang saya ko na magpapasko na kasama siya. "Sobrang namimiss na kita asawa ko, sobrang lungkot ko dun baby" sabi nito habang nakayakap sa akin."Ako din naman po sobrang namimiss kita, pero syempre asawa ko ang masaya dun nakasama mo si Daddy mo po" sabi ko dito."Speaking of Dad, sinabi ko na yung tungkol sa atin then sabi niya asawa ko na kapag nauwi siya dito, he wants na makilala ka and I'm so excited na mangyari yun baby" sobrang saya pa niya samantala ako ito para akong binuhusan ng yelo. Nahalata niya atang kinakabahan ako."Hey asawa ko don't worry mabait si daddy and remember nakatira siya sa UK which is open country mas lalo na pagdating sa gender and sexuality okay? Besides mahal ako nun and kung sino ang mahal ko, mahal niya din" sabi nito at nagulat ako ng halikan niya ako sa labi."Thanks asawa ko, kinabahan lang ako ng very slight dahil syempre malaking bagay yun dahil daddy mo yun eh" sabi ko pa dito, awit! Very slight eh kulang na nga lang atakihin ako sa puso sa sobrang kaba. "Sabi naman niya sa akin baby na tanggap niya tayo kaya nga gusto ka niya makilala and I'm sure makikita niya yung dahilan kung bakit kita sobrang mahal asawa ko" sabi pa nito nakakaiyak talaga yung pagmamahal ng babae na ito! Thank you Lord talaga.Niyakap ko agad siya ng napaka higpit sa sobrang saya ng puso ko sa mga oras na ito. Dito ka lang habang buhay Bree, wag kang mawawala please. Di ko kayang mabuhay sa isang mundo na wala ka."Bree gusto ko lang sabihin na kahit saang mundo, saan mang universe, kahit sa susunod na buhay, at sa marami pang buhay pa niyan ikaw at ikaw lang talaga asawa ko, promise ko yan sayo palaging ikaw ang pipiliin kong mahalin" sabi ko dito di ko alam bakit ako naiiyak at mas nagulat ako na naiyak din siya."Asawa ko, why ka ganyan napapaiyak ako sa saya, and same for me asawa ko promise ko na hindi ko kayang magmahal ng iba dahil ikaw lang talaga habang buhay pinakamamahal kong asawa, at kahit sa ibang buhay at mundo hahanapin kita at kahit sa mundong..."pintulo ko ang sasabihin niya."Kahit sa mundong hindi ka totoo na gawa ka lang ng imahinasyon ko, ikaw pa rin" sabi ko dito. Nabigla siya at tumawa sabay yakap sa akin."Ikaw talaga asawa ko, really may ganun ka niya baby?" sabi nito."Maybe, I can do that" sabi ko dito."Aww baby! Okay sa tingin ko kaya ko din yun" nakangiti na sabi niya at pinisil niya yung pisngi ko."You are so cute asawa ko, sobrang swerte ko na meron akong ikaw and ang saya ko na naiisip mo yun baby grabe nakakatuwa" sabi bpa niya habang nagniningning ang mga mata."Kaya ko yun asawa ko, syempre kahit hindi ka nag-eexist sa ibang universe palagi ako hahanap ng ways, for example gagawa ako ng stories natin kung saan doon totoo ks" sabi pa ng malikhaing isip ko."Really asawa ko? Sobrang nakaka touch and I can't explain kung gaano ako kasaya na marinig niyan sayo" niyakap niya ako ng mahigpit."If ever na totoo ang parallel universe, and multiverse there is a possibility na baka sa timeline na yun isa sa atin ang hindi nag-eexist, and I'm really sure asawa ko malungkot yun, kasi kasiyahan natin ang isa't isa, and even if I didn't exist, my soul would still yearn for yours, my love for you will endure across all dimensions and timelines asawa ko promise ko yan." nakangiti na sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. Di ko alam kung bakit pero I see million sparkling stars in her eyes.Niyakap ko lang siya ng mga sandali na yun, totoo yung sinabi niya na sobrang lungkot kapag wala siya sa mundo na ito. Naiisip ko pa lang yung paulit-ulit na pain, traumas, break-ups, trust issues, at kung ano-ano pa. Wala talagang kayang magmahal sa akin ng kagaya ng pagmamahal ng isang Bree. Pwede naman siguro dito na lang ako habang buhay sa tabi niya, sa piling niya hindi ko siya iiwan, gusto ko lang mahiga sa tabi niya, mayakap siya, handa akong matulog habang buhay kung sa panaginip lang kita makikita at makakasama Bree.

BINABASA MO ANG
Parallel (GXG)
RomanceHindi ko kayang gawin kang totoo, pero naniniwala ako sa ibang buhay, na baka nga totoo ang "PARALLEL UNIVERSE" na baka totoo, na baka nandoon tayo masaya tayo, na totoo na may tayo. Pero sa pamamagitan ng librong ito magiging totoo ka na my moon, m...