FUMIKO'S POV:
--
NANG sumapit ang dilim, nagpasya si Sav na mag-bon fire kami sa beach at kasalukuyan na kaming nakapalibot sa apoy habang nagluluto ng marshmallows at hotdog.Actually, naiinggit ako sa mga kasama ko dahil kasama nila ang kani-kanilang asawa at hindi mapuknat ang ka-sweet'an nila sa isa't-isa. Kahit si Saviel at Kuya Aqueros ay abala sa sarili nilang mundo.
Samantala, ang mga bata naman ay nasa loob na ng beach house at binabantayan sila nina Fourth kasama si Cold at Andrew na sumunod sa amin dito sa resort.
"You okay?" untag sa akin ni Ate Alanis.
Meron itong dalang plato na naglalaman ng chips at iniabot niya sa akin 'yon. Nakasunod sa kanya si Doc Gun na merong dalang alak at isa-isang binigay yun sa mga lalaki at kay Saviel.
"Okay lang po ako ate."
Umupo sa tabi ko si Ate Alanis habang si Doc Gun naman ay naupo sa tabi ni Kuya Aqueros habang abala ito sa pakikipag-asaran kay Saviel.
"Kumusta ang pananatili mo sa HuPoFEL? Parang hinihigpitan ka yata ni Aqueros?" ani ni Ate Alanis.
Napatingin ako sa gawi ng mga kasama namin at saka ako napangiti at muling ibinaling ang atensyon ko sa kanya.
"Masaya po kasi nakatagpo ako ng panibagong pamilya. I mean, wala man po sa tabi ko sina Kuya Fumiya, Mama at Papa, nagkaroon naman ako ng malaking pamilya sa pamamagitan ng HuPoFEL,"
Napangiti si Ate Alanis sa sinabi ko.
"Ganyan din ako no'ng unang dalhin ako ni Gun sa mundo nila. Noong una nagtataka pa ako kung bakit nagtatago sila sa gitna ng bundok pero doon ko lang napagtanto na hindi lamang sila ordinaryong tao. At ang pamilya na nais ko noon ay sa kanila ko rin natagpuan. Alam kong masyado silang magulo at maingay pero lahat sila ay maaasahan lalo na si Aqueros."
"Bilib nga po ako kay Kuya Aqueros dahil kaya niyang i-handle ang ganito kalaking organisasyon. Noong malaman ko po ang totoong trabaho niyo ay natakot talaga ako pero habang tumatagal ako sa poder niyo ay doon ko lang naintindihan ang lahat. Nanganganib ang buhay ko ay kailangan ko ang proteksyon niyo lalo na ni Thunder,"
"Ilang taon na rin ang lumipas mula nang umalis si Thud. Nakakausap mo ba siya?"
Bumalatay ang lungkot sa mukha ko.
"Hindi po eh. Wala rin pong sinasabi si Kuya Aqueros kung kumusta na po ang pamilya ko. Nag-aalala na rin po ako kasi matagal na po akong nanatili sa HuPoFEL at gusto ko na po silang makita."
Kahit sa mga kaibigan ko sa university ay wala na akong balita kahit sina Yakuji, David, Asher at Astaroth ay hindi ko rin matyempuhan sa HuPoFEL.
"Sa tingin ko naman maayos na ang lahat at baka payagan ka na ni Aqueros na makauwi sa inyo. Pwera na lang kung babalik si Thud."
Hindi na ako umimik at katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Ate Alanis. Gustong-gusto ko na talagang bumalik sa dati kong buhay mula sa school, e-sports at sa boot camp namin kasama ang mga kaibigan ko. Nakaka-miss din pala na makipag-bardagulan sa computer at mobile games.
Naglalaro naman kami ni Rent pero iba pa rin 'yong pakiramdam na nasa international stage ka at maririnig mo ang bawat hiyawan ng mga tao na nanunuod sa bawat laban niyo. Kung hindi dahil sa grupo ni Tina, baka sakaling nakatuntong na ako sa championship sa ikalawang pagkakataon kaso hindi eh.
Minsan naiisip ko na lang kung para sa akin pa ba ang mundo ng e-sports o mananatili na lang akong nakatago sa likod ng HuPoFEL, sa likod ni Kuya Aqueros.
"Alright guys, tara maglaro ng spin the bottle!"
Nabalik ako sa huwisyo nang sumigaw si Saviel matapos nitong laklakin ang laman ng bote na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...