"Eve, may gagawin ka tonight?" Si Vega, blockmate ko sa semester na ito. Sya ang nakatabi ko sa enrolment at sya na rin ang naging bestfriend ko kalaunan. Lagi kaming magkasama sa University, kahit sa labas.
"Wala naman, but I'll work on my few homeworks pagka-uwian."
"Meron kasi akong nabalitaan na opening sa isang coffee shop... Kaunti lang ang lalakarin galing sa school. G ka ba puntahan mamaya? Check mo lang yung vibes..."Maganda si Vega, social butterfly. May mahabang pilik-mata at makinis na mukha. Malamang nakasagap na naman to ng chismis sa mga kakilala nya.
Naghahanap ako ng part time job na tatanggap sa akin kahit 2nd year student palang ako. Hindi rin madali ang kurso ko, kaya kahit pag-uwi ko ay may hinahabol akong mga gawain galing school; Kaya nahihirapan akong makakuha ng part-time job.
Hindi rin nakakatulong na mag-isa ako sa apartment at wala akong katulong sa mga chores. Ngayon ko naisip, may labahan pa pala akong gagawin.
"Tumatanggap ba ng part timer?"
"Oo naman! Actually..." putol na kwento ni Vega, namumula. "Crush ko kasi yung may-ari ng coffee shop."
"Kaya sasamahan mo ako mamaya?" Natatawa kong sabi.
"Oo! Kakahingi ko lang ng number nya kahapon, and I feel like were making a connection. Malakas ako dun ngayon noh! Kaya ipapasok kita"Vega's arms flew to cross on mine. Sabay kaming lumabas ng classroom.
"See you mamaya ah!" Kumakaway si Vega habang papaalis ang bus na sinakyan ko.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang mawala na sa tanaw ko si Vega.
Napakadami nyang kaibigan at araw araw kapag kami ay umuuwi galing university ay marami muna syang kausap bago kami makalabas. This day is no exemption.I mentally enumerated my to-do list on the bus. I have ADHD, I cling to my plans dearly.
My name is Eve, Mary Everleigh de Laurier. At 16, I took the plane away from my home and lived alone since then. No biggie, though. Quezon City is subtle and peaceful if you have the money. (My parents' money lol)
Bumaba ako sa terminal na pinakamalapit sa apartment.
Naglakad, bumili ng meryenda ko sa convenience store. Binaba ko ang bag ko at umupo muna sa kama.
First thing to do: My homeworks.
EH?!
Alas sais na! Bumangon ako sa higaan ko. Nakatulog ako after umupo ng kama!
"Ow." I can't feel my feet.Doon ko na-realize na may kumakatok sa pintuan ko. Nasan ang cellphone ko?
17 missed calls from Vega. What the?
Slowly, I made my way to the door, paika ika dahil namamahid ang legs ko!
"Anong nangyari sayo? Kanina pa ko dito--why you limping?"
"Sorry nakatulog kasi ako..."
"Like... Wait---Oh my gosh, you're still wearing the clothes you wore to school." Vega giggled while making her way to the kitchen sink.
"Painom ako ng tubig, nauhaw ako kaka-tawag sayo sa labas."
"Nasa ref... Ugh! Wala pa ko nagagawa sa homework." Ani ko, habang naghahanap ng maisusuot sa closet ko.
"You can bring it with you, Coffee Shop naman talaga yung place. But lately, nagbukas sila ng alcoholic drinks so the place became a small pub at night... But you can still order coffee and do your stuffs there."
So, ayun nga ang nangyari. I brought a small bag with my paperworks and laptop.
We held hands while looking at the outside of the coffee shop.
Maingay na agad sa labas, malamang dahil full packed sila tuwing gabi. Malaki ang coffee shop, iniisip ko kaagad ang trabaho dito, parang mahihimatay na agad ako.