"A person who dreams of love is one who waits, and someone who waits can recognize love when it comes near."
That's what the quote written on Charm and Clyde's wedding invitation.
Too bad I didn't have the chance to see the most important part of my best friend's life.
Oo. Hindi ako nakapunta sa kasal nila. Akalain nyong yung luka lukang babaeng yun na walang ginawa kundi bwisitin ako eh ikinasal na?
Almost one year na silang kasal. May baby boy na sila.
Ako?
More than 9 years din akong nawala sa Pinas.
Nagtrabaho ako sa Paris sa isang Accounting Firm doon. After kong malaman na official CPA na ko. Agad akong pinadalhan ng kontrata para makapagtrabaho sa Paris. Oo, nakakahomesick pero okay lang. Malaki naman ang kita eh. Kidding :D
Ganun katagal akong nagtrabaho. Sobrang nagfocus nalang ako sa trabaho ko don kaya tumagal ako ng 9 years.
Ngayon andito na ulit ako. I still can't decide kung babalik pa ba ko sa Paris o magstay na dito for good.
Inaasar na nga ko ng Auntie ko na mag-asawa na daw ako. Sabik na daw syang magkaapo sakin. Kamusta naman yun? -_____________-
Pano ko magkakaasawa eh wala nga kong boyfriend? Tss. Bata pa naman ako eh. 29 pa lang naman ako.
Kahit may jetlag pa, I decided na kumain muna sa isang restaurant na malapit lang sa bahay na pinagawa ko para sakin.
Hindi naman madami yung dala ko, kaya hindi hassle kung gumala gala muna ako. After all, namiss ko talaga ang Pinas.
"Miss, one cheesecake please and jasmine tea. For here."
Inulit nya lang yung sinabi ko at umalis na.
Alam nyo bang ang lugar na pinagtayuan ng restaurant na ito ay yung dating playground kung san ko siya nakilala?
Medyo nakaramdam nga ako ng panghihinayang nung nalaman kong nabili na pala yung playground at tinayuan ng restaurant na ito.
"Kamusta na kaya yun?"
Unconsiously, I uttered.
Hindi madaling makalimot. Dati nakokornihan pa ko dun sa mga OA umiyak dahil lang iniwan. Dun sa mga babaeng akala mo katapusan na ng mundo nila dahil lang dinump ng isang lalaki.
Pero pag ikaw pala yung nasa sitwasyon, nakakatanga na pala.
Hindi mo alam kung anong gagawin.
Nung gabing pinag-antay ko siya sa playground na to, pagkaalis niya, nakita ko lahat ng ginawa niya para sa akin.
Nakita ko yung personalized sheet na punong puno ng pictures namin. Kinuha ko yun at hanggang ngayon nasa akin pa. May nakita din akong kahon na maganda ang pagkakabalot. Pagkauwi ko nun sa bahay, binuksan ko syempre. Nakakita ako ng CD, kaya naman pinlay ko at pinanuod.
Tanda ko pa noon na halos kaladkarin na ko ni Charm palabas ng kwarto ko. Paulit ulit ko lang kasing pinapanuod yung CD. Pinaparusahan ko noon yung sarili ko. Ang tanga ko kasi para pakawalan ko siya.
Nilamon na ko ng sobra kong galit. Ng sobra kong pagkabitter.
Okay lang naman maging bitter.
Okay lang magalit kasi nasaktan ka.
Natural yun.
Walang batas at hindi naman tayo santo para pigilan ang sarili natin kung sakali mang makapagtanim tayo ng sama ng loob sa iba.
BINABASA MO ANG
Fate Changer
Fiksi RemajaHer six-word love story reads: "She's moving on; he comes back." Is it possible to forget someone when love has disrupted the future you carefully built for yourself?