Ang saya saya ko :) Super~ bukas papasok na si Kim. Mag kakasama nanaman kami. Excited na ako. :D
--
@SCHOOL
Nakita ko si Kimmy, nakaupo lang dun sa upuan nya sa room. Nilapitan ko siya pero sa gilid ako dumaan tapos tinakpan ko yung mga mata nya.
Kim: Sino 'to?
Carmela: Hulaan mo!
Kim: Hula ko, mataba yung nakahawak sa mata ko?
Carmela: Ang sama mo! *sabay alis ng kamay sa mata*
Kim: Sabi na eh! Hahahahaha!
Carmela: Bully ka talaga. I hate you.
Kim: Hahahaha! Iyak ka na! :P
Carmela: Whatever..
Kim: Okay, baby ko :P
Umagang umaga pa lang GV na agad ako. Lalo naman nung uwian. Inaya nya ko pumunta sa MOA. Edi pumayag ako siyempre. Sagot nya daw eh.
Kim: May pupuntahan ka ba?
Carmela: Wala naman baket?
Kim: Tara, MOA. Sagot ko! :)
Carmela: Ano gagawin natin dun?
Kim: Mag-ddate. Ay este bonding. Hehe. Tara na
Carmela: :""""""> Ayoko.
Kim: Sus, ayaw daw pero gusto naman talaga. :P
Hinatak nya yung kamay ko tapos nagpunta na kami sa MOA.
@MOA
Kim: Kain muna tayo, baby! San mo gusto?
Carmela: Kahit san.
Kim: KFC nalang tayo. Tara na.
~~
Kim: Nabusog ka ba? :D
Carmela: Syempre! Sa dami ba naman ng pinakain mo sakin!
Kim: Hahaha, picture naman muna tayo.
Carmela: Sige ba! Picture lang pala eh.
https://pbs.twimg.com/media/BFxes1YCUAEY_QI.jpg:large
Kim: Ayan, may picture na tayong dalawa. :) San tayo?
Carmela: Timzone tayo! Hahaha trip lang.
Kim: Tara, tara.
Ayun, nagpunta kami sa Timezone. Nag laro kami ang saya namin. :) Pero after mga 1hr umalis na dn kami dun. Habang naglalakad lakad kami, mag ka holding hands kami. Tapos biglang may tumawag kay Kim.
????: Kim!
Carmela: Sino yun?
May lumapit na girl kay Kim.
Cienne: Hi Kim, musta ka na?
Kim: Uy ikaw pala. Okay lang naman :)
Kim: Si Carmela nga pala.
Cienne: Hello. :)
Carmela: *nginitian lang si Cienne*
Sino kaya 'to? Ugh.
Cienne: San na kayo punta? Wala akong makasama dito eh.
Kim: Uhm dito dito lang. Bakit?
Cienne: Pwede bang sumama muna sainyo?
Kim: Mela, okay lang ba na kasama siya?
Carmela: *tumango lang*
Medyo matagal sila nagkwentuhan nung Cienne na yun. Sino ba 'yun? Selos na selos na ko dito oh. Pilit kong inaalis yung kamay ni Kim sa kamay ko pero ang higpit ng hawak nya. :|
Kim: O sige, una na kami. Salamat sa oras.
Cienne: Bilis naman. Sige na nga. Bye *sabay hug kay kim*
Inalis ko na talaga yung kamay ko kay Kim. Aray, bakit kailangan may hug?! Ang sakitttt! Parang di ko kinaya yung nakita ko kaya tumahimik ako at binilisan ko yung lakad ko.
Kim: Mela? Wait lang.
Kim: May problema ba?
Carmela: Sino ba yun?
Kim: Si Cienne.
Carmela: Ano meron sainyo? Bakit super close nyo? May pa-hug hug pa siyang nalalaman. At sa harap ko pa.
Kim: May gusto sakin dati yun si Cienne. Ewan ko kung hanggang ngayon. Ang pogi ko noh.
Cienne: AHHHHHHHHHH ok. *binilisan ko lalo yung lakad*
May gusto? Ugh, ba't ba ganito. Akala ko ba date namin to? Eh bakit may epal? :'( Nagseselos ako.
Kim: Nag-seselos ka ba baby ko?
Carmela: ...
Kim: Wag ka na magselos.
Carmela: Hindi naman ako nagseselos eh!
Kim: Eh bakit galit ka? Yyiiiee nagseselos!
Nakuha nya pa akong asarin! Tumakbo nalang ako para umiwas sakanya. Pero hinabol nya ko.
Kim: *back hug to me* Wait lang, nagseselos ka dahil sa yakap na yun? Wala ka dapat ika-selos. Lamang na lamang ka dun at kahit kailan hindi ko naman nagustuhan si Cienne. Ikaw lang talaga. Wag ka na mag selos. I love you baby ko.
Carmela: :""> Kaasar ka kase!! Ewan ko sayo. *biglang lakad*
Kim: Ilang hug ba gusto mo?
Carmela: Wala.
Kim: Ano, lima? Ang onti naman.
Carmela: Sabi ko wala! Binge!
Kim: Ay sungeeetttt! Wag ka nga gumanyan sa date natin.
Carmela: Date? Date ba 'to? Weh? Maniwala?
Kim: Hinde, gala 'to. =__= Hay nako.
Carmela: Hahahahaha! Naaasar ka nanaman.
Kim: Tara na nga. *sabay hawak sa kamay ko*
Pinagpatuloy namin yung araw na yun ng masaya. Kahit may epal nung una. Hehehe. Nag Ice Skating dn kami. Haha, nakakatawa si Kim. Nadudulas pa. Ang cute nyaaa. :"">
Pagtingin ko sa orasan ko 6:30 na pala. Ayoko pang umuwi kaya pinagpatuloy namin ang date namin. Super sayaaaaaaaaaa!!
Pero pagtingin ko ulit sa orasan ko 8 na. Ang bilis naman :/ kelangan ko na umuwi.
Carmela: Uwi na ko.
Kim: Hatid na kita
Carmela: Wag naaaa
Kim: Sige na pleaseeee
Ang kulit nyaaa XD Kaya pumayag na ako.
Carmela: Sige na nga!
Kim: Yeheeeyy! I love you!