The Aftermath

1 1 0
                                    

Like the looks we exchanged as if it was destiny, my shaking heart thinks of you... ― Scent, Sojung (Ladies' Code)

xxxxxx

[Brent]

"ARAY! DAHAN-DAHAN ka lang naman sa pagpapatong mo niyan sa mukha ko, Neilson," reklamo ko habang pinapatungan ni Neilson ng ice pack ang pasa sa mukha na natamo ko. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiwi dahil doon. I couldn't really believe it. Isang babae pa talaga ang nagbigay ng pasang iyon sa akin!

Hindi ko alam kung talagang minalas lang ako o dahil... ah, basta! Malas nga lang yata ako ngayon.

Totoo ang sinabi ako kay Relaina na ito pa lang ang babaeng nakagawa n'on sa akin. Mas madalas na sampal ang inaabot ako sa mga babae, lalo na kapag nakipag-break na ako sa mga nakarelasyon ko noon. But no girls had ever punched me hard like what Relaina did.

Mukhang matinding magparanas ng cariño brutalidad ang babaeng iyon, ah! Tagos sa buto. Heto nga't hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin matanggal ang sakit sa parehong panga ko. Grabe!

May mga pagkakataon noon na umuuwi akong may pasa sa mukha dahil madalas akong napapaaway sa labas ng eskuwelahan. Dahil doon kaya kung minsan ay napagkakamalan pa akong gangster. But I wasn't really considered a gangster. Takot ko lang sa mga magulang ko kapag naging gangster nga talaga ako. Oo, siguro basagulero lang ako kapag tinatawag ng pagkakataon.

Ngunit nangyayari lang naman iyon kapag inaabangan ako ng mga basagulerong estudyante ng Oceanside at nagkataong pinakiusapan ng mga ex-girlfriend ko ang mga iyon. Bilang ganti lang daw sa paglalaro ko sa puso ng mga babaeng iyon na ilang linggo lang ang itinagal sa akin. Kadalasan ay hindi pa lumalampas ng isang buwan.

Well, I couldn't help it kung masyado akong lapitin ng mga babae. After all, I was born a charmer. Namana ko raw ang isang major trait ng mga Rialande, or at least iyon ang sabi sa akin ng Mama. Kaya siguro hindi na nito kinukuwestiyon ang mga nangyayari tungkol sa atensiyong nakukuha ko sa mga babae. Tanggap na siguro nito na wala na itong magagawa pagdating sa bagay na iyon.

Technically, panganay ako sa tatlong magkakapatid kahit sabihin pang may kakambal siya. Limang minuto ang tanda ko kay Neilson.

My mother Fate Montreal belonged to the Rialande clan – one of the few prominent clans in Altiera – and one of the amazing surgeons I had ever met. Hindi ako biased. Isa pa, ilang beses ko nang napatunayan iyon simula pa noong bata ako. Sa katunayan, pagiging doktor nga ang pangarap ng bunsong kapatid ko na si Carl.

As for my father Cedric Montreal, he became a private investigator after quitting the military service. Isa ito sa tumutulong sa mga maternal uncles ko sa pamamahala ng Twin Blades Agency, ang security agency na pag-aari ng mga Rialande at Delgado – another of Altiera's prominent clans. Hindi lang ang mga Rialande ang kilala sa bayan ng Altiera. In fact, the Delgados and the Rialandes were long friends. Kung hindi ako nagkakamali, centuries na rin ang itinagal ng pagkakaibigan ng dalawang angkan. Plano naman ni Neilson na sumunod sa yapak ng ama namin na maging isang private investigator.

Kaya nga misteryo para sa akin kung bakit imbes na Criminology ang kuning kurso ni Neilson, naisipan pa talaga nitong kumuha ng Architecture. Ako naman ay Civil Engineering ang kinuhang kurso. I really wanted to become an engineer, just like my mother's sister na si Engr. Cecille Montreal Mercado – ang Tita Cecille namin.

Oh, well. I still had a few more years for me to achieve that, though. Kaya naman heto ako ngayon, pinagbubutihan ang pag-aaral.

Tatawa-tawa lang si Neilson habang patuloy pa rin ito sa pagpapatong ng ice pack sa napinsalang bahagi ng mukha ko. Ang tawa nitong iyon ang nagpatigil sa akin sa pagmumuni-muni ko.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon