I want to know you more; an exploring venture through your deep forest of mystery... ― Just One Day, BTS
xxxxxx
[Brent]
HINDI NA ako nagtaka pa nang mapuna kong pinagtitinginan na naman ako ng mga nadadaanan kong mga kaklase ko. May mga ilan din akong schoolmates na ganoon din ang gawain kapag nakakasalubong ko sila. Okay lang sana sa akin iyon on a normal basis.
Pero magmula nang dumating ang amasonang Relaina na iyon sa buhay ko, iba na yata ang magiging normal basis pagdating sa akin.
Mukhang naging malaking isyu sa mga ito ang nangyari isang linggo na ang nakalilipas sa classroom. Anyway, talaga namang issue iyon dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may babaeng hindi man lang tinablan ng charm ng isang Brent Allen Montreal. Grabe! Napakalaking bangungot iyon, ah! And to think I was a part of the Rialande clan, for heaven's sake! Wala pang sinumang babae ang tumatanggi sa charm ko, o kahit na sinuman sa mga Rialande bachelors.
Talagang nasira ang record ko sa babaeng iyon.
Pero ngayon, hindi ko inakalang magtatagpo ang mga landas namin ng kauna-unahang babaeng hindi lang yata amazona kundi—
Bigla akong natigilan nang pumasok ako sa classroom at agad kong nakitang pasalubong sa akin ang babaeng dahilan ng pag-iisip ko ngayon.
Sino pa ba? Eh 'di walang iba kundi si Relaina.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa akin. Basta namalayan ko na lang ang sarili kong patuloy lang itong tinitiningnan. At ganoon din ang ginagawa nito sa akin.
For a moment or so, we were just staring at each other. Para bang... iyon lang sa mga sandaling iyon ang dapat naming gawin. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang emosyong nakapaloob sa mga mata nito. At sa hindi malamang rason ay bigla akong nahiwagaan sa babaeng ito.
"Huwag mong sabihing buong maghapon kang haharang diyan sa pintuan?"
I cursed silently and berated myself for what I'd done. Natigilan na lang ako nang marinig iyon mula rito. Nakita ko ring nakataas ang isang kilay nito. At kung hindi ako nagkakamali ay may himig din ng inis ang boses nito nang marinig ko ang sinabi nitong iyon.
I couldn't believe it! Ito pa ang may ganang mainis samantalang ako na itong naagrabyado.
Hindi ko na lang ipinahalata na tila na-caught off guard ako sa babaeng ito. Walang puwedeng makaalam n'on.
"Eh ano naman ang kaso sa iyo kung haharang nga ako dito? At least may maganda silang view buong maghapon. Don't you agree?" nang-aasar na sabi ko na lang at isinandal ko pa ang likod ko sa gilid ng pinto kasabay ng paghaharang ng paa ko sa daraanan nito.
Well, I couldn't help it kung trip kong asarin ang babaeng ito. Matira ang matibay sa kanilang dalawa. Bahala na. Sinira na ng amasonang ito ang image ko. I had to redeem myself somehow. Baka sa ganitong paraan ko lang magawa iyon.
Lihim akong nagdiwang nang mapansin kong naningkit ang mga mata ni Relaina habang tinitingnan ako nito.
"Gusto mo pa yata talagang madagdagan pa iyang pasa sa mukha mo, eh. Tingnan ko lang kung magagawa mo pang humarang diyan sa pintuan sa oras na gawin ko iyon," nakapamewang na sambit nito.
At sa itsura nito ay tila kaya nga nitong seryosohin ang sinabi nitong iyon. Pero kung hindi naman ako gaganti sa babaeng ito, ako ang magmumukhang kawawa. I won't do physical retaliation bilang pagganti. I never physically hurt a girl before and I won't ever physically hurt a girl at all.
Umalis ako sa pagkakasandal sa pintuan at nilapitan ang nakakunot-noo pa ring si Relaina. But this time, may nang-aasar na ngiti sa labi ko.
"Then why not do it? Alam mo, hindi pa ako nakakaganti sa pangalawang beses na pagsuntok mo sa mukha ko, eh. 'Di hamak na mas dehado ako doon dahil may face value ako na kailangang pangalagaan." Then I smirked mischieviously. "Not unless you miss my kiss that much at iyon ang gusto mong parusa ko sa iyo?"
"Ganoon? Hoy, Mr. Montreal! Hindi pa nagsisimula nang maayos ang araw ko, sinisira mo na. Kaya mabuti pang umalis ka na diyan sa daraanan ko kung ayaw mong tuluyang masira ang araw ko at may gawin ako sa iyo na hindi mo magugustuhan."
Okay, now I was definitely beginning to get amused with this girl. Ngayon lang talaga ako nakakilala ng ganitong klaseng babae.
"Talaga? At ano naman iyon?"
Pero sa totoo lang, hindi ko talaga inaasahan ang isasagot nito, dahilan naman upang manlaki ang mga mata ko.
"Titiyakin kong hindi na masusundan pa ang lahi mo. Kaya kung ayaw mong mangyari iyon, huwag na huwag mong tatangkaing lapitan ako!" banta nito.
Woah! She wasn't... serious, was she? Pero wala akong nakikitang anumang bahid ng emosyon sa mukha nito na nagsasabing nagbibiro lang ito.
That means she was really serious. Oh, boy!
At dahil doon, napilitan na akong umalis sa harap ni Relaina matapos kong bumuntong-hininga. Then I saw her leave the room.
Pambihira rin itong babaeng ito. Pero hindi nga talaga malabong gawin nito ang bantang iyon. In fact, tested and proven ko na iyon.
Dumiretso na lang ako sa upuang ginagamit ko at pasalampak na inilagay doon ang bag ko. Subalit imbes na makipag-usap ako sa mga kaklase naming naroon gaya ng nakagawian ko na, tila nawalan na ako ng ganang makipag-usap sa kahit kanino matapos ang eksenang iyon sa pagitan namin ni Relaina.
Mukhang pag-iisipin na naman ako ng babaeng iyon, ah. But I guessed I couldn't help doing so.
Lalo na nang makita ko ang mga mata nito.
In a short span of time, I noticed only her eyes that were devoid of any emotions except sadness. Her chocolate eyes were beautiful and enchanting, but then I thought that it shouldn't be laced with that kind of emotion. Noon lang ako nakakita ng ganoon. It made Relaina even more mysterious to me. There was something in those eyes that for some reason had made me feel as if I was enchanted to her in some way.
Gusto kong malaman kung ano ang rason na iyon.
"Umm... Brent?"
Napapitlag ako nang lihim nang marinig ko ang tawag na iyon. I lifted my head and then I saw Mayu.
"Pagpasensiyahan mo na sana ang pinsan ko, ha? Ganoon lang talaga iyon. Hate na hate ang mga lalaking may face value na kagaya ng sa iyo." At saka sinundan nito ng tawa ang sinabing iyon.
I didn't take it as an insult, though. Pati nga ako ay natawa na rin.
Baka nga ganoon ang rason.
Oh, well. Sigurado na akong magiging makabuluhan na ang college days ko. Even if it means I would be dealing with Relaina's temper every now and then.
Pero sa totoo lang, may gusto pa akong malaman mula rito. Sa ngayon, hindi ko pa magawang tukuyin kung ano nga ba iyon.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...