Sometimes, like a gentle breeze, I suddenly think of you... ― Day And Night, Jung Sung Hwan
xxxxxx
[Relaina]
KAHIT SIGURO pagkasama-sama na ng tingin ng mga babae sa akin ay para bang wala lang iyon sa akin. Kunsabagay, sanayan na lang iyon. At isa pa, hindi ko na ipinagtataka iyon. Ako ba naman kasi ang tanging babaeng gumulpi at muntikan nang sumira sa mukha ng naturingang "most handsome campus heartthrob" ng Oceanside.
I would have done a victory dance for that achievement. Pero hindi pa ako tuluyang nasisiraan ng bait para gumawa ng ganoon. Composure first before anything else. Who cares kung ako nga ang gumawa n'on? May kasalanan siya sa akin kaya gumanti lang ako as long as I know na iyon ang nararapat gawin. Lalo na sa hambog na katulad ng sira-ulong kamoteng iyon.
Para kasi sa karamihan ng mga babaeng nagkakagusto sa ugok na iyon, napaka-big deal ng ginawa kong iyon sa prince charming ng mga ito.
But for me, ang nasa isip ko na lang ay "to hell with them!" Wala na akong pakialam kahit na si Brent pa ang pinakaguwapong nilalang sa paningin ng lahat. It was that jerk's fault, anyway. Mag-take advantage ba naman kasi. Palibhasa, lumaki na yata masyado ang ulo at ego sa atensyong nakukuha nito kaya sa tingin ng lalaking iyon ay kaya nitong paikutin sa palad nito ang lahat ng mga babaeng makakasalamuha at hahanga sa pagmumukha't charisma nito.
Talk about having such a jerk to enter my life... Dapat sa mga ganoong lalaki, kinakatay. Para wala nang manloloko't magte-take advantage.
Isang linggo na ang nakalilipas matapos ang insidenteng naging matinding usap-usapan sa loob ng campus. Ganoon katagal ko na ring dinededma ang masasamang tingin sa akin ng mga babaeng halatang matindi ang pagkakagusto sa buwisit-slash-manyak na Brent na iyon. As if it would actually affect me.
Huwag lang subukan ng mga ito na sugurin ako at baka ang mga ito pa ang mapagbuntunan ko ng pagkatindi-tinding inis ko sa buwisit na kamoteng prince charming ng mga ito.
Grr! Grabe! Hanggang ngayon talaga, hindi pa rin mawala-wala ang inis ko sa lalaking iyon. At mukhang malabong mawala na iyon hanggang nakikita ko sa loob ng campus ang pagmumukha nito.
"Hanep ka talaga kahit na kailan, alam mo iyon? Kung ako siguro, first day pa lang, umiyak na ako sa takot sa mga taong ang sasama ng tingin sa akin. Gulpihin mo ba naman kasi ang prince charming nila."
Napabuga na lang ako ng hangin at nagtaas ng kilay. Hindi ko na kailangan pang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ang nagsalitang iyon. Isang mapaklang ngiti lang ang sumunod na naging tugon ko sa pahayag na iyon.
"Prince charming? Iyong kamoteng iyon, prince charming? Puwede ba?" Seriously lang? Nakakalilabot, ah. Napailing na lang ako at diretsong umupo sa assigned seat ko. "Isa pa, alam mo namang walang knight in shining armor na magtatanggol sa akin at magsisilbing shield ko mula sa mga taong iyan. Unlike you..." Noon lang ako nag-angat ng tingin upang harapin si Mayu.
Kumunot naman ang noo ng pinsan ko sabay turo sa sarili nito. "Ako?"
Tumango ako. "Oo. Nandiyan kasi si Neilson para sa iyo na handa kang ipagtanggol kung sakali mang sugurin ka ng mga fangirls niya."
"Hindi, ah! At malabong gawin niya iyon, 'no?"
"Sus! Nag-deny ka pa talaga." At bahagya akong napatawa nang mapansin kong namumula ang mga pisngi ni Mayu. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang pagkagusto ng pinsan ko sa isa pang Montreal sa Oceanside. Wala namang nakakapagtaka roon, eh. "Huwag kang mag-alala. Safe ang secret mo sa akin. Hinding-hindi malalaman ng mundo ang matinding pagkagusto mo sa kakambal ng buwisit na kamoteng Brent na iyon."
Sinabayan ko ng tawa ang sinabi kong iyon. Mabuti na lang at nagawa kong makailag sa gagawin sanang pagpalo ni Mayu sa akin ng hawak nitong notebook.
Pero pagkabanggit ko sa pangalan ng taong ngayon ay source na ng napakatinding pagkasira ng bawat araw ko, hayun at nag-umpisa na naman akong makaramdam ng pagkulo ng dugo. Kasabay niyon, nakaramdam din ako ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano ba 'to? Pero... aminin ko man o hindi, expected ko na dapat iyon. Lagi namang ganoon ang nangyayari, 'di ba?
Kaya lang, bakit kasi nararamdaman ko iyon sa taong masasabi kong siyang pinakamalas sa buhay ko? Bakit kahit pangalan pa lang nito ang nababanggit ko't naririnig, o kahit nga naiisip ko pa lang ang pangalan ng buwisit na iyon ay ganoon na ang nararamdaman ko?
And of all people, why does it have to be the one who made me feel what 'first kiss' actually felt like? Hindi naman siya ang first kiss ko, eh. Pero... iba talaga ang naging dating ng halik ng mokong na iyon sa akin, eh. Nag-iwan talaga ng malalim na mark sa puso ko.
Ewan! Ang gulo!
"O, ano? Iniisip mo na naman iyong nagbigay sa iyo ng first kiss mo, 'no?" untag ni Mayu sa pagmumuni-muni ko nang mga sandaling iyon.
I just grunted at the fact that my cousin was able to point that out even though I wasn't even saying anything about it at all.
"At ano naman ang dahilan ko para isipin ang nightmare na iyon? Masusuntok ko lang iyon ulit kapag ginawa niya iyon sa akin for the second time. But I doubt if that jerk will be able to do that to me again..."
Isang buntong-hininga lang ang narinig kong pinakawalan ng pinsan ko na ipinagtaka ko naman.
"Wagas ka namang makabuntong-hininga riyan," komento ko. "Huwag mong sabihing wala ka nang planong bumuntong-hininga ulit kinabukasan?"
"Ikaw, ang dami-dami mong napapansin. Huwag mo na nga lang akong pansinin. Isipin mo na lang iyong lalaking itinuturing mong nightmare ngayon. Baka sakaling may mapala ka pa."
Napaismid na lang ako sa sinabing iyon ni Mayu. Sa totoo lang, ano ba'ng nakain ng pinsan ko at ganito ito kung makapagbugaw sa akin sa lalaking kinabubuwisitan ko ngayon nang wagas?
Yeah, right! May mapapala nga ako sa lalaking iyon—isang buong araw na kabuwisitan at tiyak na pagkasira ng araw ko. Urgh! This is crazy.
Hindi ko na lang binigyang pansin ang pagrigodon ng dibdib habang ang isip ko naman ay tila nanggagalaiti sa paglitaw ng mukha ni Brent doon.
Mukhang hindi na yata ito matatapos. Grabe naman! Bakit ganito ang nangyayari sa akin, ha?
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romansa【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...