Now I'm asking if you'd like to know the real me... ― Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
"O, BA'T PARA kang wala sa sarili mo? Nandoon ka lang naman sa pahingahan mo, 'di ba?"
Hindi ko na sinagot si Mayu – na himalang hindi pa umaalis samantalang kababanggit lang sa akin ni Neilson na may "date" ang mga ito – pagdating ko sa classroom. Naupo na lang ako sa assigned seat ko at inilapat ko ang noo ko sa table ng armchair na gamit ko. Mabuti nga't hindi ko pa naisipang ibagsak ang ulo ko roon para lang magising ako.
Bangungot ba 'to? Bakit ganito ang dating ng bulaklak na iyon sa akin? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Waah! Ano ba namang klaseng araw 'to?
"Uy! Okay ka lang?"
Tiningnan ko si Mayu na siyang yumugyog sa akin pero nakalapat pa rin ang ulo ko sa table. Ayoko munang iangat ang ulo ko mula roon dahil baka kung ano pa ang makita ko sa paligid ko. "Sabihin mo nga sa akin. Paano ako magiging okay kung walang araw na sinisira ng buwisit na mokong na kamoteng iyon ang utak ko, ha?"
"Ano na naman ba kasi ang ginawa niya sa iyo at ganyan tumatangingting ang pagtawag mo sa kanya ng kung anu-anong pangalan, ha? Hanep ka ring makapag-isip ng naming convention para kay Brent, ah. May buwisit na nga, may mokong pa, 'tapos may dagdag pang kamote. Ano 'yon, retarted lang?"
"Bakit, hindi ba? Takbo pa nga lang ng utak n'on na walang tigil sa pagsira ng araw ko, retarted na talagang maituturing." Grr! Ano ba naman, o? "Nakakainis!"
At ang buwisit kong pinsan, tinawanan na lang ako ulit. Kung hindi ba naman 'to isang sira ulo't kalahati...
"O, siya. Sige na nga. Don't mention anything about him na lang para lang walang gulo. Mabuti na lang at hindi natin kaklase ang panira ng araw mo sa next three subjects natin today."
Noon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. That jerk wasn't even present but he still made my heart beat that fast. And it was all because of a flower.
Hindi ko alam kung naiintindihan ba ng lalaking iyon ang mga meaning ng mga bulaklak. Pero... kung iko-consider ko ang sinabi ni Neilson na message daw ni Kamoteng Brent sa akin ang pagbigay nito ng bulaklak na iyon sa akin, then it must mean...
Hindi nga kaya may alam ito tungkol sa language of flowers?
I could've laughed at the thought but I couldn't. I groaned discreetly. Naman, eh! Bakit kailangan pa talagang magulo nang husto ang utak ko nang ganito dahil lang sa buwisit na 'yon?
Pinilit ko na lang dedmahin iyon habang patuloy ang pagdaan ng mga oras sa loob ng klase. Mabuti na lang talaga at nagawa ko pang makapag-concentrate sa lessons kahit undeniably ay kalat-kalat ang takbo ng utak ko. Kung may isang bagay man sa mundo na hindi ko hinahayaang mag-suffer dahil sa mga childish at nonsense thoughts ko, iyon ay ang pag-aaral ko.
This was one of the ways for me to repay my parents' efforts who supported me all this time.
Pagkatapos ng klase, dumiretso na ako ng uwi. Hindi ko na nahintay si Mayu dahil may club activity pa raw ito. Isa pa, mukhang matutuloy na rin sa wakas ang date nito at ni Neilson. Halata naman kahit hindi nito sabihin sa akin iyon. Obvious na kasi ang patagong pagkakilig ng bruha kong pinsan nang makita namin si Neilson na nag-aabang sa labas ng classroom.
Ako naman, untied to any responsibilities of any of the clubs in the university. Ayoko pa kasing maburo sa mga club activities na 'yan. Panira lang ang mga iyon sa freedom ko.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romansa【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...