Something Unexpected

2 1 0
                                    

My love for you was only a lie that I should forget... ― Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

"ANO? Seryoso? Tumawag siya sa iyo?"

Napangiwi na lang ako dahil doon. Kulang na lang talaga, takpan ko ang tainga ko sa lakas ng boses ni Mayu. Ang bruha kong pinsan talaga, naisipan pang mag-eskandalo. Hindi na naawa sa tainga ko na nagsa-suffer sa lakas ng boses nito.

"Necessarily lang talagang ipangalandakan mo iyan sa madla, 'no?" Napabuntong-hininga ako pagkatapos n'on. "Oo, tumawag siya. Nagulat nga rin ako, eh. Ilang beses ko pang inulit iyong message na iniwan niya sa voice mail ko para lang makumpirma ko talaga na hindi ako nananaginip o nagha-hallucinate lang."

"Paano naman niya nalaman ang number mo? Sa pagkakaalam ko, iilan lang ang nakakaalam n'on. And take note, wala sa mga kaibigan mo sa Aurora ang nakakaalam ng bago mong number."

Kibit-balikat lang ang naging tugon ko kasi hindi ko naman alam ang isasagot roon. Kahit nga ako, nahihiwagaan doon.

Nagpatuloy na lang kami ni Mayu sa pagtahak sa daan papunta sa first class namin for that day. Ang nakapagtataka pa, pareho kaming tahimik ng pinsan ko habang naglalakad. Hindi ko naman masasabing weird iyon. Para ngang expected ko na iyon sa amin.

At ang utak ko, hayun! Nag-umpisa na namang maglakbay sa kung saan. Pambihira naman kasing voice mail iyon. Panira ng utak!

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon ko roon. Hay... Ano ba 'yan? Wala yatang oras pagkatapos n'on na hindi ako napapabuntong-hininga nang ganoon. Para ngang hindi na ako bubuntong-hininga kinabukasan kung makabuntong-hininga ako.

"'Insan, huwag mong sabihing affected ka pa rin?"

Ang tanong na iyon ni Mayu ang nagpabalik ng focus ko sa realidad. At sa totoo lang, iyon ang tanong nito na hanggang sa mga sandaling iyon yata ay hindi ko pa rin masagot nang maayos.

Nakapasok na kami sa classroom na wala akong nasabi kay Mayu biglang sagot. Naupo na lang ako sa assigned seat ko at napatingin sa labas ng bintana pagkatapos niyang huminga nang malalim. Naman, eh! Magugulo na naman ang utak ko nito, eh.

"Okay ka lang ba, Aina?"

Nabaling ang tingin ko kay Mayu nang marinig ko ang concerned na tanong nitong iyon. Of all people, tanging si Mayu lang ang pinagsabihan ko ng tungkol sa problemang nagpapaapekto sa akin hanggang ngayon. Only my cousin knew the pain I went through at one time.

"Aina" ang madalas na tawag ni Mayu at ng mga magulang ko sa akin dahil masyado raw mahaba ang "Relaina". Actually, hindi lang iyon ang nickname ko. Merong "Yna", "Ella", "Ai-chan", at "Relly". Pero mas gusto ko pa ring natatawag akong Relaina.

Ngumiti na lang ako. "Okay lang ako. Kailangan, eh. So don't worry."

"Paano naman kaya ako hindi mag-aalala kung ganyang klaseng sagot naman ang maririnig ko sa iyo?"

O? Ngayon naman si Mayu ang napapabuntong-hininga nang malalim. Out of exasperation nga lang. Well, sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa klase ng sagot ko?

Pasensiya naman po. Wala na ako sa sarili ko, eh.

Kaysa naman lalong ma-bad trip sa akin ang pinsan ko, kinuha ko na lang ang cellphone ko. Pindot dito, pindot doon... hanggang sa makita ko na rin ang hinahanap ko. Saka ko iniabot iyon kay Mayu.

"You wanna hear it? Here, para naman alam mo kung bakit ako ganito ngayon."

Ilang saglit pa ay kinuha na sa akin ni Mayu ang cellphone ko. Hindi nagtagal ay pinakinggan naming dalawa ang recorded voice mail. At ang buwisit! Nakalimutan kong malakas pala ang volume n'on. Nawala sa isip ko. Mabuti na lang at wala yatang pakialam sa mundo ang mga classmates ko. It was either hindi narinig ng mga ito ang voice mail na iyon o ayaw lang pakinggan ng mga ito for some reasons.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon