Observing Me

2 1 0
                                    

Someday, I'll forget you from my heart, but I'll keep living my life waiting for that day... ― Kreung Cheewit (Tung Jit Jai) [Half My Life (All My Heart)], New Jiew

xxxxxx

[Relaina]

"O, NASAAN na ang cellphone mo? 'Di ba dala mo lang iyon kaninang umaga?" Iyon ang agad na tanong ni Mayu sa akin pagkatapos ng klase namin sa Trigonometry at habang tinatahak namin ang daan patungong canteen.

Lihim akong natigilan dahil doon. Pero nginitian ko na lang si Mayu at pinilit kong hindi ipahalata rito ang discomfort ko sa tanong nito.

"Tinapon ko na," kaswal at tipid kong sagot dito. Sana lang ay makahalata ito na ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Pero in fairness, pagkatapos kong gawin ang pagtapon sa CP kong iyon, parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Or at least it felt that way. Kumalma naman ako kahit papaano.

Kaya lang, parang hindi pa rin sapat iyon. Heto nga't magulo pa rin ang takbo ng utak ko hanggang sa mga sandaling iyon.

"Akala ko aabutin ka pa ng isang taon bago mo gawin iyon."

Bigla akong napatigil sa paglalakad at agad kong hinarap si Mayu. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"That cellphone held a great deal of sentimental value to you because of him. At kaya ka nahihirapang maka-move-on ngayon ay dahil hindi mo pa rin magawang i-let go ang nag-iisang bagay na nagpapaalala sa iyo ng tungkol sa kanya." Bumuntong-hininga si Mayu pagkatapos n'on.

Wow... Akala ko ako lang ang nagkaroon ng habit na bumuntong-hininga dahil sa panggulong iyon. Pero hindi na ako nag-comment doon out loud. Baka batukan lang ako nito.

Mas malakas kayang manapak ito kaysa sa akin, kung alam lang ng madla. Teka, alam kaya ni Neilson iyon?

"Gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko pagkatapos kong gawin iyon. Pero parang may kulang pa rin, eh. Parang..."

"Parang hindi pa rin iyon considered na closure na kailangan mo, ganoon ba?"

Tumango ako kasi tumpak naman talaga. Kaya pala feeling ko, kulang pa rin.

"Hay, naku! Halika na nga. Mag-lunch na tayo at nang maaga tayo sa PE subject natin. Isa ring istrikto si Ma'am Castro pagdating sa attendance. At saka sa pagkakaalam ko, ngayon daw niya ia-announce ang pairings para sa dance practicum, 'di ba?"

"Aba! Memoryado mo talaga, ah. Eh baka naman nalilimutan mong classmate din natin sa subject na iyon si Brent."

Was it me or may bahid yata ng panunudyo ang tono ni Mayu pagkasabi nito sa huling sentence? Napataas tuloy ako ng kilay nang wala sa oras.

"Wala akong pakialam sa kamoteng iyon. Magpakamatay na siya for all I care para mabawasan na ang mga mayayabang, mapang-asar, casanova, playboy, chickboy, at heartbreaker na kagaya niya sa balat ng lupa!"

Nakita ko na lang ang pag-iling ng pinsan ko. "Tara na nga bago ka pa tuluyang mag-alburoto riyan. Ayoko pang mawala ang ever dearest cousin/sister figure ko sa balat ng lupa dahil sa hypertension."

At ang bruha, nakuha pang manggaya ng linya. But it was okay. Nagawa naman akong pangitiin n'on.

Kaya heto, smiling while traversing the path going to the canteen ang naging drama naming magpinsan.

But then I couldn't deny na iba ang pakiramdam ko sa paligid. It was as if... may nakatingin sa akin nang mataman.

May nag-oobserba ba sa akin?

"O, ngayon naman parang hindi ka mapakali. Akala ko ba okay ka na kahit papaano?"

Umiling na lang ako at ngumiti. Tama na ang pag-aalala ni Mayu sa akin sa araw na 'yon. "Wala ito."

At nagpatuloy na lang kami, ignoring na feeling that someone was actually watching me intently.

xxxxxx

[Brent]

"'TOL, PINAGMUMUKHA mo naman tayong stalker nito, eh. Kung gusto mong sundan si Relaina, huwag mo na akong idamay pa, okay? Hindi ko pa pinangarap harapin ang kamandag ng kamao ng kaaway mo."

I just looked at Neilson incredulously pero hanggang doon lang iyon. "Huwag ka na ngang magreklamo. Kailangan ko lang ng kasama sa ganito at ikaw lang ang nakakapagtiyaga sa akin. Pagbigyan mo na ako."

After that, I watched Relaina walk away with Mayu. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko at naisipan ko iyong gawin – ang mag-aktong stalker. But that amazon girl's actions that morning had really bugged me and intrigued me to some extent.

How could those beautiful chocolate brown eyes held that kind of sadness and pain? Oo na, inaamin ko nang maganda talaga ang mga mata ng babaeng iyon. But that wasn't the real issue here.

Bakit ganoon ang nakita ko sa mga mata ni Relaina? Ni hindi nga nagawang itago ng pagsusungit nito ang mga emosyong iyon. Had she been hiding it all this time? Ano kaya ang rason at parang ang bigat ng aura ng magpinsang iyon pagkakita ko sa mga ito nang makapasok na kami ni Neilson sa classroom?

Heck! Ano ba namang klaseng araw 'to? Ang dami kong tanong na gusto kong mahanapan kaagad ng sagot.

"Sorry, bro. idinadamay pa kita sa ganitong kalokohan ko," out of the blue ay nasabi ko kay Neilson nang mag-decide na akong huwag nang sundan pa si Relaina.

I heard Neilson chuckle that made me look at my fraternal twin brother. Neilson had this gentle expression on his face as he peered at me.

"Bakit hindi mo pa kasi amining nag-aalala ka? Na kahit puwede n'yo nang i-recreate ang World War II kapag nagsasalubong ang landas n'yong dalawa, you can't deny na isa pa rin siya sa mga kumukumpleto ng araw mo."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil wala naman akong kailangang aminin dito.

Okay, scratch that. I admitted I was worried – but only a little. Maybe around... 15 to 20%?

'In other words, nag-aalala ka pa rin kahit gaano pa kaliit ang percentage n'on. Isa pa, 20% is not a small amount.'

Bigla-bigla ay pinalo ko ang ulo ko dahil sa sinabing iyon ng isang bahagi ng isip ko. What in the world was going on with my mind at that moment?

Dapat pala sa akin, wala akong inaamin, eh. Para walang kokontra.

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang naging tugon ko na lang sa sinabi ng kakambal kong iyon. After that, I touched and gripped the thing that was in my pocket. With that deed alone, I knew I had to do something to put an end to my roller coaster mind.

"Let's go. Mag-lunch na muna tayo."

Neilson soon followed and even tapped my shoulder once as soon as he reached me. "Do you even think having lunch is going to clear your mind? Wala ka naman sigurong planong mag-binge eating, 'no?"

"Well, I need to do something for that to happen, right? Mas mabuti nang may gawin kaysa naman nababaliw ako sa kakaisip sa amasonang iyon. Not to mention, gutom na talaga ako. Isa pa, I remember Mrs. Castro mentioned that we'll start practicing for our dance practicum. I have a feeling that I'll be burning more calories because of that. Mabuti nang may stockskong energy sa katawan ko. Mahirap nang mag-collapse sa kalagitnaan ng practice natin"

"Sure, whatever you say."

Seriously, I wasn't liking the disbelief I heard in my twin brother's tone. It seemed that I wasn't saying enough to be convincing. Then again, kailan ba may pinaniwalaan ang lalaking ito sa mga sinasabi ko pagdating kay Relaina?

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon